Chapter 37 : Her Script

69.1K 2.1K 2.1K
                                    

37.

Her script

RIA'S POV

  “Kuya bakit mo ginawa ‘yon?! Kuya hindi natin dapat pinabayaan si Erin!” Hindi magkamayaw sa pagbuhos ang luha ko pero patuloy parin akong hinihila kaya napapatakbo na lamang ako.

Paulit-ulit akong lumilingon, umaasa ako na sana sumunod siya sa amin pero hindi—wala siya.

Tumigil sa pagtakbo si Kuya at ganun rin ako. Winakli ko ang kamay niya at tinulak siya sa dibdib.

“Kuya answer me! Kaibigan natin si Erin! Nakita natin ang mga sugat na tinamo niya tapos anong ginawa mo?! Anong klase kang kaibigan?!” Umiling-iling ako habang pinanlilisikan siya ng mga mata, “Hindi—Anong klaseng tao ka?!”

"The one that's being careful! I know what I did was wrong pero wala akong magagawa! Hanggat sa di pa natin nakikilala ang kasabwat ni Kevin ay wala tayong dapat pagkatiwalaan. At isa pa yung jacket na suot ni Erin ay kaparehong-kapareho ng suot ng salarin. Isipin mo nga she was dragged out of the tunnels kanina just like what happened to Dixon!” Giit ni Kuya kaya napahagulgol na lamang ako.

“Ria look at me!” Hinawakan ni Kuya ang magkabilang pisngi at pilit niya akong pinatitingin sa mga mata niya, “Akala mo ba madali sakin ang ginawa ko?! Ria kaibigan ko rin si Erin pero wala tayong dapat pagkatiwalaan! Ria as selfish as this sounds, ang prayoridad ko ngayon ang maligtas ka!”

Awang-awa ako sa kaibigan ko. Kitang-kita ko ang takot sa mukha niya. Gustong-gusto ko siyang balikan at tulungan pero kailangan kong sundin ang kapatid ko.

Maingat kami ni Kuya sa bawat dinadaanan namin. Iniiwasan naming dumaan sa mga lugar na may CCTV camera dahil baka makita kami ni Kevin o ng kasabwat niya.

Lakad kami ng lakad nang bigla kaming nakarinig ng sumigaw ng napakalakas.

Yung boses na yun kilalang kilala ko yun..

Si Erin...

Nilapitan ako ni Kuya at agad na tinakpan ang tenga ko...

Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at hinayaan ang sarili kong humagulgol. Naramdaman ko ang panginginig ng mga kamay ni Kuya kaya tiningnan ko siya. Awang-awa ako nang makita ko siyang umiiyak. Punong-puno ng pagsisisi at pagdadalamhati.

That scream just goes to show that Erin was innocent just like us.

"Kuya hindi mo alam yun , wala kang kasalanan okay?" Niyakap ko na lamang siya ng mahigpit.

Erin sorry… Erin patawarin mo kami…

Kapwa man kami hinang-hina at umiiyak, pinilit naming lakasan ni Kuya ang kalooban namin at naglakad na lamang palayo.

 Sa naalala ni Kuya, mayroon daw panic room sa loob ng guard stations at wala raw CCTV camera dito kaya naisipan namin ni Kuya na maari kaming pumunta roon.

Ilang minuto kaming naglalakad. Pababa na sana kami sa spiral staircase nang biglang may naririnig kaming umiiyak at tumatakbo.

Agad kaming nagtago sa pintuan na malapit dito.

Nakita namin si Avery na umiiyak duguan ang kanyang noo at parang nalilito siya kung saan pupunta.

Agad kaming lumabas ni Kuya sa pinagtataguan namin para tulungan siya. Natuto na kami sa nangyari kay Erin kayat di na kami nagdalawang isip na tulungan siya.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon