Chapter 6

8.6K 267 10
                                    

KYLIE POV

Nang makalabas kami ni Doc Felix sa room ni sir Stephen ay pumasok kami sa kabilang room.  Kung saan naka lagay lahat ng gamot na kailangan niyang inumin at meron din ditong mga equipment for therapy para sa mga hindi makalakad. 

Naikot ko naman ang paningin ko sa loob ng kwarto ang lawak ng room at kompleto din.  Sa gilid nito meron isang kabinet. Kung saan lahat ng gamot at emergency kit ay nandoon.

“Kylie ito yung exercise room ni Stephen kaso hindi ito nagagamit kasi ayaw niya nman pumasok dito,“ malungkot na sabi ni Doc Felix.

Lumapit naman si Doc Felix sa Kabinet ay may mga kunuha ito. Lumapit na rin ako sa kanya.

“Pang 30 kana, na mag-aalaga kay Stephen.  At sana ikaw na ang huli Kylie,” bahagya naman syang tumawa. 

“Nakakasawa naman kasi na pa ulit-ulit ako na nag eendorse ng mga gamot sa mga bagong mag-aalaga,“ nakangiti niyang sabi.

Bakit ba lahat na lang sila nag sasabi na sana ako na ang huli na mag-aalaga kay Stephen na yon. Sabi ko sa isip ko.

Habang sinasabi lahat ni Doc Felix ang mga kailangan na inumin ni Sir Stephen ay tinatandaan ko rin.  Madali lang naman akong maka memorize ng mga bagay.

“Kylie,” humarap sa akin si Doc Felix.

My God bakit ang gwapo din nang nilalang na ito.   Saan ba galing ang mga ito. Nakatulala lang akong nakatingin sa kanya na naiilang.

“Sana habaan mo pa ang pasensya mo kay Stephen. We really want him to go back what he was. I want him to take the teraphy so he can walk again,” Malungkot na sabi ni Doc Felix.

“Bakit ako?“ napalakas na sabi ko na dapat at sa isip ko lang.

Bigla ko naman na tikom ang bibig ko ng tumawa ng mahina si Doc Felix.

“Bakit ikaw? well sabihin na natin na nararamdaman namin na kaya mo. Base on your personality,“ nakangiting sabi ni Doc Felix.

“Susubukan ko po Doc,” naiilang na sabi ko habang napabuntong hininga.

Matapos eendorse lahat ng gamot ni Sir Stephen sa akin Ni Doc Felix ay umalis na din ito.

Nandito naman ako sa kusina para kunin ang pagkain ni Sir Stephen.  Habang naka-upo ako sa counter bigla naman ako siniko ni ate Mira.

“Ang lalim ng iniisip natin ah,” nakangiting sabi niya

Napabuntong hininga naman ako.

“Ate kinakabahan ako, Ito yung unang magkakaharap kami na kami lng,“ mahina kung sabi.

Natawa naman si Ate Mira sa akin

“Nako Kylie wag kang mag-alala.  Masungit man si Sir Stephen may kabaitan pa naman siyang natitira,”natatawang sabi niya.

“Oh ito na ang pagkain ni Sir dalhin mo na sa kanya,  At gamitim mo na ang elevator sa tabi ng hagdan para hindi kana mahirapan,“ nakangiting sabi niya

Habang naka sakay ako sa elevator ay iniisip ko kung ano pa ang pwede pang bungad sa kanya. Kaya nag pa practise  muna ako.

“Sir ito na po ang pagkain niyo kumain na po kayo,“ haizzttt! ano bayan kinakabahan talaga ako.

“Yow Sir kain na po,” close kayo Kylie? Saway ko sa sarili ko.

Nakalabas na ako sa elevator at naka tayo na ako dito sa harapan ng kwarto ni Sir Stephen. Humugot mona ako ng hininga bago kumatok.

Knok knok knok.

“Sir si Kylie po ito dala ko po yung lunch nyo,” sabi ko sa labas ng pintoan.

“Come in,” baritonong boses sa kabilang pinto.

Pumasok na ako at dahan-dahan na lumapit sa kanya dala ang tray ng pagkain niya. Nandito na naman siya sa terrace at nakatingin sa garden.

“Sir ito na po ang pagkain niyo kumain na po kayo,” sabi ko na kinakabahan.

“Just put it there,” cold niya na sabi,  at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

“Ah Sir kailangan niyo na po kumain  kasi po meron kayong iinumin na gamot,“ sabi ko ulit.

“I said just put it there and leave,” sabay tingin sa akin ng masama.

Nabigla naman ako sa kinikilos niya.  At kinabahan pero binawela ko lang yun.

“Sir kumain na po kayo habang mainit pa po,“ nakangiti kong sabi sa kanya.

Nakita ko naman na kumunot ang noo niya.

“Alin ba sa sinabi ko na hindi mo maintindihan?“ cold parin na sabi niya.

“Lahat po sir naintindihan ko.  Kaya lang po kabilin-bilinan ni Doc Felix at nina madam na kailangan niyong kumain on time para maka inom kayo ng gamot," naka ngiti ko paring sabi sa kanya. Pero gusto ko na siyang sakalin.

Nagkakatitigan kaming dalawa. “Akala mo siguro magpapatalo ako sayo?“ bulong ko sa sarili ko.

At siya din bumawi ng tingin niya sa akin. At unti-unti siyang kumakain.  Napangiti naman ako sa ginawa niya.

"Mukhang hindi naman ako mahihirap sa isang ito," Nakangiti kong sabi sa isip ko.

~~~~~~'~~~~~~~~''''~~'~~~~~

STEPHEN POV

Habang nagkakatitigan kaming dalawa ay nakangiti siya sa akin. Kaya I give to her my coldest look.

Shit!  Why my heart is flattering?” sabi ko sa isip ko

While im looking at her I had my chance to look at her closer. She has black round eyes.  Pointed noise and a kissable lips.  At habang patagal na patagal ay lalo siyang gumaganda.  Shes not wearing any make up on her face. She has a natural beauty.  And she is a morena too.

“Stephen why are you saying those word," Saway ko sa sarili ko habang nakatitig sa kanya.

And I cant handle her sweet smile and I cant handle the way she look at me.

Dahan-dahan ko naman  binawi ang tingin ko sa kanya at napa buntong hininga at kumain.
In my peripheral vision I see her looking at me while smiling.

“Don’t stare at me like that,” cold na sabi ko.

Bigla naman siyang yumuko at namula ang mukha.

TSK

"This is not really good," sabi ko sa isip ko.

A/n
Maraming salamat po sa inyo.. Bukas na nman po yung next chapter 😊

MAID IN MANILA ( Completed ) UNDER EDITINGजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें