Chapter 17

75 34 0
                                    

REIN shooked his head as the sun kissing his face. Sabado at walang pasok sila ngayon kaya mas lalo niya pang itinago ang mukha sa unan niya.

But speaking of saturday. Hindi niya malaman kung saan babaling ng tingin at pwesto upang makatulog ulit. Masakit pa ang ulo niya mula sa hangover at may kung sino ang nag-iingay mula sa kabila ng kanyang kwarto.

Tumayo si Rein mula sa pagkakahiga at hindi na alintana ang topless niyang katawan. Kumuha siya ng isang unan at niyak iyon na parang isang bata na kakagising lang. Nang makarating siya sa harap ng kwarto ni Maria ay agad siyang kumatok at pipikit pikit na hinintay magbukas ang tao sa loob. Hindi agad yun binuksan kaya kumatok ulit siya kaya napakamot nalang siya ng ulo at padabog na kinatok ulit yun.

"Maria! Hinaan mo naman ang sound, please. Gusto ko pa matulog"pagmamakaawa niya kay Maria sa loob.

Ngunit tulad kanina ay hindi siya nito pinagbuksan at dahil naiinis na talaga siya sa ginagawa ng dalaga ay kinuha niya ang duplicate key mula sa kwarto niya at muling hinarap ang pintuan ng kwarto ni Maria. Halos magulantang naman siya sa loob ng kwarto nito dahil sa sobrang kalat nito at wala lahat sa ayos ang mga gamit.

Bumungad sa kanya si Maria na may hawak na board at natshirt pair with pajama pants lang ito. "Anong nangyari sa kwarto mo?"tanong niya

Tumalikod si Maria at tiningnan ng mabuti ang kwarto niya. "Wala namang nangyari. May hinahanap kasi ako kaya ganyan. Alam mo may naisip akong laro"

Tiim baga niya naman itong tinitigan. "Pwede ayusin mo muna ang kalat mo bago maglaro?"

"Na! Ah! Ah! Maglalaro tayo at ikaw ang human tester ko sa larong ito"ngingisi ngisi nitong saad.

Wala namang nagawa si Rein ng hilain na siya ni Maria mula sa kwarto niya at inilapag ang isang skateboard na tinanggalan ng gulong. Inilapag iyon ni Maria sa hagdanan at pinaupo siya doon.

"I don't think na maganda ito, Maria"sabi ko sa kanya habang inaayos ko ang pagkakaupo sa board. Halos matumba naman siya  sa kaba ng umupo siya sa likod niya kaya pareho na silang nakaupo ngayon sa board. "Maria, ano ba wag ka dyan"natataranta niyang ani kay Maria. Pakiramdam niya kasi ay masisira ang board sa oras na gumalaw pa sila.

"Wag ka ngang bakla. Minsan lang ako maglaro kaya makisama ka kung ayaw mong masaktan. Kapag sinabi kong itaas ang paa, TAAS!"sigaw nito sa kanya na ginawa naman niya agad.

Nakatingin siya ngayon sa ibaba ng hagdanan at mukhang hindi niya na alam kung saan babaling. Muli na naman siyang nataranta ng hawakan ni Maria ang magkabilang braso tapos sabay taas niyon sa ere. Kasabay ng pagtulak ni Maria sa board pababa ng hagdan ay ang pagsigaw at pagtili nila pababa. Mabilis lang ang pagkakaslide nila sa hagdan pero tawang tawa silang dalawa ng matapos iyon. Nakakangalay man sa pwet ang ginawa nila ay parang pansin niya ang enjoy sa mukha ng dalaga.

Muli siyang tumayo habang natatawa at inilahad ang palad kay Maria upang makatayo. Hindi naman tumanggi si Maria. "That was fun"anito sa kanya.

Hindi niya mapagkakaila na sobrang saya niyon. Kahit sandali lang ay masasabi niyang iyon ang pinakaunang ginawa niya iyon. Medyo strikto kasi ang kanyang ama sa ganito kaya hindi niya nasaya noon ang paglalaro ng mga bagay na ganito. Naalala niyang ganito rin maglaro sina Jin at Jack noon hindi lang talaga siya makasama dahil na rin sa utos ng kanyang ama.

"Isa pa!"yaya niya pero umiling ang dalaga at ibinaba ang hawak sa board sa gilid. Pinaglandas ng dalaga ang kanilang palad sabay hila nito sa kanya sa kusina.

"First of all, kain muna tayo. Mahalagang kumain bago maglaro"

Umupo ito sa lamesa habang kumukuha ng pagkain sa hapagkainan. Hindi naman alintana sa binata ang pagtataka. Masyadong kakaiba ang kinikilos ni Maria at hindi iyon normal. Magkaibigan sila, aaminin niya yan pero hindi pa niya kilala ang dalaga ng tuluyan. Masyado itong misteryoso sa kanyang ugali at gawi kaya paano niya ito makikilala. Kahit na nasa iisa silang bubong wala rin siyang makukuha dito. Ngayon niya lang talaga ito nakitang masaya sa maliit na bagay. Na parang ito ang una niyang beses na gawin iyon. Na parang pinagkaitan din siya ng pagkakataon para makapaglaro ng ganun sa loob ng mahabang panahon.

NANG matapos silang kumain ay inaya naman siya nito na maglaro sa may pool. Laking gulat nalang niya na may dalawang laruang boat doon at may nakalagay naman na finish line sa pinakadulo. Inilahad sa kanya ni Maria ang isang remote control at halos magsalubong ang kanyang kilay habang kinatitigan ang dalaga sa harap niya. Ibang iba talaga ito sa nakasama niya.

"Seriously? Maglalaro tayo nito, Maria? Your being weird you know"sabi niya sa dalaga pero namewang naman ito at isang ngiti ang sumilay sa mukha nito na ikinainis niya. Mukhang naghahamon.

"Nababahag na ba ang buntot mo, De Luna?"ngising tanong sa kanya nito.

Nakalipas ang ilang oras at nakailang laro rin sila ng mga oras na iyon at talong talo ang binata sa dalaga na ikinatatawa niya nalang. Ngayon lang siya napahiya sa dalaga dahil paulit ulit siya nitong nilampaso sa paglalaro ng pabilisan sa pagpapaandar ng laruang barko sa pool. May nilaro rin silang tumbang preso at hindi niya inakala na matatalo rin siya doon. Medyo patpatin man ang tingin niya kay Maria ay may tinatago din pala itong lakas sa kanya.

Inabot din sila ng hapon at ngayon ay nandito sila sa pool pa rin habang nakaupo. Nilalaro naman ni Maria ang tubig sa kanyang paa habang ganun din ang ginagawa ng niya sa tabi. He's wondering why she's acting like that.

Tinitigan niya ito habang nakapikit naman si Maria. Dinadama talaga nito ang tubig. At ganun din ang pagtitig niya dito.

"It's weird when we play like that"nawala ang katahimikan sa pagitan nila ng magsalita si Maria.

Mas kinatitigan niya ito at hindi naka-imik. Maraming nabubuong tanong sa kanyang isip ngunit maski isa doon ay walang lumalabas.

Yumuko si Maria at tiningnan ang pagpapagaspas niya ng paa sa tubig habang unti- unti itong humihina. "Alam mo, minsan lang ako pumuri ng tao at ang ama mo lang ang hinahangaan ko sa lahat ng nakilala kong dakilang mga bayani"nakapangalumbaba nitong sabi.

Nangunot naman ang kanyang noo. "Ha?"tanong niya

"You have a great dad. Ang swerte mo kay Sir Drick"

"Hindi kita maintindihan"

"Okay lang, wala namang nakakaintindi sa akin. Wala namang umiintindi sa akin. Puro lang sila utos. Utos dito, utos dyan. Napapagod rin naman ako pero iniisip ko noon na kung gagawin ko iyon ay may makukuha akong paghanga mula sa sarili kong ama"tila napapaos nitong sabi sa kanya.

Hinayaan niya naman itong magsalita kaya agad niyang nilapitan ang pwesto nito at tinapik tapik. "Nandito naman ako, Maria. Naiintindihan rin naman kita. Minsan ganyan din si Lolo sa akin"aniya

Wala man nakikitang luha sa mata ng dalaga ngunit dama niya ang bigat ng dinadala nito sa dibdib. Nalulungkot at pansin niya ang pagkainggit sa mata nito. Hindi niya alam kung ano pa ang sasabihin niya upang mapagaan ang loob ng dalaga ngunit wala siyang maisip kaya tumahimik nalang.

"May pangalan ako at wala sa pangalan ko ang masaktan dahil lang sa kulang ako para sa kanya. I have the rights to love and to be respected but all I got is-"hindi na niya natapos ang sasabihin ng sunggaban siya ni Rein ng isang mahigpit na yakap.

She didn't cry but she can't control herself from saying that she's not worth of everything.

Wala alam ang binata sa nangyayari kay Maria pero alam niyang dapat hindi ito umiiyak sa harap niya dahil ang kahinaan ng isang De Luna ay ang luha ng isang babae. Hinimas niya ang likod ni Maria at hinaplos haplos ang malambot nitong buhok sa likod. "I don't know what's happening but I just know that your worth everything you have now. Your worth to be love and respected. At kaya kong ibigay yun sayo"

@naokoalliv

Eyes On You Varine Series #2 under EditingWhere stories live. Discover now