Chapter 1

16.9K 348 19
                                    

Napabuntong hininga Si Kylie ng nakalabas siya sa Agency na inaplayan niya.

"Kahit katulong papasukin ko basta makatapos lang ako sa pag aaral". Isang taon na lang Ky ang kailangan mong pag iponan para makatapos ka. Aja.!! Wala sa sarili na sabi niya.

Sa edad na 21 ay hindi pa siya nakapagtapos sa kanyang kursong Bussiness Ad. Kailangan niya kasi munang magtrabaho at pag- iponan ang pang tuition niya. Hindi naman kasi sila mayaman kaya magtatrabaho muna siya bago makapag enroll ulit.
Panganay sa tatlong magkakapatid si Kylie at puro sila lahat babae. May maliit na talyer ang kanyang ama at may maliit naman na tindahan ang kanyang ina. Pero di parin yun kasya lalo na at nabuntis ng maaga ang kanyang kapatid at hindi pinanagutan.

Tubong ilongga si Kylie lumaki siya sa Bacolod at minsan niya na ring pinangarap na maka punta sa Maynila.

" Pagminamalas ka nga naman oh" nakasimangot na sabi niya sa sarili.

Nakita niya kasi ang masugid niyang manliligaw na si Vins. Hindi naman sa pamimintas ay hindi pasok sa taste niya ang kagaya ni Vins, lalo na kung manamit palaging naka checkered polo at naka tak in pa. Lumang tao kung tawagin ng mga kaibigan niya.

Isang taon na nanliligaw si Vins sa kanya , kaklase niya ito sa isa sa mga major subject niya, at kahit ilang beses niya sabihin na wala itong pag-asa ay di parin ito sumusuko at palagi pa rin siyang kinukulit nito. Kaya kung maari palang na di magtagpo ang landas nila ay gagawin niya.

"Lord ayoko pong masira ang araw koh," Dali dali siyang sumakay sa napadaang jeep.
"Manong bayad ko," sabay abot ng pamasahe.
"Ilan to day? Sabi ng driver
" Isa lang manong #walanglovelife"
Napangiti na lang si manong driver dahil sa sinabi niya.

~~~~~~~~

"Oh anak kamusta ang pag aaply mo?" Sabi ng kanyang ina
"Tatawagan lang daw po nila ako ma pag my employer na."

"Pasensya kana anak kung kailangan mo na naman huminto at magtrabaho," Malungkot na sabi ng kanyang ina.

"Ano ka ba ma ilang beses niyo na yan sinasabi sa akin," Sabay yakap niya sa nanay niya.

"Ok lang po yan Ma at para saan pa ay makakapagtapos din ako, isang taon na lang ma."

"Saan nga pala si ZaiZai ma?? Paghahanap niya sa pamangkin niya.

"Andoon sa loob at pina padede ng kapatid mo."

"Sige Ma pasok muna ako".

Habang nilalaro niya si ZaiZai ay tumunog ang kanyang cellphone.

"Best kamusta kana?" Sabi ng bestfriend niyang si Des na nasa Maynila na ngayon nag tatrabaho.

"Ito best ganoon pa rin, kakauwi kohl lang galing sa agency na inaplayan ko."

"Tinuloy mo talaga ang pag-aaply bilang katulong best?" Di makapaniwalang sabi ni Dessa.

"Di ba nga sabi ko sayo na kahit anong trabaho basta marangal eh papasukin ko."

"Sabi ko naman kasi sayo mag apply ka dito sa pinatatrabahoan ko eh."

"Alam mo naman best na utak lang meron ako wala akong ka talent talent sa pagpapaganda."

Kasalukuyan kasing nag tatrabaho ang kanyang bestfriend sa isang beauty product.

"Hay!! Ewan koh sayo best mapag aaralan naman yan eh at..."

"At wala akong hilig sa mga ganyan." Putol niya sa sasabihin pa ng kanyang bestfriend

"Ah bahala ka, hindi kanaman pangit best eh kung marunong ka lang mag ayos"

"Bestfriend nga kita ang sakit moh magsalita eh".

"I know right..hahhah." sabay tawa ng bestfriend niya

"Oh sige na best at my gagawin pa ako" paalam niya sa kaibigan niya

"Sige best at my duty rin ako, balitaan mo na lang ako best ha."

"Sure best." Napabuntong hininga na lang siya ng matapos ang usapan nila ng bestfriend niya.

~~~~~~~~

Habang naghihintay ng tawag ng Agency si Kylie ay tumulong muna siya sa kanyang ama sa talyer. Bata pa lang kasi siya eh tinuturuan na siya ng kanyang ama ng pagmemekaniko at kahit paano ay may katuwang ang kanyang ama. Dahil siya ang panganay kahit gawain panglalaki ay ginagawa niya.
Kilala din si Kylie sa kanilang lugar dahil sa kabaitan nito at palaging nakangiti.

"Kylie". Napalingon si kaylie sa taong tumatawag sa kanya. Ang kanya pa lang kababata na si Mike.

"Oh Mike pogi natin ngayon ahh. Saan ang burol..?? Biro niya sa kababata

"Burol talaga?? Di ba pwedeng lamay muna..??" Biro din ni Mike
At nagtawanan silang dalawa.

"Saan ba talaga ang lakat moh at naka porma ka ngayon." Nakangiti paring sabi niya

"Punta kami ng SM ng mga barkada ko"

"Barkada ba talaga? Mukhang my date ka sa porma mo eh...hahah."

"Baliw!! Minsan kasi sumama karin sa akin mamasyal at di puro grasa ang kaharap mo."

Alam mo naman na walang katuwang si papa sa talyer eh"

"Kaya ka na pagkakamalan na tomboy eh, kahit trabaho pang lalaki pinupuntirya mo"

"Kailangan eh, parang di mo naman ako kilala".

"Alam mo Ky di ka naman pangit eh kaya nga patay na patay sayo si Vins, hahahha."

"Isa ka pa eh," sabay batok sa kababata niya.

"Parehas lang kayo ni Des, sarap niyong pag untugin."

"Aray naman Ky di kna mabiro." Napakamot ito sa ulo.

"Umalis kana nga at marami pa akong gagawin." Pagtataboy niya sa kababata niya.

"Oh siya sige na, Goodbye Ky na one of the boys, hahaha."

Susuntukin niya sana ang kaibigan niya kaso mabilis itong tumakbo.

Bigla naman siyang napatukod sa katabi niyang kotse dahil biglang sumakit ang ulo niya.

"Anak ok ka lang?." Nang makita siya ng kanyang ama.

"Ok lang ako pa bigla lang sumakit ang ulo ko siguro aataki na naman ang migrain koh."

"Umuwi ka na muna at uminom ng gamot at pagpahinga ako na muna ang bahala dito sa talyer."

"Ok lang ako pa, kaya ko to, mawawala din to maya maya lang."

"Wag nang matigas ang ulo Ky umuwi kana at magpahinga."

Wala nang na gawa si Kylie kaya umuwi na lang siya sa bahay nila.

"Oh anak ang aga mo atang umuwi wala bang masyadong gawa sa talyer.?" Salubong sa kanya ng kanyang ina.

"Bigla kasing sumakit ang ulo ko ma kaya pina uwi na muna ako ni papa para magpahinga"

"Mukha atang napapadalas na nman ang pagsakit ng ulo mo nak ahh." Nag aalalang sabi ng kanyang ina.

"Ok lang ako ma siguro kulang lanv ako sa tulog."

"Oh siya sige ito ang gamot pumasok kana at magpahinga."

"Salamat po ma."

Simula nong highschool ay palagi nang sumasakit ang ulo ni Kylie palagi kasi siyang nagpupuyat sa pag aaral. Ilang beses na rin siyang sinabihan ng kanyang ina na mag pa check up sila pero palagi lang itong tumatanggi. Kasi magastos daw pagmag papa doktor, simpleng sakit lang daw ng ulo yun..!!

A/N

Sorry guys medyo di ko pa alam kung paano sisimulan..

MAID IN MANILA ( Completed ) UNDER EDITINGWhere stories live. Discover now