Chapter 25

8.3K 255 11
                                    


Third person Pov

Hindi sa lahat ng oras masaya ka dapat.  Darating at darating din ang ara na malulungkot ka.

Habang papasok sina Kylie at Stephen sa loob ng bahay nila.  Hindi maiwasan ni Kylie na hindi kabahan.  Ayaw niya talaga na nag aalala ang mga magulang niya. 

"Kylie anak may sasabihin kaba sa amin? " seryosong tanong ng papa niya.

"Pa sorry po.  Sorry po talaga." Umiiyak niyang sabi

"Anak bakit ka nagsosorry?  Dahil nagkaroon ka ng boyfriend at hindi mo sinabi sa akin? " tanong naman ng mama niya.

"Hindi po yun ma. Alam ko naman na hindi kayo magagalit pagnagka boyfriend ako. " naiiyak parin siya

"Bakit ka nagsosorry anak?  Sa anong dahilan? " tanong din ng papa niya.

Huminga muna ng malalamin si Kylie bago nagsalita.

"Ma,  Pa so-sorry.  Sorry kasi sana noon pa ginawa ko na yung sinasabi niyo na magpa check up ako. " umiiyak niyang sabi.

"Anong ibig mong sabihin anak? " kinakabahang tanong ng mama niya.

" Ma my Brain aneurysm ako. At malala na daw ito.  30% lang yang chances na makaka recover ka sa operation. "

Nagulat naman ang mga magulang niya sa sinabi niya. Dahan dahan namang lumapit sa kanya ang mama niya at niyakap siya.  Habang ang papa niya ay napaapo na lang sa sofa dahil nanlambot ito sa narinig niya.

"Anak.  Bakit ngayon mo lang sinabi sa amin na may sakit ka pala." Hagulgol ng mama niya

"So-sorry po-po ma. " nitong buwan ko lang din nalaman dahil nahimatay ako sa school. "

"What?  Kylie bakit hindi mo sinabi sa akin na ganoon na pala ang nagyari sayo?  Para na mang wala akong kwentang boyfriend sayo. " sabat naman ni Stephen.

Hinarap siya ni Kylie at hinawakan niya ang kamay ng binata.

"Ito ang dahilan kung bakit ayaw kung malaman nyo.  Ayoko na masaktan kayo dahil sa kalagayan ko. " tiningnan niya isa isa ang magulang niya at si Stephen

"Sorry talaga kung hindi ko nasabi sa inyo. " umiiyak niya paring sabi

Hindi lingid sa kaalaman nila na ang dalawang kapatid niya ay nakikinig sa kwarto at umiiyak.

"Ate mamamatay ba si ate Kylie? " tanong ni banban na umiiyak

"Ano kaba.  Wag ka ngang magsabi ng ganyan. Hindi mamamatay si ate. Matapang at malakas kaya yan. " naluluha ding sabi ni Lenie.

Nabalot ng kalungkutan ang pamamahay ng pamilya Castillo dahil sa nalaman nilang sakit ni Kylie.

Nakiusap naman si Kylie na tataposin niya muna ang bakasyon ya dito sa probinsiya.

"Steph pwede kanang mauuna sa maynila. Susunod na lang ako. Gusto ko kasing sulitin ang bakasyon ko dito.  Baka hindi na maulit ito. " nakangiti niyang sabi.

Kasalukuyan silang naglalakad sa Lagoon park at namamasyal.

"Dont say that Ky madami patayong mapupuntahan na lugar para magbakasyon. " sagot ni Stephen

" Sa tingin mo Steph magiging successful ba ang operation? "

"Ofcourse yes. I will look for the best doctor to make sure na magiging successful ang operation mo."

"Sana nga. Handa naman ako sa mangyayari eh." Malungkot niyang sabi. Hinawakan naman ni Stephen ang kamay niya ng mahigpit.

"Ky i will stay with you no matter what. Ibabalik ko lahat sayo ang pag aalaga mo dati sa akin. This is my time now to take care of you." Nakangiti niyang sabi at hinalikan si Kylie sa noo.

"Thank you and i love you Stephem Dela Torre."

"I love you more Kylie Castillo."

~~~~~~~~~~~~

Habang sa Maynila naman ay nag mumukmok si Dessa sa apartment niya dahil hanggang ngayon ay wala parin siyang balita kay Kylie at Stephen. Bago kasi umalis si Stephen ay kinausap niya muna ito.

Flashback

"Im sorry kung ano man yung nasabi ko sayo Steph" panimula ni Dessa.

"Its ok Des I understand what you feel at napaka swerte ni Kylie at ikaw ang naging bestfriend niya."

"Salamat! At may pabor sana ako sayo."

"Spill it"

"Gusto ko sana na kumpinsihin mo si Kulie na magpa opera siya. Nagdadalawang isip kasi yun kung itutuloy niya o hindi ang operation."

"Kahit hindi mo sabihin yan ay gagawin ko parin yan Des. I dont want to lose her. Never again."

END OF FLASHBACK

Nagulat naman si Dessa dahil bigla namang tumunog ang doorbell niya. Pag bukas niya at bigla noyang naisira ang pintoan

"Shit bakit nandito si Felix? Ang aga aga..hapon ba to?" Bulong ni Dessa sa sarili.

Habang dali dali siyang pumasok sa banyo at naghilamos siya agad. Nagpalit din siya ng short dahil  naka pajama pa ito.

Iniligpit niya muna ang mga plastic ng chips na kinain niya kagabi..

"Shit naman na malagkit oh. Hindi pa ako nakapaglinis ng bahay."

Nang makita niyang mukhang maayos na ay binuksan niya na ang pintuan. At nandoon parin ang binata.

"Good morning Des." Bati no Felix sabay bigay ng bulaklak na dala niya

"Good morning din. Nag abala kapa." Sabay abot ng bulaklak

"Pasok ka. Kumain kna ba? Gusto mo kape? Juice? Tea?" Sunod sunod niyang tanong.

"Water will do." Sagot ng binata

Dali dali namang kumuha si Dessa ng tubig at binigay ito kay Felix at umupo nadin siya sa sofa.

" Bakit ang aga mo naman ata ngayon? Hindi ka naman hapon diba?"

"No im not" natatawang sagot ni Felix.

"Eh bakit ang aga mo?"

" i have 2 reason kung bakit ako pumunta dito."

"At ano namn yun? "

"First teason is Ofcourse i want to see you. " nakangting sa ni Felix

"Tsk ang agang bolahan to ah.,  oh ano ang pangalawa.? "

" Second is tumawag si Stephen sa akin ay sinabi niya na ok na sila ni Kylie and after a week ay uuwi na sila. "

"Talaga?  Babalik si bestie dito. " napapalakpak niya pang sabi.

"Yes and he said also that Kylie will take the operation. "

"Thank you Lord at tinupad niyo ang dasal ko na magpa opera si Kylie. " umiiyak niyang sabi

Nilapitan naman siya ni Felix at niyakap. Habang siya ay umiiyak. 

"Dont worry Des. Everythinng will be ok.  Kilala mo naman siguro si Kylie. Matapang at malakas yun tulad mo.  Pero mas malala lang yung utak mo. " natatawang sabi ni Felix.

Tinulak naman siya ni Dessa nang bahagya at sinigiwan.

"Tyansing kana Felix ha. "

"Gusto mo namn eh.  Kunwari kapa. "Nataawang sabi niya

"Eh kung palayasin kaya kita dito sa apartment ko? " pagtataray niya

"Joke lang Des. Ito hindi na mabiro. " tumayo ito at pumunta sa kusina.

"Ipagluluto na lang kita ng bteakfast mo my future girlfriend. "

Namula naman ang pisngi ni Dessa kaya napayuko siya.

"Bahala ka dyan. Maliligo lang ako " sabi niya kay Felix at hindi niya na hinintay pa ito na sumagot ay tumalikod na siya at patakbong pumasok sa kwarto niya.

Napapailing na lang si Felix dahil sa katarayan ni Dessa.

@arlkieyblack

Please like,  follow and comment

Thank you. 😊

MAID IN MANILA ( Completed ) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon