Chapter 3: Princess in Disguise

237 58 9
                                    

Princess Akira Felia Feilla

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Princess Akira Felia Feilla

Natatandaan kopa ang mga araw na andoon pa ako sa amin at hinding-hindi ko iyon makakalimutan buong buhay ko. Sa dami ng napagdaan ko sa lugar na iyon mabuti at hindi ako na traumatized.

Oo isa akong prinsesa ng aming pamilya na siyang kaisa-isang anak at natagapagmana ng Feilla Finacial Corporation.

Ang mga araw na hindi ko masasabing akoy naging masaya. Malaking bahay, maraming katiwala, maraming bodyguards, malawak na kapaligiran at harden, marangyang buhay, maraming sasakyan, maraming pera, at magagarang damit at alahas.

Lahat ng iyon ay meron ang pamilyang ito ngunit lahat din ng mga iyon ay balewala dahil hindi ako naman talaga ako masaya. Hindi ko nagagawa ang mga simpleng bagay na ginagawa ng iba, hindi ako makakakilos na naayon sa kagustuhan ko. Buong buhay ko ay kinululong lang ako sa higpit at bawal.

Masyadong mahigpit ang aking ina. Hindi niya ako naiintindihan at kahit kailangan hindi niya magagawa sakin ang bigyan ako ng konting pag-unawa. Wala akong pagkakataon para mag desisyon para sa sarili ko at magkaroon ng sariling pangarap. Palagi akong pinangungunahan sa lahat ng pagkakataon.

" Akira! Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka! Diba, ang sabi ko wag kang lalabas ng kwarto mo hanggat hindi ko sinasabi? Bakit ba palagi mo nalamang akong sinsuway? Bakit mo ba ito ginagawa pesteng bata ka!? Ikaw ang tagapagmana ng Fiella Financial Corporation balang araw tapos ngayon kahit simpleng instructions hindi mopa masunod!? Tandaan mo Isa kang Feillia kaya umayos ka at umaktong isang Filellia! Naintindihan mo? " buong pwersa niya akong hinawakan sa magkabilang balikat habang niyuyugyog.

" Mama! Gusto kolang makipaglaro sa mga kaibigan ko! Mali bayon? " anim na taon ako simula noong kinukulong ako ni Mama sa aking silid at pinagbabawalan na lumabas at makipag-usap sa mga taong mas mababa pa samin.

Hindi ko siya maintindihan. Ano bang mali sa pakikipagkaibigan sa hindi namin ka pantay ng istado sa buhay? Parehas lang kaming tao.

" Abat sumasagot kana ngayon? Yan ba ang natutunan mo sa mga hampaslupa mong tinatawag na mga kaibigan? Binigyan mo lang ako ng rason na hindi ka nga dapat na makipaghalubilo sa mga gaya nila dahil simula nang nakasama mo sila ay nagiging suwail kana samin! " Masyado na siyang mahigpit sakin. Bakit? Bakit ganito si Mama sa akin? Bakit ni minsan ni hindi niya ako matingna na may pagmamahal? Bakit hindi ko maramdaman na may pag-alala siya sakin? Bakit mama?

Ang gusto kolang naman ay mga lambing at yakap niya pero ni minsan hindi niya sakin ginawa iyon. Pinagkait niya sa akin ang pakiramdam na mahal ka ng iyong Mama.

" Mama! Wag nyo silang tawaging hampaslupa! Dahil mga kaibigan ko sila---*slap* " at yun din ang unang pagkakataon na pinagbuhatan ako ng kamay ng aking ina. Masakit ang sampal na yun pero mas masakit dahil siya ang aking ina at pinipilit niya akong inilalayo sa mga taong gusto kong maging kaibigan. Hindi ko maramdaman na mahal ako ni Mama ang mahalaga lang sa kanya ay ang reputasyon ng kompanya at ng kayamanan niya.

My Hidden Princess [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon