Chapter 12

8.8K 302 17
                                    

KYLIE POV.

Ang bilis ng panahon at kasabay din yung pagbilis nang recovery ni Sir Stephen. Kung dati ay naka wheelchair pa siya ngayon ay nakasaklay na siya. Mag-aanim na buwan naman ako dito at masasabi ko na nakalalagayan ko na ng loob si Sir Stephen. Hindi na siya masyadong masungit. Pero hindi parin ma wala-wala ang pagiging cold niya minsan. Kaya nginingitian ko na lang siya pagnagsusungit siya.

Naglalakad ako ngayon papuntang library dahil pinatawag ako ni madam Zette.

Kumatok muna ako bago pumasok. Pagpasok ko nagulat naman ako dahil nandito si Sir Stephen na nakaupo sa harapang silya. Tiningnan ko naman siya at nginitian niya naman ako.

"Iha maupo ka," tinuro ni madam Zette ang harapang upuan ni Sir Stephen.

"Here," may inabot si madam na isang envelope.

"Open it," sabi niya na nakangiti.

Nagtataka naman akong binuksan ang envelope at nanlaki ang mata kong nakatutok parin sa binabasa ko.

"Mada-am," naluluhang sabi ko.

"Kaylie iha, We are accepting scholars to our company every year. And i think you are really qualified for that scholarship," nakangiting sabi niya.

Hindi ko alam kong anong sasabihin ko dahil sa natanggap ko. Binibigyan nila ako ng scholarship sa isang sikat na universidad sa manila. Naluluha naman akong tiningnan si madam.

"Ma-maraming salamat po madam," naiiyak kung sambit.

Pero napako naman ang tingin ko sa kaharap ko. Na nakatingin din pala sa akin at bahagyang nakangiti. Kaya bigla akong natauhan.

"Ahh, Madam paano na po si Sir Stephen? Wala na pong mag-aalaga sa kanya," tanong ko kay madam.

"Dont worry about me. See i can stand alone na, with this saklay. Hindi na ako mahihirapan masyado," napalingon naman ako kay Sir Stephen nong nagsalita siya.

"Napa enroll na naman kita iha. At yung kinuha kong schedule mo ay panghapon lang. Para sa umaga ay maaalagaan mo pa si Stephen," nakangiting paliwag ni madam.

"Madam, sobrang -sobrang tulong na po ito sa akin. Maraming salamat po sa inyo," Naluluha kung sabi.

Sabay na kami lumabas ng library ni Sir Stephen at dumeretso kami sa garden. Pina-upo ko muna siya silya at nagpaalam.

"Sir dito lang po muna kayo ha, Ipaghahanda ko po kayo ng breakfast," Nakangiti kong sabi sa kanya.

Tinanguan niya lang ako bilang sagot.

~~~~~~~~~~~~~~

STEPHEN POV.


Parang hinaplos naman ang puso ko ng makitang masaya kanina si Kylie dahil sa scholarship na natanggap niya. It was my idea. Kinausap ko sina mommy tungkol doon. At nagpapasalamat naman ako na pumayag sila. I want her to stay here. I want her to stay with me kahit na makalakad ako. Kaya gumawa ako ng paraan para magstay pa siya dito. I think that scholarship is the way para magstay siya.

Napalingon naman ako sa likod ko nong may narinig ako na parang nag huhumm.

Si Kylie pala na nakangiti at nag huhumm habang naglalakad papunta sa akin.

"Mukhang ang saya natin ah," nakangiting tanong ko sa kanya.

"Syempre naman sir, Pangarap ko kaya maka pag-aral sa isang sikat na unersidad," Nakangiting sabi niya.

MAID IN MANILA ( Completed ) UNDER EDITINGWhere stories live. Discover now