Chapter 6 : The blame game

76.8K 2.5K 820
                                    

6.

The Blame Game

Erin

Its 6am and I haven’t been able to fall asleep. No one has seen or heard from Melody after last night’s live broadcast.

 I’m still worried and scared for Melody. All of us are.

Magkahawak kami ng kamay ni Ria habang naghihintay ng balita tungkol kay Melody. Ayokong isiping may nangyari ngang masama sa kanya pero hindi ko mapigilang mag-alala at matakot. Rinig na rinig ko ang takot sa boses niya kagabi at sigurado akong hindi siya nagbibiro.

“When was the last time you saw Melody?” Tanong sa amin ng campus security na ipinadala sa bahay naming para tumulong sa paghahanap sa kanya.

“At our 1pm class yesterday.” Nauutal na sambit ni Ria at nagsimula itong lumuha kaya agad siyang niyakap ng kapatid na si Robbie.

Napatingin sa akin ang hepe ng campus security kaya agad kong nasapo ang ulo ko, “4 in the afternoon. I was running late for class pero nagpaiwan siya dito kasi aabsent daw siya.” Hindi ko maiwasang mautal.

“Aabsent? Nasabi niya ba kung bakit?” Tanong ulit ng guard kaya agad akong napakagat sa kuko ko.

“Pass muna ako Erin, May date ako.”

 “Date… She said she won’t be able to eat dinner with us kasi may date siya.” Naalala ko ang mga huling katagang binitawan niya ng huli kaming magkita.

“Bakit kayo ang naghahanap? Hindi ba tutulong ang mga pulis?!” Tanong naman ni Curt na gaya namin ay tensyonado nadin.

“Kailangan munang paabutin ng bente-kwatro oras para maituring ng mga pulis na nawawala ang isang tao. Kung tutuusin, iilang oras pa lang ang lumilipas. At isa pa, baka naman nagbibiro lang yon?” Paliwanag nito na para bang yaw maniwala sa nangyayari.

“So ano ganun nalang? Kailangang maghintay ng bente kwatro oras? Paano kung huli na? Paano kung—“

“James!” Sita ni Curt dito.

“Chief narinig mo ba ang boses ni Melody kagabi? Kung narinig mo ang takot sa boses niya, ni katiting na pagdududa ay walang mabubuo sa isipan mo.” Hindi ko mapigilang maglabas ng sama ng loob. Sa bagal ng aksyon nila para lamang silang naghihintay ng masamang mangyayari.

Biglang bumukas ang pinto ng bahay kaya napalingon kaming lahat dito. Bumungad sa amin ang isang guwardyang hingal na hingal at namumutla.

“Nakita na po namin siya!” Wika nito kaya dali-daling napatayo ang head ng campus security na kanina pa nagtatanong sa amin. Nagtatakbo sila palabas kaya dali-dali ko silang sinundan.

“Erin sandali!”

Narinig kong tinatawag ako ni Curt pero hindi ako lumilingon. Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo, sinusundan ko ang mga guwardya. Hindi ko alintana ang unti-unting pagbuhos ng ulan sa malamig na umagang ito.

Takbo lang kami ng takbo hanggang makarating kami sa isang lumang Greenhouse ng Botany Department. Nagkalat ang mga usisero’t-usisera sa paligid, lahat sila hindi mahitsura ang mga mukha. Ang iba, parang nasusuka pa.

Pilit akong pumasok sa loob ng greenhouse na punong-puno ng mga taong walang ginawa kundi kumuha ng litrato sa kung ano mang nasa loob. Itinutulak ko ang bawat taong nakaharang sa dinadaanan ko hanggang sa tumambad sa akin sa paningin ko ang isang nakakagimbal at nakababaliktad ng sikmurang tanawin.

Nakatali ang mga kamay na nasa likod. Puno ng putIk ang mga paa. At mistulang naliligo sa sariling dugo ang isang taong nakasuot ng pink sweatshirt at skinny jeans. At wala itong ulo…

Slaughter High 2 : Terror Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon