Chapter 14 : A night of Terror

64.2K 2.2K 986
                                    

14

A night of Terror

Erin's Point of View

“Grabe busog na busog talaga ako!” Buong pagmamalaki ko habang hawak ang tiyan.

“Ako nga rin eh, for the first time naging masarap ang kare-kare nila.” Sabi pa ni Ria.

“Ikaw James nabusog ka ba?” Pabirong tanong ni Curt kay James na kanina pa tahimik. Ano kayang iniisip niya? Naku, malamang porn na naman.

“Yang ungas na yan? Wala sa bokabularyo niyan ang salitang busog!” Giit pa ni Robbie kaya lalo kaming nagtawanan habang naglalakad pabalik sa horror house para magpatuloy sa trabahao.

“Oh My God! Ang galing-galing talaga ninyo!” Laking gulat namin nang biglang sumalubong samin ang ilan sa mga kaklase namin. “Akala ko talaga totoo! Muntik na akong masuka!” Dagdag pa ng isa sa mga ito.

Nalilito man, ngumiti na lamang kami pabalik at pasimpleng nagpalitan ng naguguluhang mga tingin. Anong meron? Ba’t sila bilib na bilib samin?

“Ang sakit naman nila maging sarcastic.” Mahinang sambit ni Ria nang makalayo na sila.

“Sarcastic ba ‘yon? Para namang bilib talaga sila eh.” Sabi pa ni James kaya agad siyang binatukan ni Ria. Ouch.

“Ulol! Bakit sila bibilib satin kung nasa cafeteria naman tayo at kumakain. Maniniwala akong masusuka sila kapag nandun ka.” Giit ni Ria kaya lalong napangiwi si James. At siyempre, lalo din kaming nagtawanan.

“Grabe kayong mga Chen. Mahal na mahal niyo talaga ako. “ Sarkastikong sambit ni James.

Napahikab ako at napatingin sa wristwatch ko. Hindi ko inaasahang malapit na palang mag alas-dose ng gabi. Nakakapanibago kasi, usually sa ganitong oras nasa kani-kanilang dorms at bahay ng lahat, di gaya ngayon nagkalat parin ang mga estudyante at napakaingay pa ng paligid. Hay, The perks of Foundation Week—Lift ang curfew.

“Antok ka na?” Biglang tanong ni Curt sakin. Nakita niya pala akong humikab.

“Nagkulang lang ng oxygen sa utak.” Biro ko.

“Teka diba pagsapit ng alas dose ibang batch na ng estudyante ang nakatoka sa horror house? Edi ibig sabihin maya-maya lang, pwede na tayong umuwi?” Tanong ni Robbie kaya muli kaming nagkatinginan lahat.

“Ang huling makarating sa horror house ay may chopstick sa pwet!” Biglang sigaw ni James kaya sa isang iglap, namalayan ko na lamang na nagtatakbuhan habang nagtatawanan na kami.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya tumigil muna ako sa pagtakbo. Ayoko namang maging KJ kaya hinayaan ko na lamang silang makalayo at magpaiwan sa gitna ng kalsada.

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung sino ang nagpadala ng text.

1 new message from Melody.

Sa isang iglap, naramdaman kong nagtayuan ang balahibo sa batok ko at nanlamig ang buong katawan ko. Tinitigan ko ng mabuti ang pangalan sakaling namamalikmata man ako pero hindi parin ito nagbabago. Ang pangalan parin ni Melody ang nababasa ko.

Napalunok ako’t nilibot ang paningin, mag-isa na lamang pala akong nakatayo sa madilim na kalsada.

Sinusubukan kong maglakad at umalis pero hindi ko magawa hanggang sa makita ko ang mensahe. Pero gustohin ko mang tingnan ang mensahe, natatakot ako.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon