Chapter 22

8K 283 8
                                    

DESSA POV.

  🎵Lintik na pag ibig
Parangkidlat

Puso kong tahimik na naghihintay
Bigla mong ginulat
'Di ko man lang napansin ang iyong pagdating

Daig mo pa ang isang bagyong namuo sa malayo

Ihip ng hangin biglang nag-iba
Sinundan pa ng kulog at kidlat
Sa biglang buhos ng iyo sa akin
Ako'y napakanta🎵

"Lintik nga naman na pag-ibig oh. Nang bubulabog." Komento ko sa kanta na pinakikinggan ko ngayon.

Bakit ba ang tagal ng lalaking yun. Yung ayoko ko sa lahat kasi ay yung pinaghihintay ako. Nagtataka ba kayo kung nasaan ako ngayon? At sino ang hinihintay ko?

Well ang nag iisa lang namang Doctor ng mga mokong. Sabi niya magkikita daw kami ngayon at may sasabihin siya. Ano naman kaya ang sasabihin noon?

Aamin na kaya siya na bakla siya?hahaha

Nakaupo ako ngayon dito sa park malapit sa apartment na inuupahan ko. Sabi ko kasi sa kanya na dito na lang kami magkikita.

After kasi noon na galing kami sa Baguio ay parati naman kaming nagkikita at kumain ang trip namin gawin. Hehehe

"Sa wakas at dumating din."bulonh ko sa sarili ko nong nakita ko ang kotse niya.

Pagbaba niya ay matakbo naman siyang lumapit sa akin.

"Sorry Des at nalate ako natraffic ako eh." paliwanag niya na hinihingal

"Ano ba kasi ang sasabihin mo at dis oras na ng gabi kay makikipagkita kapa sa akin."

"Sorry naman. Importante lang kasi ang sasabihin ko. Hindi na pwede ipagpabukas baka kasi hindi ko na naman masabi."

"Ano ba kasi yun?"

"Woohhh" buntong hininga niya
At tiningnan niya ako ng seryoso
"Desss Garcia can i court you?"

"Wee? Nakadrugs ka ba at kung ano ano yang sinasabi mo?" Sabi ko na hindi seneryoso ang sinabi niya. Imposible naman na ang isang Felix Samonte ay magkakagusto sa isang tulad ko? Never!

" What? Hindi ako nkadrugs. Doctor ako hindi adik"

"Ehh bakit bigla mo naman sinabi na "can i court you?" Pang gagaya ko sa boses niya

"Im damm serious Des. Alam mo ba kung ilang drum ng lakas ng loon ang inipon ko para masabi ko yan sayo? Tapos ikaw hindi mo seneryoso?" Sigaw niya sa akin

Napangiwi naman ako dahil sa sigaw niya. Pero nagseryoso din ako ng nakita kung seryoso din siyang nakatingin sa akin.

" Ehh kasi hindi ko naman eni expect na darating ang araw na magugustuhan mo ako." Mahina kung sabi habanh nakayuko. Namumula kasi ang mukha ko

Nagulat ako nong hinawakan niya ang dalawa kung kamay kaya napa angat ang tingin ko sa kanya.

"Des bakit mo naman nasabi na hindi kita magugustuhan? Alam mo ba na una palang kitang nakita nong natapunan ako ng pagkain sa mall ay my nararamdaman na akong kakaiba sayo. At sinswerte naman ako dahil bestfriend ka pala ni Kylie."

MAID IN MANILA ( Completed ) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon