Chapter 7: Maid/Servant

215 49 3
                                    

Nac-curious ako kung sino ba yung pagsisilbihan ko?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nac-curious ako kung sino ba yung pagsisilbihan ko?

Halimaw daw kasi.

Sa tingin ko literal eh! Sino kaya yun? Sa Clan high Academy din siya nag aaral. Hayst. Baka naman tuksuhin lang ako nun? O di kaya isa siya sa mga nambubully sakin sa school? Oh God. Hindi naman sana.

" Baba napo kayo Ms. "

Tiningnan ko ang paligid. Isang malaking gusali ang nakikita ko.

" Mauna napo kayo sa 7th floor, susunod nalang po ako kasama nitong mga gamit ninyo. Nasa 507 room nakatira ang young master. Goodluck po "

Eh? Seyuso ba siya? Ako lang mag-isang pupunta doon? Baka lapain ako ng wala sa oras kapag pumasok ako sa bahay ng halimaw?

" Ako lang kuya? Di niyo ako sasamahan? Sabay napo tayo " nginitian niya lang ang tanong ko at abala na siya sa pagbaba ng mga gamit ko mula sa magarang sasakyan.

'' kayo napo ang mauna mag-uusap pa po kami nung guard nitong condo para ma aware siya tungkol sa inyo may habilin din kasi ang senyora at senyor tungkol sa inyo at ng young master '' saad naman niya.

'' ganun ba sige ho ''

Wala nakong choice kundi ang pumasok nalang sa elavator nang mag-isa. Jusko! Sana ligtas ako.

After 10 minutes na pagsakay ng elevator sa wakas ay nasa tapat nako ng #507.

Kaya ko ito!

Pinindot kona ang doorbell ng pintuan.

Maya-maya pa ay bumukas na iyon.

Automatik! Hanep!

Walang tigil ata ang pagkakamangha ko ah! Muka akong tanga na parang inuuto lang sa nakikita . Hay naku!

Pumasok nako sa pintuan at hinanap ang sinasabing halimaw.

Ang gulo!

Nagkalat ang mga bote ng alak sa sahig, mga damit, mga nagkalat na gamit at kung anu-ano pa.

Daming basura. Ano ba naman yan.

Bahay ba ito o extension ng payatas? Daming basura talaga.

" Hello! Sir? Andiyan po ba kayo? " tawag ko sa magiging amo ko.

'' Sir, ako pong pinadalang magiging maid po ninyo dito? Hello? Sir? Sir? Andiyan poba kayo? ''

no answer.

May nakita naman akong isa pang pintuan...

Siguro kwarto yun.

Nasa harap nako ng pintuan at nagdadalawang isip akong buksan ito.

In the end binuksan korin ito pagkatapos ng tatlong beses na katok.

" Hello..." mahinang tawag ko at dahan-dahang naglakad para hanapin ang amo ko.

My Hidden Princess [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon