Chapter 5 : Hear my voice

90.1K 2.6K 1K
                                    

5.

Hear my voice

Erin

Matapos akong makapagbihis ay bumaba na ako upang mag-agahan ngunit nagtaka ako nang sumalubong sa akin sina Ria at Melody na abot tenga ang mga ngiti, tipong nanunukso.

“I love you guys but one more creepy smile and I’ll drag you to hell.” Biro ko ngunit nagtawanan lamang sila.

“Curtis o! Si Erin nagtataray na naman!” Sigaw ni Melody kaya agad nakunot ang noo ko. Nandito na naman sa bahay si Curt?

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Curt na may ikinakabit sa pintuan namin. May dala-dala siyang mga toolbox at parang concentrate na concentrate pa siya sa ginagawa.

“Curt anong ginagawa mo dito?” Tanong ko ngunit hindi siya lumingon. Sa halip ay nagpatuloy lamang siya sa pagpukpok ng martilyo.

“Nilalagyan ko lang ng dagdag na lock tong pinto niyo, nasabi kasi nila sakin ang nangyari. ‘Wag kang mag-alala, nilagyan ko narin ng sensor at alarm ang paligid. Mamaya ibibigay ko sa inyo ang passcode.” Paliwanag pa ni Curt sabay turo ng maliliit na kulay puting kahong nakadikit sa dingding.

“Curtis maraming salamat talaga sa mga tulong mo.” Ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin siya pabalik. Sa unang pagkakataon, naging maayos ang pakikitungo namin sa isa’t-isa, walang asaran o murahan.

I hear Ria and Melody giggling kaya napalingon ako sa kanila, I cant help but to frown when I saw the silly smug look on their faces. Para silang kinikilig na ewan.

“Ayieee!” Kantyaw nilang dalawa kaya agad akong napangiwi. Mga malisyosa talaga ang dalawang ‘to.

“Tao po! Tao po! Tao po!” Nakarinig kami ng sunod-sunod at napakabilis na sigaw mula sa labas at nang pagbuksan ito ni Curt ng pinto ay agad na bumungad sa amin sina Robbie at James na kapwa nakangiti na parang mga timang at may dala-dala pang mga pagkain. Mabuti naman at magkasundo sila, kaso paniguradong doble ang kabaliwan nito.

“Pagkain!” Sigaw ni Ria at dali-daling inagaw ang kahon ng Pizza mula sa kapatid.

“Patay-gutom!” Sigaw naman ni Robbie pabalik.

“Erin tingnan mo ‘tong nakita ko. Flat 1 daw agad tayo sa major subjects natin pag sumali tayo dito.” Sabi naman ni James sabay abot sa akin ng isang flyer.

College film fest?

“Nakakainggit naman! Sana naging film student nalang ako! Ang saya siguro sumali kahit crew lang.” Nakasimangot na sambit ni Melody at bigla na lamang siyang inakbayan ni James.

“Melody baby, wag kang mag-alala, open to all college students to. Kahit anong course pwedeng sumali dito.” Pang-eengganyo ni James at nakuha pang mang-chansing.

“Talaga?” Ria’s face lit up at agad itong napatingin kay Robbie na nagkibit balikat lang.

“Erin sasali ka?” Tanong ni Curt kaya umiling ako.

“Hindi ko pwedeng pabayaan ang radio program ko. And besides pwede akong di sumali sa extra curricular activities kasi disc jockey naman ako.” Paliwanag ko kaya agad akong sinamaan ng tingin ni James na nakangiwi.

“Hindi din ako sasali.” Sabi pa ni Curt kaya lalong napangiwi si James palibhasa kailangan niyang sumali upang maisalba ang grades niyang naghihingalo.

*****

“Erin sandali!” Lalabas na sana ako ng bahay nang bigla na lamang akong tinawag ni Melody.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon