Chapter 32: First date

79 17 4
                                    

Pinagmamasdan ko ang sarili sa harap ng salamin. Nakabihis ako ngayon ng pulang damit na hapit na hapit sa katawan ko. Pinarisan ko din ito ng black high heels. Matagal-tagal narin mula nong huling nagsuot ako ng ganto.

May lakad kasi kami ni Seon ngayong gabi di ko pa alam kung saan kami pupunta ang sabi lang niya ay suotin ko daw iyong damit na nasa loob ng isang mahabang kahon na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.

Pagkatapos ng trabaho namin sa school ay sinabihan niya akong magpaganda daw at may lakad daw kami ngayong gabi. Ano na naman kaya plano nun? Na e-excite ako kasi feeling ko may date kami ngayon. Totoong date.

Naglagay lang ako ng kunting liptint at powder. Dahil medyo mahaba na ang buhok ko ay naisipan kong paiklian ito ng kunti. Pinutol ko ito hanggang sa may balikat ko. Actually sa youtube ko lang natotonan mag gupit ng sariling buhok(at first time ko itong ginawa) mabuti nalang at fast learner ako kaya hindi mukang ewan ang itsura ko ngayon. Hindi muna ako nagsuot ng pang desguise ngayon dahil iyon ang mahigpit na bilin sakin ni Seon bago siya maunang umalis kanina.

Ipinapasundo niya nga lang ako sa isang lalaking naka americana at mukhang bodyguard ang dating. Nagsuot ako ng shades at sobrero paglabas ko ng condo unit. Sa pagbaba ko ng building ay nakita ko kaagad ang lalaki na sinasabi niya na siyang magsusundo sa akin papunta sa kanya. Tinawagan niya lang ako na may magsusundo daw sa akin at hihintayin niya lang ako sa lugar kung nasaan siya.

'' Good evening ma'am '' bati sa akin nung lalaki. Ngitian ko lang siya at pumasok na ako sa loob ng kotse.

Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasan na kabahan at ma-excite. Ang dami kasing alam nitong si Seon wala akong alam sa kung ano ang pinaplano niya at kung saan ako dadalhin ng pinadala niya.

'' Andito na tayo Ma'am '' sabi ng sumundo sa akin.

Bumaba na ako sa kotse. Pagkatapos kong bumaba ay umalis nadin iyong sumundo sa akin at naiwan kaming dalawa ni Seon.

Dahan-dahan akong lumakad papunta sa kanya na nakatayo lang at nakatingin sa akin habang may hawak na mga bulaklak. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko na para bang nagkakarerahan sa tindi ng kaba at saya. This is so romantic.

Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng lugar. Ang ganda rito. Nasaan ba kami? Ang daming balloons at bulaklak sa paligid, tapos may mga lights pa na nakakaganda ng ambiance. Pwedeng mag selfie?

Nang makalapit na ako sa kanya ay binigyan niya ako ng boque of flowers.

'' You looked stunning. Bagay sayo ang buhok mo ngayon '' sabi niya and he kissed me in the cheeks.

Namula naman ako sa complement niya.

'' Thank you Seon. Actually ako lang pumutol nito. Ikaw din ang gwapo-gwapo mo. Mukha ka talagang prinsipe(monster price) ''

Namula siya sa sinabi ko.

'' What's wrong? First time mong masabihan ng gwapo? '' biro ko sa kanya.

Umiwas naman siya sakin ng tingin at namumula parin.

'' H-hindi no. M-madaming nagsasabi pero syempre i-iba ang epekto sa akin kong ikaw m-mismo nagsabi s-sakin ''

Haha. Kahit kailan sarap talaga tingnan kapag nagkakaganyan siya. Umupo na kami sa dalawang upuan na magkaharap. Maganda din ang presentation ng mga pagkain sa ibabaw ng lamesa. Ang romantic naman ng gabing ito. Nagsimula na kaming kumain ng maisipan ko siyang biruin.

'' Di mo sinabi sakin na date pala itong mangyayari satin. Ikaw seon huh, ang hilig mo na mag sorpresa! '' ako habang umiinom ng wine.

Ang sarap ng hangin dito.

My Hidden Princess [ON-GOING]Where stories live. Discover now