Chapter 35: Not longer a maid

70 14 9
                                    



Nakabalik na ako sa bahay kung saan ako lumaking hindi man lang naging masaya ang karanasan ko. Ang lugar kung saan ako nakakulong ng ilang taon sa buong buhay ko. Wala akong matandaan kahit ni isa man lang sa buhay ko na may nangyari sakin dito na maganda, puro lang masasakit na mga alaala. Bakit ko nga ba nararanasan ang ganito klaseng buhay? Para lang akong isang manika na binibihisan ng magagandang damit, sinusuotan ng mamahaling sapatos ngunit walang buhay na animoy pinapagalaw lamang sa kanilang kontrol.

Wala akong lakas para matuwa at magalak sa aking pagbabalik. Na sasabik akong makita siyang muli. Kumusta na kaya siya ngayon? Ano ba ang ginagawa ni Master Seon sa mga oras na ito?

Kumain na kaya iyon? God, na m-miss ko na talaga siya. Ilang araw nadin na hindi ko na siya nakikita. Simula ng araw na nalantad sa lahat ang tunay kong katauhan ay hindi ko pa siya nakikita. Wala narin akong communication sa kanya dahil hirap akong makontak siya. Kinuha kasi ni Mama ang cellphone ko tapos nakakonek lage sa opisina niya ang lahat ng teleponong nakakabit sa bahay.

Bawat araw na nagdaan para akong unti-unting nawawalan ng pag-asa na magkakasama pa kami ulit. Nawawasak ang puso ko sa tuwing masagi saking isipan ang huling tagpo namin ni Seon sa eskwelahan. Masaya namin kami noon pero ah pero bakit pa kami kaylangang humantong sa ganito? Bigo ako bilang girlfriend niya dahil ni hindi ko man lang siya pinaglaban kay mama. Hindi ko nagawang pigilan si mama.

Hindi kona napigilian ang lungkot sa puso ko dahil sa kalagayan namin ngayon. Tuloy-tuloy lang sa pagbuhos ang aking mga luha habang iniinda ang matinding sakit na namumutawi saking isipan at puso. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makasama at makayakap. Jusko! Anong gagawin ko? Bakit ko kaylangan sapitin ang pagdurusang ito? Gusto kolang naman na maging masaya kasama siya. Gusto ko makasama si Seon. Ang sakit. Ang sakit-sakit nito.

Sobrang sakit ang mawalay sa taong pinakakamahal mo. Sa taong nagparamdam ng kakaibang saya sa puso mo.

'' Magkukulong ka nalang ba rito? Nasa baba ang mga taga media gusto ka nila makuhanan ng statements dahil sa pagkawala mo? Ngayon alam na ng buong mundo ang kagagahang ginawa mo! '' si Mama na bigla nalang pumasok dito sa loob ng aking silid.

Pinahid ko ang aking mga luha na walang awat sa pagbaba mula saking mga mata.

'' Ayuko. '' maikling tugon ko sa kanya.

'' Magtatalo na naman ba tayo? Pagod na ako Akira. Pagod na pagod nako sa kakapigil diyan sa kahibanagan mo! '' malakas na sigaw niya na siyang nag e-echo sa loob ng silid.

Hindi ko siya nililingon at sa baba ng bintana lang ako nakatingin habang nakaupo sa tabi nito na niyayakap ang magkailang tuhod.

Siya lang ba ang napapagod? Eh, ako hindi rin ba napapagod? Simulat sapol ay trinato niya lang akong isang bagay na kaya niyang pagalawin o krontolin gamit lang ang mga palad niya.

'' Bakit ba hindi niyo nalang ako hayaan? '' paos kong sabi sa kanya.

'' Hinayaan kita Akira. Binigyan kita ng panahon at oras para maranasan mo kung ano ang buhay na labas ng ating mundo. Pero ano lang napala mo? Wala. Naging katulong ka ng isang Elleison nayun at binully ka pa sa eskwelahang iyon! Ano bang gusto mong gawin sa buhay mo?----'' pinutol ko kaagad ang kanyang sinabi

'' Kung ano man ang nangayari sa akin sa labas ng bahay nato ay kagustuhan ko iyon dahil iyon ang pinili kong daan '' malamig kong tugon sa kanya habang hindi parin siya tinatapunan ng tingin.

'' Talagang nababaliw kana. Dahil ba ito sa Elleison na iyon? Kung bakit nagkakaganyan ka? Dahil sa lalaking iyon ay halos magpakamatay ka sa pag t-trabaho para lang sa kanya? Dito sa bahay prinsesa ka pero sa lalaking iyon handa kang magpaka alipin para ano? Ano bang nangyayari sayo Akira? '' naiinis ako sa mga salitang lumalabas sa kanyang bibig.

My Hidden Princess [ON-GOING]Where stories live. Discover now