Chapter 33 : Perfect Storm

56.4K 2.1K 732
                                    

33.

Perfect storm

Robbie's POV

Ako, sina Ria at Tyler. Kaming tatlo na lamang ang naririto sa monitoring room at wala kaming ibang ginawa kundi magdasal na sana maging maayos lang ang lahat.

 “The communication mainframe was completely sabotaged.” Paulit-ulit na sambit ni Tyler na nanginginig na sa takot.

Hindi na nakakagulat na mangyari ‘to. Pinlano na ‘to agad ng salarin. Siyempre ito ang isa sa mga una niyang gagawin, he will cut us off from the outside world para wala kaming mahingan ng tulong, thus making us prey in his own sick game—Horror movie 101.

Sa isang iglap, bigla na lamang umalingawngaw ang napakalakas na sirena at kasunod nito ay ang pag-ilaw ng kulay pulang emergency light na nakakabit sa dingding. Shit! Not again!

“May sunog ba?!” Natatarantang sambit ni Ria habang tinatakpan ang tenga niya.

“Robbie anong ibig sabihin niyan?!” Sigaw ni Tyler dahil halos hindi narin kami magkarinigan.

“It’s a typhoon warning...” Nasapo ko na lamang ang ulo ko dahil sa labis na panlulumo.

"Paano na?! Paano na tayo makakaalis?!” Iyak ni Ria habang pinagmamasdan ang mga monitor na nagpapakita sa live feed ng mga CCTV sa paligid.

Lalapitan ko sana siya upang aluin ngunit nagtaka ako nang mapansing nakakunot ang noo niya habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa bawat monitor na para bang may hinahanap.

“Ria anong problema?” Tanong ko at agad namang lumapit sa amin si Tyler.

 “Kuya… Kuya bakit ganito? Bakit wala tayo sa mga monitors?” Nauutal na sambit ni Ria kaya maging ako ay napakunot narin ng noo.

“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko.

 “Kuya there’s a camera inside this room pero bakit wala tayo dito sa monitors?” Naguguluhang sambit ni Ria kaya bigla akong kinilabutan.

May mali…

“Robbie bakit?” Tanong ni Tyler.

“Tyler, Ria, ‘Wag kayong magpapahalata. ‘Wag na ‘wag niyong titingnan ang CCTV camera dito sa loob ng kwarto. Just act natural okay?” Paalala ko sa kanila at kahit naguguluhan ay tumango-tango naman agad sila.

“Kuya anong problema?” Nauutal na sambit ni Ria.

“Someone else is watching us. Hindi lang tayo ang may control sa CCTV cameras. Hindi dito sa atin naka-connect ang camerang ‘yan kaya kailangan nating mag-ingat at umakto na parang wala tayong nadiskubre.” Maotoridad kong sambit kaya kahit alam kong takot na takot na sila ay nagsiupuan na lamang ulit sila sa sahig.

"Robbie may nakita akong laptop sa isang cabinet , I can hack the CCTV  camera feeds ng killer.” Pasimpleng sambit ni Tyler kaya agad akong tumango. Mabuti nalang talaga at may dugong hacker ang ungas nato.

Pasimple niyang kinuha ang laptop na parang bored na bored.

Makalipas ang halos kalahating oras ay na-access na ni Tyler ang camera at maging ang mga laptop at maging ang main monitor nito.

"Guys? Bakit napakarami niyong videos dito?” Kunot-noong sambit ni Tyler.

"Malamang may CCTV kaya na nanonood sa atin.” Sarkastikong sambit ni Ria.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon