Chapter 11

9.1K 320 17
                                    


KYLIE POV.

Magdadalawang buwan na ako dito sa Pamilya Dela Torre at ang masasabi ko, ay napaka swerte ko at napunta ako sa mabait na mga tao.  Dahil hindi lahat na katulong na tulad ko ay nagkakaraon ng mabait na amo.

Lagi ko naman tinatawagan sina mama para kamustahin at sa awa ng Diyos ay maganda naman ang kalagayan nila. 

Sa dalawang buwan ko dito hindi pa ako nagkaroon ng day off kaya kahapon kinausap ko si madam kung pwede akong lumabas bukas. Kinukulit na kasi ako ni Dessa na magkita na kami, kasi day off niya din bukas.  Buti naman pinayagan ako ni madam.

Kasalukuyan kaming nandito ni Sir Stephen sa excercise room dahil mag-iisang buwan narin siya na nag the-therapy.  Nakakapagtaka nga dahil ang bilis ng recovery niya parang nagmamadali na makalakad. Pero noon una ay ayaw naman mag therapy.

Tinulungan ko siyang tumayo sa wheelchair niya papunta sa dalawang bakal na hahawakan niya para mabalanse niya ang kanyang katawan.

Napayakap ako bigla kay Sir noong muntik na siya matumba.  Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at ganoon din yung sa kanya.  Binalewala ko kung ano man yung nararamdaman ko.

"Sir kumapit po kayo ng mabuti sa akin para hindi po kayo matumba," sabi ko sa kanya habang nakayakap pa din sa kanya.

Napapitlag ako nang bigla niya akong yakapin. Yung yakap na parang my pinaparamdam.

 "Kylie magfocus ka.  Hindi yun kung anong ano yung iniisip mo," bulong ko sa sarili ko.

Napa-angat naman ang ulo ko noong maramdaman ko na parang tumigil siya.  At napatunganga ako nang naging malapit ang mukha naming dalawa.  Amoy na amoy ko yung mabango niyang hininga.

"MY God ano kaya ang amoy ng bunganga ko," sabi ko sa isip ko.

Habang si Sir Stephen ay nakatingin lang sa akin habang nakakapit parin sa bewang ko.  At hinigpitan ko naman ang hawak sa bewang niya baka kasi matumba kami . Isang dangkal lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko.  Naramdaman ko naman na uminit bigla ang pisngi ko. 

"Ah- ahh Si-SIR  kumapit na po kayo sa bakal," nauutal kong sabi sa kanya.

"Why i feel like this?" Bulong niya habang nakatingin parin sa akin.

"Ano po ibig niyong sabihin sir?" nalilitong tanong ko sa kanya.

Pero nginitian niya naman ako at humawak naman siya sa bakal at kumawala sa pagkakayakap sa akin.  Binalewala ko naman yung sinabi niya sa akin.

Habang hinahakbang niya ang paa niya makikita mo talaga sa mukha niya na sobra siyang nahihirapan at pinipilit niya talaga na makahakbang. Kinuha ko muna ang towel sa balikat ko at pinunasan ang pawis niya.  Napatingin naman siya at napangiti sa akin. Nagulat naman ako sa pagngiti niya kaya medyo natigilan ako.

"Ano bang nangyayari sa taong ito at panay ang ngiti," bulong ko sa isip ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Stephen PoV.

Kakatapos ko lang maglakad-lakad at nagpapasalamat ako at dahil nandyan si Kylie na palaging naka- alalay sa akin.  Kanina nong nakayakap ako sa kanya,  parang ayoko ko na siyang pakawalan.  Ayaw ko na siyang bitawan. Natatakot ako na  baka pagbinitawan ko siya ay mawawala siya sa akin!  I'm going crazy sa kakaisip sa kanya.

Pero natatakot ako na baka sa huli ay iiwan niya din ako. Natatakot ako na mag-isa na naman ako. Napabuntong-hininga naman ako sa posibleng mangyari.

MAID IN MANILA ( Completed ) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon