Chapter 30

41 3 0
                                    

Hope you like this...🥰 10 chapters nalang💞

KUNOT NOO na nakatingin si Nicole mula sa kanyang kwarto ng makita niya ang kanyang butler na si Mr. Bean na naglalabas na naman ng kanyang kumot at punda. Nasa edad 30 palang ito ng manilbihan sa kanya, kakatrabaho lamang nito noong dumating siya sa kanyang hacienda. Kailangan niya na rin kasing bumalik sa lupang iniwan sa kanya ng Lola niya kaya wala na siyang panahon upang magpaalam pa sa kanyang mga kakilala sa manila.

Speaking of him, she was surprised from the first. Para kasi itong kabute na nagpakita lang sa kanya at nag-anunsyo na trabaho niyang pangalagaan ang dalaga ng makarating siya sa hacienda. Nang tanungin niya naman ang kanyang ama doon ay sinabi nitong kailangan niya daw ng taong mag-aalaga sa kanya habang nagpapagaling kaya wala rin siyang nagawa. Kahit na gusto niya itong paalisin parang kargo di konsensya na rin iyon para sa kanya dahil nagtatrabaho lang naman ito dahil sa utos ng kanyang ama.

Nasa 30 palang ito ngunit napakamaskulado ng kanyang butler para hindi mapansin ng kaniyang kasambahay kaya minsan ay hindi niya maiwasan na mapaisip na baka may girlfriend na itong naiwan dahil lang sa kanyang ama. Mahirap ang LDRS lalo na kung gwapo ang nobyo o nobya kaya ng tanungin ni Nicole kung may nobya itong naiwan dahil lang sa ama niya ay laking gulat niya ng sabihin nitong NGSB ito. Fling lang daw at hanggang doon lang. Noong una hindi talaga siya naniwala kasi napakagwapong nilalang ito at mukhang nasa ikalawa ang kagandahang lalaki nito sa kanyang Kuya Carlos kaya masyadong hindi kapani-kapaniwala.

"Mr. Bean, anong color of the day?"tanong ni Nicole sabay kuha ng tea cup niya mula sa coffee table habang nakatingin sa labas ng veranda. Malaki kasi ang kanyang kwarto at sa loob niyon ay may veranda siya kung saan nakikita niya ang buong hardin ng kanyang Lola na namayapa.

"Blue, Young Lady." tipid nitong sagot sa kanya

"Okay." Napaigik naman si Nicole ng malasan niya ang tsa-a dahil sa sobrang pait nito at wala talaga siyang kaide- ideya kung bakit hanggang ngayon ay pinagtitiisan niya ang lasa niyon. "Ubos na ba ang stock natin at tsa-a na naman ang binigay mo sa akin?"

Umiling naman si Bean. "It's prescribed by the doctor, Young Lady."

"Cut the Young Lady thing. I don't really like it. Just call me Avril or anything you like, just don't use the formality when I'm here."aniya

Nanggaling kasi Bean sa London at tulad ng sabi nito sa kanya noong una ay trabaho nitong pagsilbihan siya dahil isang maimpluwensyang tao ang Varine. Malaki rin ang naging tulong ng mga Varine sa mga ninuno ni Bean kaya noong kinailangan ng mag-aalaga kay Nicole ay agad siyang nagprisenta bilang parte ng kanilang pamilya. Mayaman naman si Bean pero nasa responbilidad na nila na ang sinuman parte ng Varine na humingi ng pabor ay kanilang tutulungan sa kahit na anong paraan at patuloy na pagsisilbihan kahit na hindi gustuhin ng mga ito.

"Yes, My Lady"

Napatampal nalang ng ulo si Nicole ng hindi talaga naintindihan ni Bean ang kanyang ibig sabihin. Imbis na makipag-usap kay Bean tungkol sa pagtawag sa kanya ng gusto niya ay nagtanong nalang siya.

"Bean, may I ask you with something?"

"Yes, My Lady?"

Napairap nalang si Nicole. " If ever you make a choice what will you do?"tanong niya sabay lingon sa kanyang butler na napatigil sa pag-aayos ng kanyang wardrobe at napalingon sa kanya.

"Is that a question or a statement?"

"Just answer it, Dude."

"Should I answer it in tagalog or in english. Which would you prefer."tanong nitouli sa kanya.

Nicole rolled her eyes. " Forget it. Wala kang kwentang kausap. Ayusin mo nalang yang mga damit ko tapos bigyan mo ako ng cupcakes mamaya."

"What will I do if someone ask me to choose."aniya sabay tingin muli sa wardrobe. Bean sighed. "When I came here, I have the choice to stay and just give the responsibility to others."

Eyes On You Varine Series #2 under EditingWhere stories live. Discover now