Chapter 21 : Darren

57.6K 2.1K 834
                                    

21.

Darren

Third Person's Point of View

 

THIRD PERSON’S POINT OF VIEW

 

 

“Darren bumangon ka na, baka ma late ka na sa school nyan?” Malambing na sambit ni Alice at hinalikan ang noo ng walong taong gulang niyang anak.

“Mama, I don’t want to go to school.“ Giit ni Darren at agad na nagtalukbong ng kanyang kumot.

“Baby, kailangan kang pumasok sige ka, di ko ibibigay ang gift mo para ngayong pasko.”

 “Gift?” Dali-daling napaupo si Darren mula sa pagkakahiga at ngayo’y abot tenga na ang ngiti dahil sa narinig.

 “Oo naman, malapit na ang pasko pero kung hindi ka magiging good boy, edi wag nalang.”

“Good boy ako mama!” Buong pagmamalaki niyang sigaw at dali-daling nagtatakbo patungo sa banyo upang maligo.

Naiwan si Alice na nakaupo sa kama ng anak. Nang mawala na ito sa kanyang paningin, hindi na niya napigilan pang maluha lalo na nang makita niya ang litrato ng isa pang anak na si Jared sa basurahan, nakalukot ito at nang kanyang tingnan ng mabuti ay nagimbal siya nang makitang butas-butas ito na tila ba pinagsasaksak at kahit hindi tanungin alam niya kung sino ang may gawa nito—Si Darren.

Mag-isa lamang si Darren na naglakad patungo sa eskwelahang malapit sa kanila. Pasipol-sipol ito habang nakasilid ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang kulay sweater. Habang naglalakad, bigla siyang nakakita ng isag patay na ibon sa daan. Kumurba ang ngisi sa mukha niya at hindi siya nagdalawang-isip na pulutin ito at ilagay sa sarili niyang bag.

Nang tuluyang makarating sa eskwelahan ay pasimple niyang inilagay ang patay na ibon sa mesa ng guro niya.

Napasigaw ang guro nang makita ang patay na ibon. Nagtawanan ang lahat ng bata sa nangyari lalo na si Darren na tuwang-tuwa.

Napatingin ang guro kay Darren at hindi nito maitago ang takot.

Hindi muna pinagpatuloy ng guro ang kanyang klase at sa halip ay kinausap si Darren sa opisina ng punong-guro at pinatawag ang kanyang mga magulang.

“Mrs. Flavier, Good Morning po. Ipinatawag po namin kayo dito para kausapin kayo tungkol sa behavior ng anak niyong si Darren. “ Kalmadong sambit ng punong-guro dahil alam niya ang pinagdadaanan ng pamilya.

“Ma’am ano po bang ginawa ng anak ko?” Nag-aalalang sambit ni Alice.

“Mrs. Kanina po kasi nilagyan ni Darren ng patay na ibon ang table ko. “  

“My son wouldn’t do such thing, are you sure na si Darren ang gumawa nun?” Alam ni Alice kung ano ang kayang gawin ng anak pero mas pinili niyang wag itong paniwalaan dahil sa kabila ng lahat, anak niya parin ito at mahal na mahal niya ito.

“Mrs. Flavier, we are sure just like the time he cut his seatmate’s hair. Noong tinalian niya ang kaklase niya at binusalan ang bibig nito, noong nakita ng janitor na nilulunod niya ang pusa sa banyo.”

“My Son is only 8 years old, bata lang siya kaya nagagawa niya yan!” Giit ni alice na galit na galit at parang maluluha na.

“Mrs, with all due respect, kailangan nyo pong ipatingin si Darren sa isang professional na psychiatrist.“ Suhestyon nito.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon