Chapter 34: Akira's Identity

79 15 3
                                    

Tatlong araw ang nakalipas ng magbanta sakin si Sandra na babawiin niya daw sa akin si seon.

Sinabi ko na din kay Seon ang napag usapan namin ni Sandra nun. Ang sabi lang sakin ni Seon ay huwag nalang patulan kung ano man ang sasabihin ni Sandra sa akin. Nangako din siya na p-protektahan niya ako kung may gawin na hindi maganda si Sandra laban sakin.

'' Master Seon. C.R muna ako ah. Di ko na talaga kaya eh. Niihi na ako '' sabi habang pinipigilan ang maihi. Kanina ko pa gustong-gusto mag c.r kaya lang nasa kotse pa naman kami kaya pigil-pigil talaga ang ginawa ko.

'' Sige hintayin nalang kita dito '' sabi naman niya sakin habang tumitingin sa suot nitong relos.

'' Wag na mauna kana sa office. Susunod nalang ako don ''

'' Sigurado ka? ''

Tumango lang ako at tinakbo na ang pinakamalapit na c.r ng school.

Pagpasok ko ay kaagad akong pumasok sa isa mga cubicles doon. Pagkatapos ay lumabas na ako sa cubicle at naghugas ng kamay. Habang naghuhugas ako ng mga kamay bigla nalang may pumasok sa loob ng cr at ni locked ang pintuan.

Nakita ko sa repleksiyon ng salamin kung sino-sino ang mga pumasok sa loob. Ang mga kampon ng dilim na naman at teka si Sandra?

Bakit nandito na naman ang mga ito? Balak ba nilang guluhin na naman ako? Talagang hindi na sila nagsasawa ah.

'' Bakit ba napakalandi mo Kira Freak? Pati ba namang boyfriend nitong si Sandra sinulot mo pa? Kita mo nga naman oh kung sino pa itong mukhang pobre at wala namang ipagmamalaki ang siya pang may lakas ng loob para lumandi at umagaw ng may boyfriend? Talaga bang kinarer mo na ang pagiging malandi huh freak? Una si Jared, tapos si Justine at ngayon si Prince Seon? Ano bang meron sa iyong babae ka? '' tanong ni monica habang lumalapit sa akin.

Hinarap ko silang lahat. Ano ito? Pag-iinitan na naman ba nila ako dito?

Tumingin ako kay Sandra na nakangisi lang habang nakatingin sa gawi namin. Naka crossed arm lang siya habang masayang-masaya sa nakikita.

Mga duwag pala ang mga to eh. Ang dami-dami nila tapos nag-iisa pa ako? Nakakatawa. Kung one on one sana kami kayang-kaya ko pa.

'' Right girl, ang bagay sa kanya ay turuan ng leksyon para tumanda! '' lumapit naman sa akin si Sherry at mga alipores nila at pinagsasampal ako.

Ang sakit ng mga sampal na pinakawalan niya. Iyong ibang kasamahan nila ay sinugod ako at pinag-initan ang buhok ko (wig).

'' Tama na ano ba! '' Buong lakas ko silang pinipigilan. Ginawa kong pang harang ang mga braso ko para hindi nila ako masyadong masaktan sa mukha.

Dahil madami sila at nag-iisa lang ako ay wala talaga akong laban sa mga kampon ng dilim nato.

'' Girls that's enough. You already give her a lesson now let's get out of here '' biglang saad naman ni sandra sa kanila.

Sinilip ko si Sandra sa pagitan ng aking mga nakaharang na braso at napansin ko na parang gusto niyang umawat pero kaagad ding napalitan iyon ng isang matalim na mga mata na para bang sinasabi niya na 'You deserves it. It is all your fault.' yan ang nakikita ko sa mga mata niya.

'' No sandra hindi pa kami tapos sa lahat ng mga atraso niya samin '' si Monica na tuloy lang sa pagsampal at paghila sa akin.

Hinila nila ang buhok ko palabas ng cr at dinala ako sa maraming tao.

Nalaglag naman sa sahig ang suot kong salamin. Wala na wasak na ang salamin ko.

'' You deserves it kira. You deserves it! You bitch. Ang panget, panget mo! Naiirita ako sa pagmumukha mong hampas lupa ka!!!!'' sila habang walang humpay sa pagsabunot sa akin. Ang totoo niyan ay hindi naman masakit iyong sabunot kasi wig lang naman iyon. Iyong sampal talaga ang di ko kinaya dahil ang bibigat ng mga kamay nila tapos may mga suot pa silang singsing sa mga kamay.

My Hidden Princess [ON-GOING]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin