Chapter 19

8.3K 286 13
                                    

STEPHEN POV.

Mag dadalawang taon na si Kylie dito sa amin.  At sobrang saya ko at swerte dahil dumatin si Kylie sa buhay ko. At nag paplano ako ngayon na esusurprise date ko siya.  Sa Baguio ko siya gustong dalhin. Nandito kami ngayong dalawa sa loob ng office ko.

"Kylie, Aalis tayo sa makalawa where going to Baguio meron akong kailangan kausapin doon.  We will stay there for 2 days, So prepare your things."

"Ok po Sir."

"Ky don't call me Sir kung tayong dalawa lang, You're special to me."

"Sorry naman Sir i mean Steph nasanay na kasi ako na tawagin kang sir. " nakangiti niyang sabi

Tumayo ako at lumapit sa kanya.  Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.  Isang dangkal lang ang pagitan nito.  Gustong gusto ko na siyang halikan pero pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil my respeto ako sa kanya.  

Nagulat at nanlaki ang mata niya sa bigla kung paglapit sa kanya.

"Call me again Sir kung tayong dalawa lang i wont think twice nahalikan ka"  sabi ko ng seryoso at bumalik na sa mesa ko.

Narinig kong napabuntong hininga siya. Napangiti naman ako dahil alam kung naaapektuhan siya sa presensya ko..

~~~~~~~~~~~~~~

KYLIE POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nag aayos ng dadalhin ko sa Baguio.  Ngayong araw kasi ang alis namin ni Stephen.  Excited ako kasi first time kong pumunta sa Baguio. 

Mag dadalawang taon na ako dito at dalawang buwan na lang ay makaka graduate na ako.  At pinangako ko naman kina mama na magbabakasyon ako sa probisya.

FLASHBACK

"Hello ma"

"Kylie anak kamusta kana dyan? "

"Ok na ok lang ako ma.  Ma ilang buwan na lang at ga graduate na ako. "

"Masayang masaya kami ng papa mo anak dahil makakamit mo na ang pangarap mo. Napaka swerte mo sa mga taong napuntahan mo. "  naiiyak na sabi ni mama

" Sobrang saya ko din ma. At na mimiss ko na kayong lahat dyan. Sayang ma at hindi kayo makakapunta sa graduation ko. "

"Ok lang yan anak alam ko naman na hindi ka pababayaan ng amo mo. Ang importante ay makapagtapos ka. "

END OF FLAHBACK

Kasulukuyan na kami ngayong bumabyahe ni Stephen papuntang Baguio. Napasandal naman ako sa headboard ng upuan dahil nakaramdam ako ng pagkahilo.  Napa pikit pikit ako dahil parang nanlalabo ang mata ko. Napahawak naman ako sa sintido ko.

"Ky are you ok"? Nag aalang tanong ni Stephen

" Oo ok lang ako.  Medyo nahilo lang ako sa byahe. "

"Matulog kana muna. Medyo malayo layo pa tayo. "

Hindi na ako nakasagot dahil unti unti na akong nakatulog.

Nagising naman ako sa mahinang paktapik sa pisngi. Pagmulat ko ng mata.  Sobrang lapit ng mukha ni Stephen sa mukha ko.

"You sleep like an angel.  Wake up sleppy head.  Were already here. " nakangiti niyang sabi

Naramdaman ko naman ang pamumula ko. At sobrang bilis ng tibok ng puso ko.    

"Ahh Sir - " hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinalikan sa labi. Smack lang pero ramdam ko ang lambot ng labi niya.

MAID IN MANILA ( Completed ) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon