Chapter 25: Sandra Veronica

133 21 5
                                    

Sa sinabing iyon ni Justine tungkol sa nakaraan ni Master Seon ay hindi ko alam kong ano ang magagawa ko para maibsan ang dalang kalungkutan sa puso ni Master Seon. Gusto ko siyang tulungan. Pero sa papanong paraan?

'' Malapit pala kayo ni Justine Lee Villafranco sa isat-isa? '' sa kalagitnaan ng byahe namin ay natauhan ako dahil biglang nagsalita si Master. Pauwi narin kasi kami sa condo unit niya.

'' Ah Oo magkaibigan po kami '' sabi ko sa kanya habang tumitingin ng deretso sa daang tinatahak.

'' Nakikita ko '' maikling saad lang niya.

Bakit parang ramdam ko na may diin sa sinabi niya? Hay naku galit na naman ba siya? Ano na naman kaya problema nito? Huwag niyang sabihin na lalayuan ko din si Justine Lee gaya nang pag-iwas ko don kay Luis kasi ayaw niyang nakikita na magkasama kami? Ano naman ang violation ko don? Kainis din to.

Pagkatapos nun tahimik na ulit kami. Mukhang uulan yata. Makulimlim kasi ang kalangitan nagbabadya ang ulan. Nakisabay yata siya sa nararamdaman ko ngayon. Ewan, ang bigat-bigat kasi ng pakiramdam ko pagkatapos naming magka-usap ni Justine kanina tungkol sa nakaraan ni Master Seon. Hanggang ngayon hindi pa mawala sa isip ko.

Mga ilang araw ang lumipas ay normal naman ang nangyayari sa akin. Alam niyo na iyong mga Bully sa tabi-tabi na wala ng ibang ginawa kundi ang laitin ako at kung anu-ano pa ay andon parin, mga pang-uutos ni master na madalas na niyang gawin sa akin at mga trabaho sa bahay at school.

Nandito ako sa classroom ngayon nagsusulat ng mga sulat sa board. Kakalabas lang kasi ng instructor namin kaya humahabol ako sa pagkopya don sa sulatin sa board.

'' Hoy girl, nabalitaan mo na ba. May nagtrending sa Twitter, Insta, at Facebook! Nakauwi na raw ang dating diyosa dito sa Clan high na si Sandra Veronica mula sa America. Last week pa daw siya umuwi kasi nagbabakasyon ngayon dito sa pilipinas kasama ang mga magulang. Ito oh nabasa ko sa facebook page niya. Ang caption ay 'I missed Philippines' nasa isang restaurant ata siya rito '' sabi ng kaklase ko.

Nagpanting naman ang tenga ko sa narinig kong pangalan. Napahinto ako sa pagsusulat. Si Sandra Veronica? Nagbalik na? After 2 years nandito na ulit siya?

God.

Bakit parang kinakabahan ako? Napag-usapan lang namin siya ni Justine nung nakaraang araw, ngayon mababalitaan namin na umuwi na siya. Ibang klase talaga magbiro ang tadhana.

'' Ay oo nga. Naku I'm sure pupunta yan dito para makita ang dati niyang school '' sabi naman nung isa ko pang kaklse.

'' Syempre para makita narin si seon diba? '' maarteng pahayag naman nung isa pa.

Nakikinig lang ako sa usapan nila. Wala kasi akong connection sa social media dahil pina disactivated ko lahat ng social media accounts ko para hindi ako ma trace kung saan man ako naroon. Kaya hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa paligid ko wala din akong panahon para alamin pa dahil abala ako sa napakaraming bagay.

'' Natatandaan niyo pa ba iyong dating balita dito sa school na si Seon ang may kasalanan kung bakit bigla nalang umalis si Sandra papuntang america? Ang rumor ay tinakot at sinaktan daw siya ni Prince Seon kaya naman napilitang umalis sa Clan High ''

'' Talaga? Akala ko ayaw na nila sa isat-isa kaya naghiwalay at umalis siya ng bansa? ''

'' Mataray kasi iyang si Sandra lahat ng babaeng lalapit kay Prince Seon ay inaaway at tinatakot niya. Siguro ayaw ni Prince Seon iyon dahil baka nasasakal na siya kaya naghiwalay sila. Na obsessed ang gaga ''

'' Shhh. Wag mo ngang sabihin iyan. Baka may makarinig sayo? ''

'' Duh. I don't care. Hindi ako natatakot noh! ''

My Hidden Princess [ON-GOING]Where stories live. Discover now