Chapter 31 : Captured

71.5K 2.1K 1.7K
                                    

31.

Captured

Erin's POV

ERIN’S POINT OF VIEW

 Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Hilong-hilo ako at napakasakit ng ulo ko. Hahawakan ko sana ang ulo ko pero laking gulat ko dahil nakatali ang mga kamay sa likuran ko. Pilit akong nakikiramdam sa paligid pero wala akong ibang naririnig kundi mga kuliglig at malabong boses.

Huminga ako ng malalim at mariing pumikit. Nagbilang ako ng sampu at muling idinilat ang mga mata ko.

Tuluyan akong tinamaan ng matinding kaba at takot nang mapagtantong nasa loob ako ng isang kulungang gawa sa isang rehas. Madilim ang paligid at napakalamig pero dahil sa isang katiting na liwanag na para bang nanggagaling sa isang flashlight ay nagawa kong makita ang mga matatayog na punuan sa paligid. Kung hindi ako nagkakamali, nasa gitna ako ng kagubatan.

“Tulong!” Napaubo ako.

“Erin?! Oh my God Erin! Thank God you’re alive!” Narinig ko ang boses ni Kitty kaya kahit mahirap ay pinilit kong umupo upang hanapin siya.

“Kitty!” Tuluyan akong napaiyak sa takot nang makita kong gaya ko ay nasa isa rin siyang kulungan pero hindi siya nag-iisa, kasama niya si Milo sa loob. Hindi ko namalayang magkatabi lang pala ang mga kulungan namin.

Muli kong nilibot ang paningin ko at mas lalo pang tumindi ang takot ko nang makita kong hindi lang kami ang naririto. May iba pang mga kulungan sa paligid at sa loob nito ay ang iba pang  mga taong nakasuot ng kulay orange na damit at tila ba wala silang malay. Hindi ko sila makilala dahil sa mga sakong nakatakip sa mukha nila.

Ngayon ko lang napagtanto na maging ako ay nakasuot rin pala ng kulay orange na damit at pajama na para bang sa isang preso. Pero hindi gaya nila, walang sakong nakatalukbong sa mukha ko. Sa aming lahat, sina Milo at Kitty lang ang hindi nakasuot ng kulay orange na damit at wala ring takip ang mga mukha nila gaya ko.

“Erin?!” Narinig kong sumigaw ang isang lalaking nasa kulungang malapit lang sa akin. May takip man ang mukha niya, siguradong-sigurado ako kung sino ito.

“Paul?! Shit bakit tayo nandito?!” Kahit anong pigil ko, hindi ko parin mahinto ang pag-agos ng luha ko.

“’Wag kang mag-alala, gagawa ako ng paraan para makaalis tayo dito!” Giit ni Paul kahit pa bakas ang matinding takot sa boses niya kaya tumango-tango ako.

“Talaga lang ha?”

Narinig kong may naglakad palapit sakin at sa isang iglap, tumama sa direksyon ko ang liwanag na nagmumula sa hawak niyang flashlight. Nakakasilaw kaya agad akong napapikit.

Pero yung boses na ‘yon….

“K-kevin?” Hindi ako makapaniwala nang makita ko siyang nakatayo sa mismong harapan ko. “K-kevin anong ginagawa mo dito?” Nautal ako.

“I came to slaughter.” Aniya habang nakangisi at itinutok ang flashlight sa baba niya, “Miss me Erin?”

“You son of a bitch!” Napasigaw na lamang ako at pinagsisipa ang kulungang kinasasadlakan ko.

“Hala, James! Damay ka dito!” Lumingon si Kevin sa isa sa mga kulungan at humalakhak kaya agad nanlaki ang mga mata ko.

Kung nandito si James, malaki ang posibilidad na nandito din si Curt.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon