Chapter 1

223 71 56
                                    

Hinihingal akong huminto mula sa pagtakbo sa malaking field ng GYM. Punong- puno na rin ako ng pawis pero hindi ko ma iyon pinapansin.

"Nic! Sandali lang"tawag sa akin ni Lynn na kasama ko ngayon sa pag-jugging.

"I told you not to follow, right"asik ko naman sa kanya. Maaga pa kasi akong nagising para magjugging kaso nakita ko ito sa labas ng condo ko at gusto niya daw makasama sa akin. Ewan ko ba kung bakit niya ako sinusundan o di kaya bakit siya laging nandoon sa paligid.

"E' friend naman"

Tiningnan ko naman siya ng masama dahil sa pagtawag niya sa akin ng ganun. "I don't know
you, we're not close and we're not friends"

Lagi akong kinukulit ng babaeng yun. Lagi niyang sinasabi na gusto niya makipag-kaibigan dahil lonely daw ako. That's a shit! I'm not lonely I just prefer being alone done having a bonding, chit- chat, blah-blah with other's.

Iniwan ko siyang nag-iisa doon at dumiretso na sa condo ko. Ang maganda sa pinili kong condo ay kompleto sila sa gamit at lugar. Katulad ng Gym na parang field sa laki. Meron ding swimming pool sa rooftop at bar doon din. May high security din sila at binibigyan nila ng privacy ang mga nandito. Isa rin sa mga kakilala ko ang may-ari nito.

Nang makapasok ako sa condo ko ay agad kong tinungo ang banyo para maligo at pagkatapos niyon ay nagsuot lang ako ng crop top tshirt habang nakadenim short. Ako lang naman ang nasa bahay kaya walang makakadikta kung ano ang gagamitin at susuotin ko.

Kinuha ko ang laptop at doon ko sa kusina binuksan iyon. May mga message na galing sa kapatid kong si Cris habang yung iba ay sa mga pinagtatrabuhan ko. At isa lang ang nakaagaw pansin sa akin.

Agad kong kinuha ang maong jacket ko sa upuan at sinuot yun. I drove my ducati as fast as I could. Wala namang nagpapatrol na pulis kaya ayos lang, kung meron man kausapin nalang nila si General.

Pagpasok na pagkapasok ko ay agad sumaludo sa akin ang mga pulis at iba pang nandito sa hallway. Kahit ganito ako manamit sa harap nila walang nagtatangkang lumapit sa akin o di kaya bastusin. Try lang nila, babakat sa kanila ang lahat ng bala sa baril ko. Lucky, I have my gun at my back. Also in my jacket.

"Agent Varine, how many times do I need to tell you that you should wear your proper uniform"bulalas sa akin ni Tandang Kabesa, siya ang namumuno sa Navy, Captain Ramirez. Ang isa sa mga pinapasakit ko ang ulo. Matanda na kasi kaya pikon at wala rin yang anak kaya ako lagi ang nakikita.

"It's not like I'm selling my body, right? So no need to worry. Mukha ka na ngang matanda mas lalo ka pang tatanda"sabi ko naman sa kanya. Pansin ko naman ang pagbakat ng mga ugat niya sa leeg.

"Umuwi ka at magpalit. Hindi mo pwedeng makita ang General ng ganyan. May mga nakatataas din na aattend ng meeting"aniya

Pumamewang naman ako sa harap niya. "Don't be so mean to me, Tanda. As if naman may ipapatalsik silang agent dahil lang sa damit. Alis na tayo. Urgent meeting yun dba"

"Ayoko talaga ang idea na gusto ka nilang ilagay sa mission na ito. Ipapahamak mo lang ang tao"

I just rolled my eye's on him. Para rin siyang si Papa. "You don't have to say that. Matagal ko ng ipinapahamak ang mga tao sa paligid ko kaya hindi nga ako magkaroon ng partner diba. Sino ba kumuha sa akin? Ikaw? Si second General na mukhang manyak o yung nakatataas? Nirerespeto kita, Tandang Kabesa pero dapat hindi mo ako minamaliit. I'm capable of doing it"sabi ko sa kanya sabay pasok sa meeting room.

Nakaupo ang limang pinuno namin kasama na doon ang NBI at PDEA. Nandoon din si General Corpuz na tiim bagang nakikipag-usap sa iba. Nang maramdaman nila ang presensiya ko ay agad akong sumaludo bilang paggalang sa nakatataas. Buti nalang wala dito ang bugnuting Second General na yun. Isa lang naman siya Lieutenant General makaasta kala mo prisedente.

Umupo ako sa pinakahuling upuan ng oblong na lamesa. Binuksan ng Chief ng PDEA ang monitor at lumabas doon ang mukha ng isang binata na nakauniporme ng business suit. Nagsalubong naman ang aking mata dahil sa aking nakita. Kung pagbabasihan ang itsura nito, nasa 18 o 19 palang siya. Sa tuwing may hinahawakan akong misyon tulad ng pagmamasid naawa lagi ako sa sarili ko dahil 24 na ako at wala pa rin love life. So what, naman. Mas flexible naman ang katawan ko at laging may dalang baril sa katawan.

"Good morning to all. We're having a urgent meeting about the case in Davao which a group of syndicate was trying to kidnap the daughter of Davao's mayor. Lucky, nasa malapit lang ang mga pulis at bantay sarado ang bata. Sumunod naman na kaso ay sa Visayas, ang grupong ito ay sinubukan din kunin ang anak ng isang milyonaryong lalaki at nanghingi ng ramsam. Naibalik ang bata ngunit hindi ganun kadali ang pinagdaanan nito dahil nagahasa siya at pinagbubugbog"ani ni NBI chief

Napakuyom naman ang palad ko ng marinig iyon. Madami na akong cases na nabasa at na-encounter na ganito pero hindi ko talaga lubos maisip kung paano nila iyon nagagawa sa walang muwang na bata. Dapat sa kanila ay pinapatay at sinusunog.

"May nakapagbigay ng tip na nandito sila sa Manila at may bagay na ninakaw ang batang ito"turo niya sa lalaking may blue eye's na mata.

Itinaas ko ang aking kamay at nagsitinginan naman sila sa akin. "Ano naman ang ninakaw niya na kailangan natin sumagawa ng urgent meeting? Pwede niyo naman itong sabihin sa PDEA lang"

"Agent Varine it's bec-"hindi ko siya pinatapos dahil nagsalita muli ako. "Agent 17 not Varine. Let's be professional here"

Ayoko sa lahat kapag naririnig ko ang Varine. Iniisip kong baka makalibing ako ng tao ng wala sa oras. But it won't happen if they obey me.

"Okay, Agent 17. I was just saying that he stole something from that syndicate. I don't know how, we don't know when. Pero napagkaalaman na sinusundan ito ng lalaking ito"pagkasabi niya ay pinindot niya ang button at sumunod naman ang isang litrato ng lalaking may bigote na may hiwa sa kanang mukha. Nakaitim ito at parang balisa na tumitingin.

Biglang kumabog ang puso ko ng makita ang litrato ng lalaking ito. Lumapis man ang sampung taon makikilala ko talaga ang mukhang yan. Demonyo yan, anak yan ni satanas at sisigaraduhin kong maipapakulong ko siya.

NBI chief continue again. "Kung saan magpunta ang binata ay nandoon din siya. Napag-alaman din namin na ang nakuha ng binata sa sindikato ay isang chip na naglalaman ng transaksyon nila at nakalipas na record natin na laging nawawala"

I raised my eyebrow as I looked at them. It feels like I know what will happen next. "And your saying that?"

"Isang anak ng bilyonaryo ang binata at nag-iisang anak lang siya ng mga De Luna. He is Rein De Luna, a college student. Age 19 and a spoiled kid. May mga kaso siya sa atin na pumupunta siya ng bar noong nasa high school palang ito"He said

Tumayo naman ang General at tumingin sa akin ng diretso. "Agent 17, this mission is trusting on you. You need to get that chip and protect that kid"aniya

"Are you saying that I'm going to babysit that kid?"

"As long as his safe. Chief Sam ikaw na ang bahalang magsabi sa kanya ng mga gagawin niya sa misyon"sabi niya sabay tayo at saludo sa lahat. Sumunod naman ang iba pang mga kasama namin sa loob hanggang sa maiwan kami ni Chief Sam.

May ibinigay siyang folder sa akin na naglalaman ng information tungkol sa bughaw na mata. Kung tutuusin gwapo naman siya kaso naiinis ako sa mata niya, gusto kong dukutin ng wala sa oras.

"Katulad ng sabi nila. Kailangan natin bantayan ang batang yan sa litrato at para magawa iyon tutulungan ka ni PO1 Cadiz, Harl. Mula sa Davao"pag-uumpisa niya.

Pinaningkitan ko naman ng mata ang lalaki na nakauniporme ng isang pulis. Matangkad siya at may itsura pero mukhang mas bata ito sa akin. "Anong edad mo?"

"26 po"aniya na nakasaludo pa rin.

Ow! Mas bata ako. "Kilala mo ba ako?"sabay taas ng kilay ko

"Agent Avril Nicole Varine. Ex Military surgeon. And now Agent 17 are so called for you"

"Pangalan?"

"PO1 Harl Cadiz, at your service"

Nakakapagod pa rin palang magsalita kapag tumagal ang usapan. Tiningnan ko ulit si Chief Sam at tinitigan na dapat niyang ipagpatuloy.

"At ito ang naisip namin na plano para mabantayan mo ng maayos ang binata"

@naokoalliv

Eyes On You Varine Series #2 under EditingWhere stories live. Discover now