Chapter 16

8.5K 291 21
                                    

KYLIE POV.

Tapos na ang Final exam namin para sa first semester. So ibig sabihin bakasyon na. May tatlong linggo akong bakasyon bago magsimula ang 2nd half ng semester. At naging full time taga alaga parin ako ni Sir kahit na nakakalakad na siya. Akala ko nga nong una ay mawawalan na ako ng trabaho. Kaso kinausap naman ako ni madam Zette na tungkol doon sa pag-aalaga ko kay sir.

Nandito ako ngayon sa kwarto namin. Nakatitig sa isang box na may laman na gown at may isang pares din na high heels, Bakit pa kasi ako sasama sa party na yun!

Flashback

"Iha maupo ka," sabi ni madam Zette pagpasok ko sa library.

"Thank you po madam, Bakit niyo po pala ako pinatawag?"

"Diba magsisimula na ang 2nd semester niyo at kailangan niyong mag OJT sa isang company. Kaya pinatawag kita para sabihin sayo na sa Dela Torre Corp. Na mag OJT kasi scholar ka narin naman ng company, mas mabuti na din na doon ka mag practice ng course mo," nakangiti niyang sabi.

" Talaga po madam? Naku maraming salamat po madam," excited ko na sabi.

"At regarding nga pala doon sa pag aalaga mo kay Stephen ay tuloy parin yun, hindi na bilang taga alaga kundi bilang personal assistant niya."

"Po? Sigurado po ba kayo doon madam.? Sobra sobra na po ang naitulong ninyo sa akin."

"Naku iha kami dapat ang magpasalamat sayo kasi kung hindi ka dumating sa buhay namin lalo na kay Stephen ay siguro hanggang ngayon ay naka upo parin siya sa wheelchair niya."

"Madam maraming salamat talaga madam sa naitulong niyo sa akin."

Hindi parin ako makapaniwala na nangyayari sa akin ito. Kahit sa panaginip dati ay hindi ko ito na iisip.

Nabigla naman ako ng may kinuhang box si madam at binigay niya ito sa akin.

"Here iha, I want you to wear this tommorow."

"Ano po ito madam?" Takang tanong ko.

"Open it."

Nanlaki naman ang mata ko sa nakita ko. Its a black tube cocktail dress at meron mga glitters na kumikinang at my kasama pang highheels na kulay itim din.

"Para saan to madam? " nagtatakang tanong ko.

"Tommorow is a yearly Annual celebration for the company and i want you to be there. And tommorow ay ipakilala na si Stephen para etake over ang company namin. Matanda na kami ni Rafael and this is the right time para ipasa kay Stephen ang company. Total fully recoverd narin siya. "

"Bakit po madam kailangan pa akong sumama"?

'"Stephen personally requested you to be his personal assistant. At dapat lang na nandoon ka bukas. Total sa company kana man mag O-OJT diba? "

Natahimik na lang ako dahil sa sinabi ni madam.

END OF FLASHBACK

Hindi naman sa hindi ako marunong mag suot ng high heels. Pero kinakabahan talaga ako. Baka matapilok ako nito.

Ahh bahala na.

~~~~~~~~~~~~~~~

DES POV.

Yehey thank you author at nagka PoV DIN ako..Hehehhee

By the way sa mga hindi pa nakakakilala sa akin. Ako nga pala ang dakilang bestfriend ni Kylie.

MAID IN MANILA ( Completed ) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon