Chapter 36 : Pretensions of a Psychopath

56.3K 2K 1.5K
                                    

36.

Pretensions of a psychopath

ERIN’S POINT OF VIEW

"H-hiro?” Napahagulgol ako, “P-paano mo nagawa sa amin to? How could you betray us?! Akala ko ba magkaibigan tayo?!” Para akong masisiraan ng bait sa sobrang sama ng loob.

Ang sakit pala talaga sa pakiramdam kapag tina-traydor ka ng taong pinagkatiwalaan mo.

 “Erin hindi, Mahal kita. Mahal na mahal kita. Hindi ko ginustong masaktan ka dito. ” Aniya na para bang nagsusumamo, iika-ika siyang tumayo kaya agad akong umikot palayo sa kanya.

Humakbang siya palapit sakin kaya napaatras ako.

"Hindi mo ako gustong masaktan?! You killed my friends you son of a bitch! Nasaan ang pinsan ko?! Nasaan sina Curt?!” Bulalas ko.

Biglang nawala ang kalmadong aura sa mukha ni Hiro at sa isang iglap nagdilim ang mukha at aura niya.

"Si Jared na naman?! Tarantadong buhay to! Bakit ba puro kayo Jared?! Si Jared ang mabait, si Jared ang bida, si Jared ang mahal! Fuck! Yung kapatid ko?! Kalimutan mo na yun! Ako ang nararapat sayo! Ako ang dapat mahalin mo!” Pagwawala niya kaya agad nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

Magkapatid?

"A-anong sinasabi mo? Magkapatid kayo ni Curt?” Nauutal kong sambit.

"Nagpanggap akong ako ang batang nakilala mo noon para mapalapit sayo! Nagpanggap akong si Jarred pero bakit kahit ako na si Jarred, si Curt parin ang pinili mo?! Bakit hindi mo ako kayang mahalin gaya ng pagmamahal ko sayo?!” Bulalas niya habang nanlilisik ang mga matang nagsimula ng lumuha.

Kung hindi siya si Jared… Ibig sabihin, siya si Darren.

Diyos ko, siya si Darren. Si Darren na nagpahirap kay Curt. Si Darren na pumatay sa ina nila.

All this time, si Curt ang batang nagligtas sa akin sampung taon na ang nakakaraan. All this time, niloloko lang pala ako ng isang nagbabalat-kayong kaibigan na isa palang demonyo.

"You stay the hell away from me! I hope you rot in hell you son of a bitch!” Napasigaw ako.

Abot langit ang galit ko sa kanya. Niloko niya ako. Nang dahil sa kanya namatay ang mga kaibigan ko. Nang dahil sa kanila maraming inosenteng tao ang nadamay.

"Look Erin, you dont have to be mad—“

"Mad?! you think I’m mad?! Mad doesn’t begin to describe how I feel! You killed my friends! Sila na totoong mga kaibigan ko! Wala silang kasalanan sayo! What did we ever do to you?!” Lalo akong naiyak at nanginig sa sobrang galit at hinagpis. Para akong sinaksak ng isang daang beses sa likod ko.

“Erin kung hindi dahil sakin, hindi mo sila makikilala. Hindi mo sila magiging kaibigan! You wont be friends if it wasn’t for our efforts! Gumawa kami ng paraan para makapag-aral kayong lahat sa Garrison University. Gumawa kami ng paraan para maging roommates mo sina Ria at Kitty. Fuck! Pinatay pa namin si Melody at Sabrina para magkabati at maging magkaibigan kayo ni Kitty! If it wasn’t for me, you wouldn’t have even met any of them!”

Para akong nabingi dahil sa isiniwalat niya. Hindi ako makapaniwalang pinlano nila itong lahat mula sa pinakaumpisa. Ibig sabihin sila ang may gawa ng lahat…

“Erin I’m still here…” Muling humakbang si Hiro papalapit sa akin at inabot ang kamay niya. “Erin I love you. Hinding-hindi ako mawawala sa tabi mo.”

Slaughter High 2 : Terror Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon