Chapter 37: Abducted

45 15 0
                                    

Nasa isang mall ako ngayon kasama ang mga bodyguards na itinalaga ni mama na magbantay sa akin at kasama din namin ang aming dalawang kasambahay. Gusto ko lang muna makahinga saglit at maka alis ng bahay nagsisimula na kasi akong masakal na naman.

7:45 na ng gabi.

Balak ko sanang takasan ang mga bodyguards na nakabantay at nakasuod sa akin para puntahan si Seon sa kanyang condo unit kaya lang ay todo bantay talaga sila sa akin. Kanina pa ako nag-iisip ng idadahilan para maka alis ako at matakasan sila.

Napansin ko ang hawak kong paper bag na naglalaman ng binili kong damit kanina. Dahil don ay may naisip akong ideya para makatakas.

'' Ahm. Cr muna ako papalitan kolang ang damit ko dito sa mga na nabili ko '' saad ko sa isa sa mga bodyguards namin habang pinapakita ang damit na nabili ko.

'' Sa fitting room na po kayo magpalit Princess Akira! '' saad ng lalaking bodyguard sakin na ang pangalan ay si Mr. Cris (Pangalawa kay Josef)

'' Matatagalan ako kung sa fitting room pa ako magpapalit ang daming nag hihintay na mga costumer para magsukat mas madali kong sa CR na ako magbibihis. '' saad ko sa kanya.

Napapatingin nadin ang ibang costumer sa gawi namin habang nakatutok ang kanilang cellphone sa akin. Iyong mga saleslady ay palihim akong pinagmamasdan din. Siguro ay nakikilala nila ako. Hinayaan ko nalang sila sa kanilang ginagawang pagmasid sa akin.

'' Sige po ''

Nakasunod parin sila sa akin papunta sa kinaroroonan ng Ladies Comfortroom.
Naiwan na sila sa labas para magbantay habang ako ay nagtuloy-tuloy lang sa pagpasok sa loob.

Tiningnan ko ang mga taong nasa loob. Naghahanap akong pwedeng hingan ko ng tulong. Ang plano ko kasi ay dapat makahanap ako ng babaeng kasing tangkad at payat ko para sa ganun ay pwede kaming mag switch.

Maya-maya pa ay may tatlong kababaehan ang pumasok at iyong dalawa ay pumasok sa cubicles habang iyong isa naiwan na nalalamin. Tiningnan ko siyang mabuti at iksakto ang payat at tangkad niya magkasingheight lang kami.

Nilapitan ko siya.

'' Excuse me? Can I talk to you for a while please? ''

Tiningnan niya ako at nagulat siya ng makita ako. Siguro kilala niya din ako.

'' O M G! Ikaw si Akira Felia diba? Oh My G! Ang anak ng Elite business man! Wahhh? Is this real? ''

Tumango lang ako at napakamot saking ulo. Ganun nga talaga ako kakilala dahil halos lahat ng taong nakakasalubong ko ay kilala ako.

'' May hihingin akong pabor kung okay lang sayo? ''

'' Sige po. Ano po yun Princess Akira! '' masayang sabi niya

'' Pwede bang palit na tayo ng damit? I mean iyang suot mo ay akin na tapos itong nakalagay sa paperbag ay sayo nadin. Actually kakabili kolang nito. Di kana malulugi sa presyo dahil katumbas nito ay triple '' pag-aalok ko sa kanya. Sana naman pumayag siya.

'' Are you kidding me? Hell yeah! Payag ako? Pangarap kong kahit one day lang ay magmuka akong prinsesa gaya mo! ''

Dali-dali na siyang nagpalit ng damit at sinuot ang damit na binili ko tapos iyong kanya ay binigay sa akin.

Isang simpleng blusang puti at skinny jeans na black lang ang suot niya na siyang sinuot kona din. Kinuha ko narin ang sunglasses niya at iyong sombrero ng kasamahan nila. Nakipag selfie pa sila sa akin bago nag-usap.

'' oh pano? I got to go? Mauuna nakong lumabas ah? Salamat ulit dito sa mga damit mo Ms. Samantha. '' sabi ko kay sam.

'' eh? Nakakahiya nga sayo princess akira kasi iyang damit ko pang jologs lang samantalang itong damit mo pang mayaman! Pang world class ang dating! Hehehe salamat dito ah? Sure kabang di kona babayaran to? Wala kaming pera eh, window shopping lang kami rito sa mall! ''nahihiya niyang saad

My Hidden Princess [ON-GOING]Where stories live. Discover now