Chapter 7

9.3K 358 26
                                    

Kylie POV

Natapos ang araw na medyo okey naman ang pakikitungo ni Sir Stephen sa akin. Natapos ko na rin ang lahat ng gawain ko at tumulong narin ako kay ate Mira sa mga liligpitin sa kusina.

"Kylie kamusta naman ang unang araw mo na kasama si Sir?" naka ngising sabi ni ate Mira.

"Okey naman ate, nong una medyo nahirapan akong pakainin siya pero hindi ko siya sinukuan," Naka ngiti ko ring sabi sa kanya.

Natapos na kami at nandito narin kami sa kwarto namin naghahanda na para matulog. Pero bigla kong na-alala na hindi pa pala ako nakakatawag sa amin. Baka nag-aalala na sina mama sa akin. Dahan dahan akong lumabas sa kwarto namin bitbit ang cellphone ko na luma. Lumabas ako sa my garden at doon tinawagan ang number ni papa.

"Hello Ma!" masigla kong sabi kay nanay na pinipigilang pumiyok.

"Kylie anak! Kamusta kana dyan? Okey ka lang ba dyan? Mabait ba ang amo mo? Kumakain ka ba ng mabuti? Hindi kaba inaapi dyan? Anak?" sunod-sunod na sabi ni mama, napa ngiti naman ako.

"Ma kalma po, Okey lang ako dito, Wala pong problema dito mababait ang mga amo ko," nakangiting balita ko kay mama.

Bigla naman akong nakarinig ng nag-iingay sa kabilang linya na para bang nag-aagawan ng cellphone. Napapangiti na lang ako habang nakikinig sa kanila.

"Anak miss na miss kana namin dito," biglang sabi ni papa at tuluyan ng tumulo ang luha ko.

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita

"Miss na miss ko na rin po kayong lahat dyan," pinipigilan ko na wag pumiyok baka mag-alala sina mama.

"Anak pagsumakit ang ulo mo. Uminom ka agad ng gamot ha. Para hindi ka mahirapan sa trabaho mo," paalala pa ng papa.

"Walang problema pa, tatandaan ko yan," sige na po pa magpapahinga na po ako. Maaga pa ako bukas ehh," paalam ko sa kanila.

"Sige anak mag-iingat ka dyan ha, Kung my problema tumawag ka kaagad," sabi ni papa.

Pagka patay ko ng cellphone ko. Nakaramdam naman ako ng pagkasabik sa kanila. Hinayaan ko na muna ang sarili ko na umiiyak. Nalulungkot ako ehh. Bakit ba?

Nagtagal pa ako dito sa garden bago nagpasya na bumalik na sa kwarto namin. Pero bigla akong napatingin sa veranda ng kwarto ni sir Stephen at nakita ko siya doon na nakatingin sa akin. Bigla naman napako ang tingin ko sa mata niya na nakatingin din sa akin .

Pagkalipas ng ilang sandali ay bigla siyang tumalikod at pumasok na sa loob . Habang ako nandito parin nakatulala.

"Bakit nman ganoon makatingin si Sir sa akin?" sabi ko sa sarili ko

Pumasok na ako sa loob at nagpahinga na! Bukas na naman ulit sana ganoon parin siya bukas.

Kinabukasan

Yung akala ko na mabait na si Sir Stephen dahil sa hindi siya masyado nagsusungit kahapon, ay nagkamali pala ako dahil pag pasok ko pa lang sa kwarto niya ay bigla niya na lang akong sinigawan at pinalabas.

"GET OUT," sigaw niya sa akin pagbukas ko pa lang ng pintuan.

"Sir hindi pa po ako nakakapasok, lalabas na agad ako?" Taka kung sagot sa kanya.

Tiningnan niya ako ng masama at sinigawan ulit nong tuloy-tuloy ako sa pagpasok.

"Sir ang aga-aga bakit kayo sumisigaw?" nagugutom naba kayo sir?" nakangiti kung tanong sa kanya pero sa totoo lang sobrang kaba na ang nararamdaman ko dahil sa masama niyang tingin sa akin. Pero hindi ko yun pinahalata.

MAID IN MANILA ( Completed ) UNDER EDITINGWhere stories live. Discover now