Chapter 2

10.8K 275 5
                                    

Napabalikwas si Kylie sa kanyang kama ng tumunog ang kanyang cellphone dahil my tumatawag dito. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay napaayos siya ng upo, ang agency kasi na inaplayan niya ang tumatawag.

"Hello po?"

"Hello Ms. Castillo? This is maam Gel, pwede ka bang pumunta dito sa agency ngayon kasi may employer na po kayo. Dito na lang po natin pag usapan ang mga detalye."

"Talaga po maam? Salamat po maam." Nakangiting sabi niya sa agent niya. Isang buwan din ang hinintay niya bago magka employer.

"Oh sya sige Ms. Castillo hihintayin na lang kita dito sa opisina."

"Ok po maam, maraming salamat po ulit." At pinutol nya na ang tawag.

Dali dali siyang lumabas ng kanyang kwarto at pumunta sa mama niya na naghahanda ng almusal.

"Ma! Tawag niya sa kanyang ina."

"Oh Ky mukhang masaya ka ah." Puna ng kanyang ina.

"Tumawag po kasi ang agency sa akin ma may employer na daw ako," Excited na sabi niya sa ina.

"Talaga anak? Mabuti naman kung ganoon. Oh siya kumain kana at para maka punta kana doon."

~~~~~~~

Nang maka baba si Kylie sa jeep na sinakyan niya ay napabuntong hininga siya.

"Ito na Ky makakapagtrabaho ka na," Sabi niya sa sarili niya.

Nang pumasok siya sa opisina ay sinalubong siya ni Maam Gel.

"Oh Ms. Castillo mabuti at nandito ka na."

"Good morning po maam." Nakangiting bati niya sa agent niya.

"Good morning din, halika ka sumunod ka sa akin."

Pumasok sila sa opisina ni Maam Gel. Umupo siya sa silya na katapat nito.

"Ms. Castillo ang pangalan ng iyong employer ninyo ay si Mrs. Suzette Dela Torre," Panimula ni maam Gel.

"Taga saan po yung employer ko maam?"

"Taga Maynila, ok lang ba sayo na sa maynila ka magtatrabaho?"

Nagulat si Kylie na taga maynila ang kanyang employer, kung matuloy siya ay first time niya pumunta doon at mahiwalay sa pamilya niya.

"Maynila po maam?"

"Yes Ms. Castillo, and your salary is 10k a month. Kasi di basta basta ang employer mo ito. They own the Dela Torre Corporation in Manila at ang trabaho mo ay aalagan at aasikasuhin mo lang ang kanyang anak na lalaki."

"Ten thousand per month? Wow ang laki noon ahh," Napa-isip si Kylie.

"Kung 10k a month makakapag- ipon na ako makakapagpadala pa ako kina mama." Sabi niya sa sarili niya.

"Yes Ms. Castillo. Dont worry mabait ang employer mong ito.

~~~~~~

Nakatulala si Kylie sa labas ng agency at iniisip niya parin ang pinag-usapan nila ni Ms. Gel.

"Kung tutuosin eh magaan lang ang trabaho ko. Aalagan ko lang ang anak niyang lalaki. Teka ilang taon na ba yung anak ni Mrs. Dela Torre? Ahh bahala na siguro nasa elementary pa lang yun," Sabi niya sa sarili.

"Kailangan ko pa palang mag paalam kina mama at papa sana maintindihan nila."

~~~~~

Hindi alam ni Kylie kung paano sisimulan ang pagpapaalam niyang magtrabo sa maynila.
Kasalukuyan silang mag-anak na nanonood ng Tv sa sala nila. Pero wala sa palabas ang utak niya.

"Ky may gusto kabang sabihin? Kanina ka pa kasing parang balisa," Puna ng kanyang ama.

Napabuntong-hininga siya bago nag salita.

"Ahh Ma, Pa gusto ko kayong maka-usap tungkol sa bago kong trabaho."

"Ay oo nga pala anak kamusta ang pagpunta moh sa agency?" Nakangiting sabi ng kanyang ina.

"Yun nga po Ma, isang Business woman ang ang employer ko at ang trabaho ko po ay aasikasuhin ko lang yung anak niya," Seryosong sabi niya.

"Oh 'yun naman pala nak, Eh bakit parang di ka masaya?" Pakli ng kanyang ina.

"Ang problema po Ma,  ay taga maynila ang employer ko, 10k a month po yung sahod ko Ma."

Nakatinginan ang mag-asawa, nakuha nila ang gustong sabihin ng anak nila.

"Gusto mo ba talagang umalis nak?" sabi ng kanyang ama.

"Kung ako lang pa ayoko sana magkalayo tayo kaso sayang naman ang pagkakataon pa, makakapag- ipon na ako ng pang-tuition ko eh makakapagpadala pa ako dito sa inyo."

"Kung iniisip mo ang kalagayan namin dito anak wag kang mag alala at magiging okey kami dito," Napapaluhang sabi ng kanyang ina sabay hawak sa kamay niya.

"Di bali ma kung makakapag ipon na ako ng pang-tuition ko ay uuwi agad ako," Maluha-luhang sabi niya sa kanyang magulang.

~~~~~

Kinaumagahan tinawagan niya agad ang bestfriend niya.

"Best," Excited na sabi niya.

"Mukhang Good mood ka ata best."

"Best magkikita na tayo."

"Bakit? papauwiin mo ako?"

"Ay sunga Hindi! Pupunta ako ng Maynila at dyan na magtatrabaho."

"Talaga best? Kailan naman ang punta mo dito? miss na miss na kita ehh."

"Next week na nagmamadali kasi ang employer ko kasi aalis siya papuntang Hongkong walang mag aalaga sa anak niya."

"Excited na akong makita ka best sa wakas at puputi kana rin.'

"Ang sakit mo talagang magsalita eh noh?"

"Hahhaha, hindi kana mabiro."

"Ahh ewan ko sayo basta pag nandyan na ako magkikita na tayo at para mabatukan kita."

"Ayy nagbago isip ko best hindi pala kita na miss."

"Sunga!!hahahhaa"

MAID IN MANILA ( Completed ) UNDER EDITINGWhere stories live. Discover now