Chapter 3 : Trapped

77.2K 2.6K 1.1K
                                    

3.

Trapped

Third Person's Point of View

 

Pakiramdam ni Erin ay maaabutan siya ni Winston kung magpapatuloy siya sa pagtakbo kayat mas minabuti niyang magtago na lamang sa loob ng banyo. Nakapatay ang lahat ng mga ilaw, sinadya niya itong wag buksan para hindi mahalata ni Winston na naroroon siya. Pumasok siya sa pinakahulihang cubicle at pumatong sa nakasarang toilet bowl upang hindi makita ang kanyang mga paa.

Nanginginig ang kanyang mga kamay at halos maiyak na siya sa takot. Dali-dali niyang kinuha ang cellphone niya mula sa bag ngunit laking dismaya niya nang makitang wala itong signal.

- - - - - - - -

"Erin stop teasing, nasaan ka?" Malambing na tanong ni Winston habang tinitingnan ang bawat kwartong nadadaanan. Halata sa mukha ni Winston ang pananakbik kay Erin.

Pagnanasa. Yan ang tanging nararamdaman niya para sa dalaga. Marami-rami nadin ang mga dalagang nakakarelasyon niya sa kabela ng kanyang edad kayat nang ayawan siya ni Erin ay mistula itong naging isang napakasayang hamon para sa kanya. Walang dalagang umaayaw sa kanya sapagkat may koneksyon siya sa isang propesor, yan ang nasa isipan niya.

Bigla siyang nakarinig ng isang kalabog mula sa isang kwarto. Mas lumapad ang kanyang ngiti.

"Erin alam ko kung nasaan ka" Nakatawang saad nito at agad na pumasok sa kwarto.

Binuksan niya ang ilaw ngunit laking gulat niya dahil hindi si Erin ang kanyang naabutan dito kundi isang taong nakasuot ng mahabang itim na damit at maskara ng demonyo....

- - - - - - - - - -

{ Erin's POV }

Mag-iisang oras na yata ako dito sa loob ng cr. Gustong-gusto kong lumabas upang humingi ng tulong ngunit di ko magawa kasi natatakot akong baka nasa labas ng si Winston at hinihintay ako. 

Nagulat ako nang bigla na lamang bumukas ang pintuan. I gasped at out of fear at dali-daling tinakpan ang bibig ko. Jusko tulungan niyo po ako. Wag niyo po akong hayaang mapahamak.

Madilim ang paligid ngunit naaninag ko ang pares ng mga paang pumasok sa loob ng banyo. Wala akong magawa kundi mapaiyak na lamang dahil sa takot.

"Erin? Erin nandito ka ba?!"

Yung boses na yun!

Pakiramdam koy nabunutan ako ng napakalaking tinik nang marinig ko ang boses ni Curt. Dali-dali akong lumabas ng cubicle at agad siyang niyakap. Iyak lamang ako ng iyak habang nanginginig parin dahil sa matinding takot.

"Shhh. Nandito na ako, tahan na. Hindi ko hahayaang makalapit sayo ang gagong yun" He assured me while hugging me tightly pero kahit na anong gawin ko, hindi parin ako matigil sa kakaiyak. 

"Lets go" Inakbayan ako ni Curt at agad na hinalikan ang ulo ko. Lumapit kami sa pintuan ngunit laking gulat ko nang hindi ito mabuksan ni Curt.

"Curt stop fooling around!" Sigaw ko sa kanya sa pagitan ng mga hikbi ko.

"Im not! Teka ayaw mabukas ng pinto" Muling sinubukan ni Curt na buksan ang pinto ngunit ayaw talaga. Pinaghahampas namin ang pinto para may makarinig sa amin ngunit balewala.

"Tawagan mo sina Kitty" Utos sa akin ni Curt ngunit napasabunot na lamang ako sa sarili dahil sa takot.

"Walang signal! Kanina ko pa sinusubukan! Curt natatakot ako!"

"Dont be scared okay? Baka sira lang talaga ang lock dito. Wag kang mag-alala walang mangyayaring masama sa atin" He assured me and hugged me again.

Wala kaming ibang magawa kundi umupo na lamang sa gilid ng kwarto at maghintay ng magbubukas ng pinto pero sana nga lang.... Sana wag si Winston ang dumating.

Hinawakan ni Curt ang nanginginig kong kamay at agad niyang inihiga ang ulo ko sa balikat niya. Mabuti nalang talaga at nandito si Curt.

"Sinaktan ka ba niya?" Tanong ni Curt kayat bahagya akong napailing. "Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip mo't nag-iisa ka. Gabi na sana nagpasama ka sa akin" Dagdag pa niya kayat ibinaon ko na lamang ang ulo ko sa balikat niya.

"Aish! Sa susunod sasama na ako kahit saan ka magpunta." Kinuha niya ang headset mula sa bag niya at isinuot niya sa akin ang isang parte. Magkasabay naming pinakinggan ang mga kanta ni Ed Sheeran. Kahit papaanoy unti-unti nang nawawala ang takot ko.

 Curt and I... we were never close. I guess we were never even friends kahit na iisa lang kami ng mga kaibigan.

Tall, Smart, Caring , not to mention his pair of chinky brown eyes that goes perfectly with his innocent face… No wonder andaming girls na nagkakagusto sa kanya. But I have to admit, I was wrong about him, Maybe he’s not that much of a jerk. Mabait naman pala siya. Maybe, just maybe, he’s a jerk with a heart.

- - - - - - - 

Bigla akong nakarinig ng mga kalabog sa pintuan. Nakatulog pala kami ni Curt. Gusto kong tumayo pero nakasandal sa akin ang natutulog paring si Curt. Ang kamay niya nakayakap sa bewang ko. Lokong to mamanyakan pa ako -_-

"Curtis gising" bulong ko sabay sundot sa pisngi niya.

Biglang bumukas ang pintuan at bigla na lamang bumungad ang mukha ng janitor. Gulat na gulat siya nang makita kami.

"Anong ginagawa niyo dito?!" Sigaw ng janitor kayat agad na nagising si Curt.

"Kuya may naglock po sa amin dito kagabi!" 

"Kaya pala may alambre at padlock sa pintuan. Teka sino naman ang gagawa sa inyo nyan? Umuwi na nga kayo alas tres na ng umaga" Sabi ng janitor na halatang naguguluhan. 

Nagkatinginan kami  ni Curt. Kapwa nagtataka.

Sino namang gagawa sa amin nun? Aish! Di kaya sina Ria? Eh sila lang naman yung parating nanunukso sa amin eh. Kung si Winston naman, parang imposible, bakit niya ako ikukulong dito kasama si Curt?

END OF CHAPTER 3

- - - - - -- 

Thanks for reading!

Vote and Comment ♥

Slaughter High 2 : Terror Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon