Isang araw. Pagkauwi ko galing school ay naabutan ko si Manang balyena na nagtatatalak sa harapan ng inuupahan kong bahay kasama ang dalawang malalaking lalaki at isang babae na hindi nalalayo ang edad namin sa isat-isa. May hinala na nako kung bakit andito at galit na naman ang matabang ito. Tungkol na naman siguro ito sa bayad.'' Manang! Bakit po kayo nag e-eskandalo rito? '' nilapitan ko kaagad siya at tinanong.
Nakakahiya pinagtitinginan na ata kami ng buong baranggay.
'' Oh, andito kalang pala. Akala ko nasa loob ka!! Lumayas kana ngayon diyan Kira! May bago na akong boarder kaya magbalot-balot kana. '' saad niya sabay humpas doon sa dalang pamaypay.
'' Teka lang naman Manang selya! diba ang usapan natin sa susunod na buwan ay sisiguraduhin kong babayaran ko kayo? ''
'' Aba ang pangako nayan ay laging napapako Kira! yan din ang sinabi mo nung nakaraan buwan diba? kung nakakalimutan mo lang kaya pwede ba umalis kana kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga tauhan ko? Nauubos narin ang pasensiya ko sayo ah! Kailangan ko ng pambayad mo at hindi ang puro pangako mo lanb! Yan ang hirap sa inyo eh! Sa oras ng bayaran palaging pangako nalang. Puro pangako. ''
Naman oh.
wala na akong nagawa kundi ang kunin nalang ang mga gamit ko sa loob. Uniform at mga kunting damit lang naman meron ako.
Nilagpasan ko na sila Manang balyena at dahan-dahang umalis. Kalauna'y nakasalubong ko si Aling Minda na nababakasan ng pag-aalala sa mukha.
'' Kira Ija. Nakita namin ang ginawang pagpapalayas sayo ni Aling Selya? Ayos kalang ba? San kana tutuloy niyan?'' tanong niya.
'' Diko po alam Aling Minda '' di ko naman kasi akalain na seryuso ang matabang iyon sa pagbabanta na papalayasin ako sa oras na hindi ako magbigay ng bayad. Anong magagawa ko hindi pa naman naibibigay yung allowance ko sa isa sa nga scholarships na inapplyan ko? Next month ko pa matatanggap iyon.
'' Halika samin ka nalang muna tumira pansamantala wala naman kaming ibang kasama sa bahay ng asawa kong si kanor '' suwistyon niya na siyang ikinabigla ko.
Ang bait talaga nila.
'' naku wag na ho aling minda nakakahiya na po sa inyo '' tanggi ko dahil sa hiya. Totoo naman kasi iyon minsan na nila akong tinulungan kaya kalabisan na kung sa kanila pa ako makikitira eh parang ang kapal na ng mukha ko non.
'' ikaw na bata ka oo may hiya-hiya kapang nalalaman eh samantalang hindi ka naman iba sa para amin'' saad naman ni mang kanor na siyang kararating lang at tumabi sa asawang si Aling Minda.
'' di ko po alam kasi ang gagawin. talagang nahihiya na po ako sa inyo. sobra-sobra na ang tulong na ginawad po niyo sa akin''
Hinila ako ni aling minda at niyakap. Nakaramdam ako ng kakaibang saya saking puso. Nakapaswerte ko talaga at nakilala ko ang mga mababait na tao tulad ng mag-asawang ito. Nakapabait nila sa akin.
YOU ARE READING
My Hidden Princess [ON-GOING]
RomanceHighest Ranking update: #57 in Ravens #77 in action-romance #91 in Prince Date Started: June 06, 2020 Humanda nang kiligin sa ating mga bida na sina Kira at Seon. Isang babaeng nagtatago sa isang imahe na hindi kailanman maiisipan na isa siyang pr...