Chapter 14: Secret revealed

200 53 5
                                    

Umalis na si Seon pagkatapos niya akong ihatid sa condo niya. Pupuntahan pa daw niya ang mga kaibigan.

Tinanggal kona ang wig ko at eye glasses. Tinggal korin ang suot kung braces. Naligo nako pagkatapos at nagpalit ng isang yellow t-shirt at white pants (pantulog ko).

Tiningnan ko ang sariling kabuoan sa harap ng salamin. Medyo mamasa-masa pa ang mahaba at wavy kung buhok na kulay brown at black. Mamula-mula rin ang aking maliit at matangos na ilong. Mugto ang mga mata kong kulay brown din (namana ko kay mama) dahil sa nangyari kanina. Hindi parin ako nakakaget-over dahil sa nangyari. Muntik na akong magahasa kong hindi lang dumating si Master Seon para iligtas ako mula sa mga halang na kaluluwa ng mga iyon.

May mabait din pala sa kanya kahit papano at ano itong kakaibang nararamdaman ko? May kung anong saya at galak na siyang humahaplos saking puso sa tuwing may makikita akong pagbabago at kabaitan mula sa kanya. Na para bang unti-unti na siyang bumabalik sa dating Seon.

Lumabas na ako ng kwarto para sana uminom ng tubig ng bigla akong napahinto dahil kay master seon na siya ring kakapasok palang ata at mukhang gulat na gulat.

Akala ko ba ay aalis siya para makipagkita sa mga kaibigan niya? Anong ginagawa niya rito? Wala pang isang oras siyang nakakaalis ah.

'' What the---sino ka? Pano ka nakapasok dito hah? nasaan si babae? hoy? '' nag f-freak out na naman siya gaya ng una naming pagkikita. Ano bang pinagsasabi niya?

'' Master seon?--'' naputol ako saking sasabihin ng may ma realize ako sa sarili.

'' Ahhhhhhhhhhhhh'!!!!!!! '' buong sigaw ko dahil sa katangahang ginawa. Masyado akong tiwala sa sarili at naging kampante na hindi siya uuwi ng maaga.

'' Ahhhhhhhh!!!! '' sa gulat ay napatili din siya ng malakas.

Tinanggal ko pala ang lahat ng pang disguise ko!! Oh My God! Pano nato? Ito na yata ang kataposan ko. Master...

Malalaman ng lahat na ang kilalang anak ng Feilla Family na si Akira Felia Feilla ay naging maid at utusan. Oh my God! Anong gagawin ko ayuko namang masangkot o madawit na naman sa isang eskandalo ang pamilya ko dahil sigurado akong pagpipistahan na naman ang aming pamilya ng mga taga media. Makakaapekto pa ito lalo na kay papa. Nangako pa naman ako sa sarili na magiging maayos lang ang lahat.

'' Again woman! Who the hell are you? Magsalita ka!!'' galit na sigaw ni master seon na hanggang ngayon ay di ko parin siya kayang tingnan.

Naiiyak ako sa katangahan ko. God help me. May namumuong pawis narin sa noo ko dahil sa sobrang kaba at takot sa mangyayari sakin. Siguro kailangan namin pag-usapan ito ng maayos ito. Tama kailangan kolang na i paliwanag sa kanya ang totoo at kailangang mapapayag ko siya na panatilihin itong lihim sa pagitan namin.

'' Master ako po ito Si Kira Samonte na Maid ninyo '' malumanay at nakayuko kung sabi sa kanya.

Wala na akong magagawa andito na ito. Nakita na niya ang totoong itsura ko. Ayuko narin na magsisinungaling na naman ako para lang makapagtago sa lahat. Masyado na akong pagod.

'' I-Ikaw Si kira na Maid ko? ''

Alanganin akong tumango sa kanya at ipinagdarasal na sana makikinig siya saking paliwanag.

'' Ikaw ba talaga yan babae? Pero papaanong--- '' napahawak siya sa kanyang sintido at hinilot iyon. Na stress na siya sa mga natuklasan niya.
Ako din na s-stress na.

Master. Bigyan mo ako ng pagkakataon na magpaliwanag. Wag ka sanang magalit ng sobra baka hindi ako makalabas ng buhay rito.

'' Sorry po master. Sasabihin ko po ang lahat kaya please po wag kayong magalit o isumpa ako! Pakiusap po! '' pagmamakawa ko sa kanya.

My Hidden Princess [ON-GOING]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang