Chapter 32 : Together Forever

55.8K 2K 1.4K
                                    

32.

Together Forever

Third Person's POV

BEEP

Napatingin si Kevin sa dala niyang maliit na pager at agad na nakunot ang noo niya nang mapagtantong nagpadala sa kanya ng mensahe si Darren at isa lang ang ibig sabihin nito—May nagugulo sa plano nila.

Dali-daling bumalik si Kevin sa lugar kung saan iniwan ang mga bihag ngunit laking dismaya niya nang makitang wala na sina Erin at Paul sa mga kulungan nila.

“Shit!” Napasigaw si Kevin at dali-dali itong hinabol.

 “Kitty umalis na si Kevin, yung kutsilyong bigay ni Paul?” Bulong ni Milo sa kasintahan kaya agad nila itong ginamit upang makalagan ang isa’t-isa.

“Shh,” Agad na hinawakan ni Milo ang magkabilang pisngi ni Kitty nang makitang muli itong naiiyak at agad na hinalikan ito sa labi.

Nanginginig ang mga kamay ni Milo nang dahan-dahang binuksan ang kulungan, nang tuluyang makalabas ay agad na nilapitan ni Milo ang kulungan kung saan naroroon ang gising na si James.

“Milo? Shit Milo ikaw ba yan?” Nanginginig na sambit ni James.

“Shh. Wag kang maingay.” Bulong ni Milo at pinasadahan ng tingin ang iba pang mga nasa kulungan at hanggang ngayoy wala paring mga malay. Hindi alam ni Milo anong gagawin, tulog pa ang mga ito at mahihirapan silang pakawalan ang lahat.

“Milo ilayo mo muna si Kitty! Kailangan niyo ng umalis! Baka bumalik si Kevin! Ako na ang bahala.” Giit ni James kaya tumango-tango na lamang si Milo iniwan sa loob ng kulungan ni James ang susi at kutsilyo.

 “Let’s go.” Walang ano-ano’y agad na hinigit ni Milo ang kamay ni Kitty at tumakbo kaya walang nagawa si Kitty kundi sumunod.

“Sandali,” Mahinang sambit ni Kitty sa pagitan ng kanyang mga hikbi. “Milo sandali!” Nahinto silang dalawa sa pagtakbo sa gitna ng kagubatang tila ba walang hanggan.

 “Kitty lets go, don’t be scared, hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo.” Paniniguro ni Milo at tiningnan sa mga mata ang kasintahan.

“Milo paano sila? Iiwan lang natin sila doon? Paano sina James? Kailangan natin silang tulungan!” Iyak ni Kitty na gusto pang balikan ang mga kaibigan.

"Kitty we have no choice. Narinig mo naman yung sinabi ni Kevin diba? May kasabwat siya. May traydor sa atin!” Paalala ni Milo at sinubukang muling hilahin ang dalaga.

"Milo hindi ko kayang iwan ang mga kaibigan natin! Mga kaibigan natin sila!” Giit ni Kitty na lalo lamang napapahagulgol.

"Kitty we have no one to trust but ourselves. All I care about right now is your safety. Kitty please, tara na. Pangako mailayo lang kita dito babalikan ko agad sila.” Pagsusumamo ni Milo at hinalikan muli ang dalaga ng mariin kaya walang nagawa si Kitty kundi sumunod na lamang kahit labag ito sa kagustuhan niya.

Lingid sa kanilang kaalaman ay isa sa mga bihag ang lumabas mula sa kanyang kulungan. Agad itong nagsuot ng maskara. Dali-dali niyang hinabol sina Milo at Kitty.

 Takbo parin ng takbo sina Milo at Kitty habang magkahawak ang kamay. Hindi nila alam saan pupunta kaya’t nagbabakasakali na lamang sila sa bawat dinadaanan nila.

Ilang sandali pa ay tumigil sa pagtakbo si Milo na tila ba pinapakinggan at pinapakiramdaman ang buong paligid. Madilim, malamig at namamayani ang tunog ng mga kuliglig at kaluskos ng mga puno.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon