Chapter 35 : The face of evil

52.3K 2.1K 1.2K
                                    

 35.

The Face of Evil

ERIN’S POINT OF VIEW

Pinunasan ko ang luha ko at pinilit ang sarili kong tumayo. Nilibot ko ang paningin ko at napansin kong nandito pala ako sa kwartong tinutuluyan namin ni Kitty.

Ang bait ng tadhana at dito pa ako ipinasok.

Napakarumi at napakabaho ko na at ng suot ko. Naghalo ang tubig imburnal, ulan, dugo, pawis at kung ano-ano pang dumi sa katawan at damit ko.

Mamamatay din naman ako kaya’t mas mabuti pang mamatay ako ng malinis, atleast hindi nakakahiya kapag nakaharap ko si Lord.

Matapos makapagpunas at manghilamos ay agad kong isinuot ang kulay pula na university sweatshirt at itim na shorts.

Pinagmasdan ko ang sarili kong salamin at sinubukang suklayan ang gulong-gulo kong buhok. Hindi ko naiwasang muling maiyak nang makita ko ang hitsura ko sa salamin—bugbog sarado ako at namamaga ang mukha ko. Hindi ko narin halos mabuksan ang kaliwang mata ko sa sobrang pamamaga. Andami kong sugat at pasa sa buong katawan.

Alam kong alam ni Kevin na nandito ako. Alam kong ano mang oras ay papasok siya rito para patayin ako. Handa na ako, handa na akong mamatay. Hindi na ako manglalaban o iiwas pa. Tanggap ko na. Suko na ako.

Humiga ako sa kama habang nakasayad ang dalawang paa sa sahig. Huminga ako ng malalim at tumitig sa kisame at dahan-dahang pumikit.

Unti-unting nag-aagaw ang antok at kamalayan ko nang biglang may narinig akong naglalakad sa labas ng kwarto.

Muli kong idinilat ang mga mata ko sa sobrang takot. Sabi ko handa at tanggap ko na ang mangyayari pero bakit natatakot parin ako? Nakakainis talaga ako.

"Kuya asan ang iba? hindi ba natin sila hahanapin?"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pamilyar na boses mula labas. Kilalang-kilala ko kung sino ito… Yung boses na yon…

 Hindi na ako nag-atubili pa at dali-dali akong napatayo at lumabas ng kwarto.

Para akong nabunutan ng napakalaking tinik nang makita ko sila, pero sila, muntikan silang magsigawan dahil sa gulat.

“Oh My God, salamat at nakita ko kayo.” Di ko mapigilang mapaluha dahil takot na takot na talaga ako.

“Erin anong nangyari sayo?” Napahawak si Ria sa bibig niya. Dahan-dahan siyang humakbang palapit sakin pero bigla siyang hinila ni Robbie.

“Robbie?” Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan dahil sa paraan ng pagkakatingin ni Robbie sakin. Kunot-noo at tila ba nang-aakusa.

“Bakit?” Dahan-dahan akong humakbang papalapit sa kanila pero umatras naman si Robbie at hinila si Ria.

Nilalayuan ba nila ako? Bakit? Anong ginawa ko?

“Erin wag kang lumapit.” Mahinang sambit ni Robbie kaya nalaglag ang panga ko.

“B-bakit? Anong nangyari?” Naguguluhan kong sambit.

"Erin wag kang lumapit.” Muling sambit ni Robbie at lalong humakbang paatras.

“Kuya!” Bulalas ni Ria.

“Ria tara na!” Giit ni Robbie at bigla na lamang tumakbo habang hinihila si Ria palayo.

Nakakapanlumo. Hindi ko na naiintindihan kaya napaupo na lamang ako sa sahig at napayakap sa tuhod ko. Nalilito na ako. Hindi ko na naiintindihan ang mga nangyayari. Sariling mga kaibigan ko nilalayuan ako.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon