Chapter 8: First Duty

211 46 3
                                    

Dahil tapos na akong magligpit ng mga kalat ay naisipan kong umupo muna at aliwin ang sarili sa pagmasid sa kabuuan ng condo unit ni Seon

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

Dahil tapos na akong magligpit ng mga kalat ay naisipan kong umupo muna at aliwin ang sarili sa pagmasid sa kabuuan ng condo unit ni Seon.

'' Bakit nandito kapa? Diba, pinapalayas na kita? Ano pang ginagawa mo dito? ''
Nagulat ako sa biglang pagsigaw nayun mula sa likod ko. Aatakihin talaga ako sa puso kapag palagi siyang ganyan. Mabuti naman at nakabihis na siya.

Isang black loose black t-shirt at Jagger pants ang suot niya habang may nakasabit na maliit na tuwalya sa leeg. Gwapo sana kung di lang masama ang ugali. Tsk

'' ah. eh. alam niyo sir hindi niyo naman kailangan maging harsh sakin eh. Mapag-uusapan naman natin ito ng maayos. Di naman po kailangan na sumigaw '' mahinahon at nakangiti kong pahayag sa kanya.

'' Kita mo nga naman. Ang sabi ko sayo di ko kailangan ng maid! Mahirap bang intindihin iyon ha babae? '' asik niya at nanlilisik na naman ang mga mata.

'' Sir. Kailangan ko talaga ng trabaho ngayon. Wala na akong mahanap na iba pang trabaho na malaki ang sahod. Kaya sir pakiusap hayaan niyo na akong maging maid niyo. Wag kayong mag-alala masipag, mabait, at mapagkakatiwalaan niyo po ako. Tsaka gagawin ko ang lahat ng ipag-uutos mo. Kahit ano payan basta wag lang illegal.'' hindi siya nagsalita at deretso paring nakatingin sakin. Hindi man lang nagbago ang mga mata niya ganun padin parang kakainin ako ng buhay.

'' Masunurin ho ako at maasahan pagdating sa gawaing bahay '' i crossed my fingers at nanalangin na sana pumayag na siya.

'' Talaga lang ha '' sa sinabi niyang iyon ay bigla akong nabuhayan ng loob.

'' opo '' masigla kong sabi sa kanya.

'' pwes lahat ng sasabihin o ipag-uutis ko ay gagawin mo, sa school ay maid padin kita naintindihan mo? wag kang umangal o magreklamo kapag kailangan ko ang serbisyo mo. Kapag hindi ka nagpakita sakin sa loob ng limang minuto sa tuwing tatawagan o e txt kita alam mona ang gagawin mo. L-A-Y-A-S! Tandaan mo ikaw ang may kailangan at hindi ako. Sa oras na may hindi ako nagustuhan sa mga kinikilos mo ay makikita mo! '' banta niya sakin.

'' Naintindihan ko sir---''

'' call me master ''

arte naman nito.

'' sige master ''

'' Aalis ako. At wag kang magtangkang magnakaw dahil bawat sulok ng bahay nato ay may CCTV kaya subukan mong kumuha ng gamit na walang pahintulot ko ay malilintekan ka. Gamitin mo ang guest room nasa katabing kwarto ko. ''

Tumango lang ako at tsaka niya ako iniwan.

Wala talaga siyang tiwala sakin. Hayst

Nilinis ko ang buong condo niya, niligpit ang kainan at hinugasan narin ito para naman kahit papano ay maaliwalas tingnan. Nag map narin ako tsaka nilabhan ang mga damit niya. Walang washing machine kaya mano-mano ang ginawa kong paglalaba. Mabuti at hindi masyadong marumi kaya madali lang labhan. Salamat kay Aling Minda dahil tinuruan niya ako sa mga gawing bahay.

My Hidden Princess [ON-GOING]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt