Chapter 8

9.4K 330 15
                                    

KYLIE POV

Mag-iisang buwan na ako dito sa maynila. At kung akala niyo ay may nag bago kay Sir Stephen. Well wala po ganoon parin lagi niya akong sinisigawan at minsan tinataboy pa. Pero kailangan ko gawin lahat ng bilin nina madam Zette bago sila umalis papuntang hongkong. Kaya ito ako ngayon at hinahabaan parin ang pasensya ko sa tuwing magkakaharap kami ni Sir.

Papunta ako ngayon sa kwarto niya  para maghatid ng lunch niya.  Kumatok muna ako bago pumasok.  As usual  nasa veranda na naman siya.  Paglapit ko nilagay ko muna yung pagkain niya sa tabing mesa.  Hindi man lang niya ako binalangin ng tingin kasi busy siya na nakatunganga sa Tablet niya habang my binabasa.

“Sir kain na po kayo.  Lalabas po muna ako saglit para kuhanin yung mga gamot niyo,“ sabi ko at tumalikod na. Hindi niya naman ako tinapunan ng tingin.  Kaya umalis na lang ako.

Pero kakasara ko lang ng pintoan at may narinig akong nabasag sa loob ng kwarto niya kaya dali dali akong bumalik sa loob. Nanlaki yung mata ko nong nakita ko yung basag na mga plato sa sahig.

Tumakbo ako malapit kay Sir at hinawakan ko siya na nanginginig. Bigla nya naman tinabig yung kamay ko at sinigawan niya ako.

“GET OUT!!!" sigaw niya.

Napapitlag naman ako sa gulat.  At nakaramdam ako ng takot sa kanya.  Yung mata niya sobrang galit na akala mo mangangain ng tao.

“Sir okey lang po kayo?” natatarantang sabi ko sa kanya..

“I said Get Ouuttt!!!  Sigaw niya ulit.

“Sir kalma lang po kayo. Ano pong problema?” tanong ko sa kanya.

Bigla niya naman binato sa pader yung basong hawak niya.  At sumigaw ulit  kaya napapitlag ako at tumakbo palabas.  Habang umiiyak. Nakakatakot siya. Natatakot ako sa kanya.

Habang pababa ako ng hagdan ay nakasalubong ko si Doc Felix.

“Kylie anong nangyari sayo?“ tarantang sabi ni Doc.

“Doc, si Sir Stephen po nagwawala sa kwarto niya,“ umiiyak na sabi ko.

Hinawakan ako ni Doc Felix sa kamay at hinila ako pa balik pero hindi kami dumeretso sa kwarto ni Sir Stephen.  Sa isang kwarto kami pumasok at pina-upo niya ako sa silya.

Lumapit naman siya sa kabinet kung saan may mga gamot may kinuha siya doon at lumapit sa akin.

“Ano bang nangyari at nagkasugat ka sa pisngi mo?" Tanong ni Doc.

Nagulat naman ako sa sinabi ni Doc kaya napahawak ako sa pisngi at nakaramdam naman ako ng kirot at ng tingnan ko yung kamay ko my dugo. Bigla naman akong nanghina. Takot ako sa dugo.

“Doc my dugo po,” nanginginig na sabi ko, takot po ako sa dugo,” namumutla kong sabi.

Hinawakan naman ni Doc Felix yung kamay ko na nanginginig.  Medyo kumalma naman ako

“Pasensya kana Kylie kung nagkakaganoon si Stephen.  Pa minsan-minsan kasi ay na aalala niya yung fiancee niya na iniwan siya,“ pag kukwento ni Doc habang ginagamot ang sugat ko sa pisngi. 

Nakatitig lang ako sa gwapo niyang mukha. Ang bango ng hininga niya. “ay ano bayan Kylie umayos ka nga,” saway ko sa isip ko.

“Natakot lang po kasi ako kay Sir Stephen kanina. Parang galit na galit siya hindi ko naman alam ang dahil niyan at bigla siyang nagalit,” paliwanag ko ky Doc.

“Ako na ang bahala sa kanya. Kakausapin ko muna siya,” sabi niya habang nilalagyan ng band aid ang sugat ko.

“Salamat po Doc,“ sabi kong naka yuko.

MAID IN MANILA ( Completed ) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon