Chapter 26

8.3K 295 22
                                    

Sinulit nina Stephen at Kylie ang pananatili nila sa probinsiya. Kahit na bawal mapagod si Kylie ay sinasamahan niya parin ang binata sa mga lugar na pinupuntahan ng mga torista.

At sa huling gabi nila sa bahay ng mga Castillo ay nagsalo salo sila. Pero Sa hinding inaasahan na pagkakataon ang masayang sasalo ng pamilya ay ay napunta sa pagkabahala at kaba. Dahil sa biglang pagkatumba ni Kylie.

"Anaaaakkkk!"sigaw ng mag asawa dahil sa pagkatumba ni Kylie.

Habang nagkakasiyahan kasi sila ay isa isang tiningnan ni Kylie ang bawat myembro ng pamilya niya at iniisip niya na parang hindi niya kayang iwan ang mga ito kahit na sinasabi niya sa sarili niya na handa siya sa magiging resulta ng operation. Napapaluha siya habang nagkakasayahan ang buong pamilya.

Tatayo sana siya para kumuha ng maiinom ay bigla siyang nakaramdam ng hilo at panlalabo ng mata. At hindi na niya namalayan na nawalan siya ng pamay.

Sobrang kinakabahan at napapaluha naman si Stehen habang nagmamaneho papunta sa hospital.

"Please hold on Ky. " sabi niya sa dalaga.

"Stephen pakibilisan. " sabi ng mama ni Kylie habang hawak hawak ang kamay ng anak.

Habang nasalabas sila ng Emergency room ay hindi nila maiwasan na hindi kabahan. Natatakot sila para kay Kylie.

Sabay namang napatayo ang mag asawa at Si Stephen ng lumabas ang doctor.

" Are you the parents of the patient? "

"Opo Doc. Kamusta ang anak ko? " tanong ng tatay niya.

"Mabuti at nadala agad siya sa hospital at nagawan namin ng paraan para hindi tuluyang pumutok ang ugat sa utak niya. She need a surgery as soon as possible dahil sobrang namamaga na ang sugat sa utak niya. " paliwanag ng doctor.

"Her doctor is in Manila Doc. Pwede ba siyang bumyahe? " tanong naman ni Stephen.

Nakikinig lang ang mag asawa ky Stephen at nakikita nila kung gaano niya kamahal si Kylie.


"Yes she can. But you need to make sure she will not be suffocated inside the airplain. " sabi ng doctor.


"Dont worry Doc we have a private plane. " sabi ni Stephen.

"Thats good. You can see her now but she is still unconcious. " sabi ng doctor.


Pumasok sila sa kwarto ni Kylie. Umiiyak ang mama niya habang nakahawak sa kamay niya. Nasa likod naman niya ang asawa habang pinapatahan siya nito.

"Anak gumising kana please. Hinihintay ka na ng mga kapatid mo. " umiiyak niyang sabi.

Nakatayo lang si Stephen sa tabi ng kama ni Kylie. Pinagmamasdan niya ito ng mabuti.

"I will do everything ky para gumaling kalang" bulong niya sa sarili.

Nagulat si Stephen ng akbayan siya ng papa ni Kylie.

"Anak. Salamat sa pagmamahal mo ky Kylie. Simula ngayon ikaw, na ang bahala sa anak ko. Please gawin mo ang lahat para gumaling siya. Alam kung hindi ka doctor pero my kakayahan kang humanap ng magaling na doctor. "

"Wag po kayong mag alala Tito hindi ko po hahayaan na mawala si Kylie sa atin. Sobrang mahal ko po si Kylie. Siya ang dahilan kung bakit nakalakad ako ulit. Kaya ngayon gagawin ko din ang lahat para gumaling siya. "

"Maraming salamat anak. "

Hindi na pinagbukas ni Stephen ang pagpapahanda ng private plane nila. Dahil bukas na bukas din ay babyahe sila papuntang manila.



MAID IN MANILA ( Completed ) UNDER EDITINGWhere stories live. Discover now