Chapter 18 : The Devil he became

53.6K 2.1K 487
                                    

18.

The devil he became

Erin's Point of View

“Akala mo ba talaga matatakasan mo ako Erin?!” Umalingangaw ang sigaw ni Kevin sa napakatahimik na pasilyo kaya lalo akong nataranta habang pumipindot sa elevator button.

“Open up! Open up!” Tuluyan akong napaiyak sa takot nang maaninag ko si Kevin na patungo na sa direksyon ko dala ang napakatalim na kutsilyo at mayroon na siyang malademonyong ngisi sa kanyang labi.

Gustuhin ko mang gumamit na lamang ng hagdan ay hindi ko magawa dahil napakalapit nito kay Kevin at tiyak lalo lamang akong mapapahamak.

“Okay lang ‘yan Erin, atleast magkikita na ulit kayo ni Parker.” Tumatawa niyang sambit kaya pinagpapalo ko na ang pinto ng elevator.

“Kevin,” Napailing-iling ako habang pilit na tinatatagan ang sarili ko, “Kevin ‘wag mong gawin ‘to. Hindi mo pwedeng gawin ‘to. Hindi ka mamamatay tao.” Giit ko kaya natigil siya sa paglalakad at lalo pa akong pinagtawanan.

“Sige Erin, magmakaawa ka pa!” Aniya sabay hawak ng tenga niya, “Ang sarap pala talaga sa pakiramdam kapag sayo na nagmamakaawa at hindi na ikaw ang nagmamakaawa. No wonder Dixon loved this shit. This is so fucking good!” Mangha niyang sambit habang kagat ang labi kaya lalo akong natakot sa kanya. Ni minsan hindi sumagi sa isipan kong masama rin siyang tao.

Muli siyang nagsimulang humakbang palapit sakin. Sa bawat hakbang niya’y patindi ng patindi ang takot ko. Hindi ko na alam saan ako pupunta. Dead end na ang kinaroroonan ko kung tutuusin. Wala na akong ibang daan palayo sa kanya kaya napapikit na lamang ako’t napahawak sa dogtag na ibinigay sa akin ni Hiro noong mga bata pa kami. Katapusan ko na.

“5…4…3—”

Nagtaka ako nang biglang nagbilang si Kevin kaya kahit takot ay dahan-dahan ko paring idinilat ang mga mata ko. Sa isang iglap, nagulat ako nang bigla na lamang tumunog ang elevator at naramdaman kong bumukas ang pinto sa likod ko.

“Erin!” Naramdaman kong may humila at yumakap sa akin papasok sa elevator at kasabay nito ay ang paglabas ng mga pulis dala ang nakatutok nilang mga baril na si Kevin.

Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Pero isa lang ang nasisisguro ko, ligtas na ako.

“Ilagay mo ang kutsilyo sa sahig at itaas mo ang mga kamay mo!” Sigaw ng isa sa mga pulis kaya agad itong sinunod ni Kevin habang nakangisi at nakatitig parin sakin.

“Let’s go.” Bulong ni Curt at pinindot ang elevator button ngunit habang papasara ang pinto ay nakita ko parin ang mala-demonyong ngisi ni Kevin na habang buhay na yatang mananatili sa isipan ko.

Kaming dalawa lamang ni Curt ang nasa loob ng elevator kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at tuluyan na akong naiyak sa sobrang takot habang nakakap sa kanya.

I’m still shivering. I’m still scared. But I’m relieved.

“Shh. You’re okay now. You’re with me. Hindi ka na niya masasaktan ulit.” Bulong ni Curt habang hinihimas ang ulo ko.

ROBBIE’S POV

Binalot ng nakaiilang na katahimikan ang maliit na kwartong kinaroroonan namin. Kapwa kami hindi nagsasalita pero pareho kaming nakatingin sa isa’t-isa.

Magmula nang malaman ko ang nangyari ay hindi na ako mapalagay, lalong nadagdagan ang mga katanungang nabuo sa isipan ko.

Siya ba talaga? Bakit siya pa?

“Buti naman at naisipan mo akong bisitahin.” Suot ang kulay kahel na damit at posas sa kanyang mga kamay ay nagagawa niya paring ngumisi na tila ba walang kaproble-problema.

“Kevin ginawa mo ba talaga ‘yon?” Tinitigan ko ang mga mata niya at si di malamang dahilan, bigla akong kinilabutan.

“Kevin sagutin mo ang tanong ko!” Hindi ko na napigilan pang maibagsak sa mesa ang mga kamao kong kanina pa nakakuyom.

Naniniwala ako kay Erin pero hindi parin maalis sa akin ang umasang mali siya at mabait parin si Kevin—Si Kevin na naging matalik kong kaibigan sa loob ng apat na taon kong pamamalagi sa Provident High, Si Kevin na halos ituring ko ng kapatid—Masakit mawalan ulit ng kaibigan at sa ganito pang dahilan.

“Ginawa ang alin? Ang patayin ang mga walang kwentang estudayante sa skwelahan mo?” Aniya at humalakhak kaya hindi na ako nakapagpigil pa at hinigit ko ng marahas ang kwelyo niya.

“Kevin naririnig mo ba ang sinasabi mo?! Kevin pareho tayo ng pinagdaanan! Pareho tayong nagdusa! Bakit mo ginawa yon?! Nababaliw ka na ba talaga?!” Walang pagsidlan ang galit ko. Gusto-gusto ko siyang sakalin at patayin. Pero kung gagawin ko ito, wala akong pinag-iba sa kanya.

END OF CHAPTER 18

THANKS FOR READING!

VIOTE AND COMMENT <3

Slaughter High 2 : Terror Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon