Chapter 31: Rival 3-1

82 15 2
                                    

Nasa mall kami ngayon ni Master Seon dahil may binili kaming ilang mga gamit na gagamitin sa trabaho namin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Nasa mall kami ngayon ni Master Seon dahil may binili kaming ilang mga gamit na gagamitin sa trabaho namin. Siya mismo ang umaya sa akin na pumunta daw kami ngayon dito sa mall. Isa pa sabi niya gusto niya raw akong ibili sa kung ano man ang magustuhan ko. Kinilig naman ako ng sobra dahil don at syempre feeling ko tuloy ay para kaming nag d-date ngayon.

Dahil sa isang matangkad at gwapo itong kasama ko ay hindi maiwasan na pagtinginan siya ng karamihan lalo na ng mga kababaehan. Iyong iba napagkakamalan pa nga siyang isang artista o model kaya naman nakikipag selfie tuloy ang iba sa kanila. Syempre na echapyura ako sa isang tabi at dinudumog siya ng mga babae para lang makipagpicture. Muntikan na nga akong matumba sa kakatulak nila mabuti nalang at ang bilis ng galaw niya para mahawakan ang braso ko.

'' Let's get out of here '' sabi niya at hinila na ako palayo.

Narinig ko pa ang pagkadismaya ng mga babaeng gusto siyang makuhanan ng picture dahil sa pag alis namin.

Malalaki ang hakbang na ginawa niya paalis habang hawak niya parin ang aking kamay. Lakad lang ang ginawa niya pero sakin para na akong tumatakbo.

'' S-sandali lang. '' hingal kong sabi sa kanya.

Huminto kami sa tapat ng isang botique sa loob nitong mall. Tiningnan niya ako na may pagtataka habang hindi niya parin binibitawan ang kamay ko at hinigpitan pa lalo ang pagkakahawak na para bang natatakot siyang mawala ako. Nang malibot ko ang aking paningin ay napansin ko ang isang pamilyar na tao.

Sa di kalayuan ay nakita ko si Justine Lee .

'' Kira! '' sigaw nito mula sa malayo.

Kumayaw pa siya sa amin at tumakbo papalapit dito.

''Oh Justine ikaw pala. Anong ginagawa mo dito?'' tanong ko kaagad sa kanya pagkalapit niya.

Napatingin naman siya sa mga kamay namin ni Seon na magkahawak parin hanggang ngayon babawiin ko na sana ang kamay ko kaya lang mahigpit at ayaw niya talagang pakawalan kaya sa huli ay sumuko nalang din ako. Na awkward tuloy ako kay Justine.

'' Kayo ah? Nag d-date ba kayo? '' nakasmirk na tanong niya.

'' Hindi---'' iyon sana ang sasabihin ko kaya lang naunahan ako ni Master Seon sa pagsasalita.

'' Oo. May problema ka ba don? Villafranco? '' inis na usal niya kay Justine.

'' Master Seon naman. Naku Justine. Pasensiya kana mainit lang talaga ang ulo niya pinagkaguluhan kasi iyan kanina eh. '' paghingi ko ng paumanhin sa sinabi ni Seon kay Justine

'' Ayos lang iyon. Sanay na ako diyan. By the ways saan kayo? Kain muna tayo? Lunch time naman na. May alam akong restaurant na masarap ang pagkain. Ano tara? '' suwestiyon naman niya.

Sumunod nalang kami ni Seon kay Justine.

Habang kumakain kami sa isang restaurant ay biglang may lumapit sa amin at muntik na akong mabilaukan sa taong nakatayo sa harap namin.

My Hidden Princess [ON-GOING]Where stories live. Discover now