Chapter 33: Akira Vs. Sandra

76 14 0
                                    

[Author's Note: Again and again thank you so much for reading 'My hidden Princess' ❤️ send my love to all of you]

Chapter 33

Kinabukasan ay sabay ulit kaming pumasok ni Master Seon sa office kung saan kami nag O/OJT.

Pagdating namin ay sabay pa kaming nagulat kay Sandra na nakaupo ngayon sa swivel chair niya. Ang nakakaloka ay nakasuot din siya ng uniform tulad ng sa royal class. Anong ibig sabihin nito?

'' Don't get me wrong my dear Seon I'm here just to have a proper introduce to you as your new royal classmate '' nakangiti niyang saad.

Maarte naman siyang lumakad papalapit sa amin. Tinulak niya pa ako sa tabi para magkaroon siya ng chance na masolo at mayakap si Seon.

Excuse me lang ha? Boyfriend KO iyang niyayakap at nilaladi niya. Hindi niya ba tanggap na Ex na siya? EX. Ibig sabihin wala na. Bakit hindi niya maintindihan iyon? Nakakainsulto ang mga ginagawa nito sa lalaking mahal ko.

'' Let me go Sandra. Ano ba kasing ginagawa mo dito? '' si Seon na pinipilit alisin ang mga braso na nakapulupot sa leeg niya.

Para siyang sawa. Kung wala lang silang pinagsamahan ni Seon ay matagal ko na siyang sinabunutan. Agawin ba daw si Seon sakin? Hindi niya alam kong pano ako magalit baka akala niya chill lang ako naku pagdating kay seon ay makikita ng bruha nato ang hinahanap niya. Subukan niya lang halikan si Seon at makakatikim talaga siya sakin.

'' Why Seon? Don't you like it? We're doing this all the time when I was here duh? '' malanding usal na habang inaakit si Seon. Pinapagapang niya rin ang mga kamay niya sa katawan ni Seon.

Kumukulo na talaga ang dugo ko kunti nalang talaga at mapupuno na ako.

'' I told you Sandra we're over. Besides, you have your new boyfriend why don't go with him? Sa kanya mo gawin ang gusto mong gawin sakin. '' bakit parang bitter siya don? Ramdam ko ang bawat diin sa mga salita niya.

'' Awh. Are you Jealous Seon ? See? I told you. You're still in love with me my dear? ''

Totoo bang nagseselos ka pa seon? May feelings ka paba sa kanya? Argh. Ang sakit. Parang hinihiwa ang puso ko sa kirot.

Dumeritso nalang ako sa aking pwesto at iniwan na silang nag-uusap. Bahala na nga kayo diyan. Nakakainis.

'' Di ko na kailangang magselos pa Sandra dahil matagal ng tapos ang relasyon natin. Wala narin akong naramdaman pa para sayo kaya sana naman itigil mo na ito. Napag-usapan na natin to hindi ba? ''

'' I thought you're joking that time! ''

'' No. Ikaw lang itong nagpupumilit na ibalik ang dati. Hindi na natin maibabalik pa ang dati Sandra. Ang nakaraan nayun ang nagdala sa atin sa isang daan na hindi tayo makakausad kaya naman nakikiusap ako let's move on! '' si Seon

'' No. I don't believe you unless you will show to me your new girlfriend Seon? Then if you have I will stop right here ''paghahamon ng bruhang Ex.

'' Kung sabihin ko sayong meron nga? '' matapang na hamon naman nito sa dating nobya.

Bigla nalang nag iba ang timpla ng mukha ni Sandra pero kaagad din niyang binawi iyon at pilit na ngumiti.

'' Who is she then? Can I at least see her? I want to say hi to her. '' pang-aasar niya kay seon na para bang sigurado siyang wala namang ipapakita sa kanya si Seon.

'' She's here. '' nilapitan ako ni Seon at tinabihan. Sabay pa kami na nagulat ni Sandra sa sinabi niya.

'' She's Kira Samonte. My girlfriend '' seryusong pahayag ni Seon at inakbayan ako.

Tiningnan ko ang naging reaction ni Sandra at galit itong tumitig sa akin. Tinitigan ko din siya. Akala niya siya lang marunong tumingin ng masama? Pwes ako din.

'' Her? Like what the hell Seon?Your maid is your girlfriend? Are you joking? That's impossible Seon. ''tumatawa pa siya habang tinuturo ako.

'' No. I'm pretty serious. Now, if you still don't believe it then I'm not going to force you but like what I said she's my girl and leave us alone please Sandra. ''
sabi naman ni Seon

'' I won't forgive you for this seon. I won't. And you freak how dare you! You are such a garbage---''

'' Sandra! Enough! '' si Seon na dumagundong ang boses sa loob ng opisina.

Napahinto si Sandra at tila nasindak sa boses at itsura ni Seon. Nakakatakot si Seon.

Tumakbo palabas si Sandra.

'' Just don't mind her Akira. ''

'' Nah. I'm fine. Sanay na ako sa mga katulad niya kaya ayos lang ''sabi ko na nakangiti.

Niyakap naman niya ako hinalikan ang bunbunan ko.

Pagdating ng hapon ay hindi muna pumasok sa opisina si Seon dahil may mahalaga pa daw siyang gagawin kasama ang iba pang mga taga Royal Class at Student Council.

Abala ako sa mga ginagawa nang may pumasok sa loob ng opisina. Lahat kami ay napalingon sa taong iyon. Ano na naman ba ang kailangan niya? Hindi pa ba sapat ang mga sinabi sa kanya si Seon para tantanan niya ito?

Lumapit ito sa lamesa ko kaya napataas ako ng kilay.

'' Wala si Master Seon dito kung iyan ang pinunta mo! '' kailan ba siya titigil?

'' I know. Actually, You! I want to talk to you '' ang arte talaga.

Nalito naman ako. Bakit niya ako kailangang kausapin?

'' In private '' dugtong pa niya

Humakbang na siya paalis kaya naman sumunod nalang ako sa kanya.

'' What do you want? ''

Nasa isang pasilyo kami na hindi masyadong nadadaanan ng mga estudyante. Kasama din namin ang dalawa niyang bodyguards pero lumayo lang kami ng kunti para makapag-usap ng sarilinan.

'' You know what for the maid you're such a rude! Anyways, I want to know the truth. Is it true that you and seon are couple? ''

Hay.

'' Yes. We are! ''

Tumawa siya na may halong sarcastic.

'' Damn you. How could you do that? Are you evil and give him a spell just to make him fall in love with you? '' nang-iinsulto ba siya?

'' Walang galang na pero nagkakamali ka sa mga sinasabi mo. Mahal ko siya and he loves me too. Tsaka wala naman akong dapat na ipaliwanag sayo. Matagal na kayong tapos kaya tigilan mo na siya! ''

'' No. Seon don't deserves a person like you. You are not even prettier than me. And your fashion is still out of something and you're his maid for sake! How could he possible likes you? ''

'' Alam mo tanungin mo siya para malaman mo kung bakit! Dahil kahit ako ay hindi ko alam. Kaya kong wala kanang ibang kailangan aalis na ako! ''

'' I'm not done yet you freak! You heared me? I'm not done with you. Trust me I will get seon back to me. He's mine. Mine alone! '' sabi niya at tumalikod para umalis kasama ang dalawang bodyguards nitong mga babae.

Bahala siya kong ano ang gawin niya. May tiwala naman ako kay Seon na hindi niya babalikan at papatulan ang mga sinasabi ni Sandra sa kanya.

***
A/N
Thank you for reading 😘

My Hidden Princess [ON-GOING]Where stories live. Discover now