Chapter 21

52 20 1
                                    

TAAS NOO tinahak ni Nicole ang opisina ng kanyang superior kasama si Rein habang inuna niya ng inuwi si Lynn sa condo nito. Habang tinatahak niya ang daan ay ang pagbungad sa kanya ng bawat saludo na mula sa kanyang mga nadadaanan.

Hindi naman maialis sa mukha ng binata ang pagtataka at paghanga sa dalaga dahil sa ipinakita nitong katapangan kanina. Kung pwede lang lumabas ang kaluluwa sa sobrang takot ay baka nangyari na yun sa kanya pero patuloy siyang napapabilib sa bawat galaw ng babaeng hindi niya kilala.

Ngayon niya napatunayan na hindi basta- basta babae ang kanyang nakilala. Isa itong Agent na may kakaibang kakayahan sa pikikipaglaban. Pero sa ibang parte ng isip niya ay bakit alam ng polisya ang tungkol sa chip na nakuha niya. Alam niyang may mga polisya noong araw na yun ngunit sa kanyang tahanan niya iyon napagkaalaman. Hindi kaya ay matagal na siyang sinusubaybayan ng mga ito mula sa malayo.

Pumasok sila sa isang silid at halos hindi maintindihan ng binata ang dapat na madama. Sobra siyang nagugulat ngayon sa kaniyang nakikita sapagkat ay nakaupo ngayon sa oblong na lamesa ang mga heneral.

Sumaludo si Nicole sa mga ito habang siya ay hindi malaman kung ano ang gagawin kaya nagtago nalang sa likod ng dalaga.

"Agent 17, reporting for duty"matikas na sabi ni Nicole sa harap ng mga nakatataas.

Itinuro naman ni General Corpuz ang mga bakanteng upuan. "You may sit now"anito.  Tumango naman si Nicole dito at umupo. Ginawa rin iyon ni Rein.

"Agent 17, proceed to your report"ani ni NBI chief Sam.

"We encountered the terrorists while ago but our target are not with them. Mr. De Luna is safe but the leader just escape."ani ni Nicole sa pormal nitong tono.

Gusto man mapamaang ni Rein sa ikinikilos ni Maria or should he say Nicole or whatsoever. May mga katanungan talaga sa kanyang isip na gusto niya ng masagot.

Itinaas niya ang kanyang kamay at ganun nalang ang gulat niya ng tumingin lahat sa kanya. Napalunok siya ng bigla sa sobrang kaba. "Pwede niyo bang ipaliwanag sa akin ang nangyayari?"tanong niya sa mga ito pero bago pa makasagot ang isa sa mga ito ay tumayo bigla ang heneral.

Kinausap siya ng sekretarya at tumango lang. Muli nitong ibinaling sa dalawa ang kanyang tingin at nagsalita. "Dismiss"command nito sa kanilang lahat.

Umugong naman ang bulong bulungan ng hindi na sila nakasalute dito dahil agad na itong lumabas paalis ng silid. Napasandal naman sa swivel chair si Nicole at kinatitigan ang binata na nakatitig din sa kanya.

"Anong tinitingin- tingin?"maangas niyang tanong kay Rein.

Papikit pikit naman si Rein habang tinitingnan pa rin si Nicole. "Sino ka ba talaga?"tanong niya

Umikot naman ang mata nito sa kanya. Magsasalita pa sana siya ng isang lalaking may katangkaran ang lumapit sa kanilang gawi at tinawag si Nicole.

"Agent 17, nag-aalala ako sa ating mission"anito.

"At bakit ka naman nag-aalala? Para sabihin ko sayo. Kilala ko ang tumatawag doon at sigurado akong may kababalaghan na naman siyang gagawin."ani ni Nicole na ikinataka ni Rein.

Mas lalong gumugulo ang isip niya dahil sa inaasta ng dalaga sa kanyang harapan. "Hoy, hindi ka ba talaga sasagot?"naiiritang sabi ni Rein habang sinasamaan niya ng tingin ng dalaga pero tulad kanina ay iniikot lang nito ang mata kasabay ng pag-ikot ng upuan patalikod.

Sisipain niya na sana ang upuan ng hilain ni Cadiz ang kanyang upuan papalayo sa partner. "Kung ako sayo, hindi ko yan gagawin sa kanya."pagbabanta niya na may dalang biro.

Sinungitan naman ni Rein ito. "At sino ka naman? Wag mong sabihin na isa ka ring agent?"

Ini-wave naman ni Cadiz ang kanyang kamay bilang pagtutol sa sinabi ng binata sa kanya. "Hindi. Ako nga pala si PO1 Harl Cadiz, partner ni Avril Nicole Varine short called Agent 17"pagpapakilala niya dito.

"Varine?"

"Ang astig niya dba. Kahit ako hindi makapaniwala na isa siyang anak mayaman pero mas piniling maging agent kaysa magpatakbo ng kumpanya. Medyo mainitin - I mean mainit na talaga dugo niyan sayo at dahil wala na siyang dahilan para hindi ka saktan. Wag mo nalang gagalitin. Last time kasing ginalit ko siya ganit nangyari."sabay turo sa gilid ng mata na may itim pa sanhi ng pagsuntok ng malakas. "Wag na wag, bro"

UMUWI silang dalawa sa mansion na hindi nag-iimikan buong byahe. At agad naman na bumungad sa kanila ang mga guards na mula sa polisya.

Itinawag na ng mga nakatataas kay Nicole na magpapadala ito ng mga dagdag bantay sa Mansion ng mga De Luna at hindi naman siya umangal dahil kahit gustuhin man niyang tumanggi ay ang nakatataas pa rin ang masusunod.

Habang ang binatang De Luna ay kaunti palang ang nalalaman niya sa nangyayari at ang malinaw lang sa kanya ay ang paghahabol ng mga sindikato sa kanya. At hindi iyon sapat na eksplenasyon sa mga katanungan niya. Tulad nalang sa babaeng nasa harap niya na naglalakad pataas ng kwarto nito. Ang babaeng pinatuloy niya sa kanyang tahanan. Ang babaeng nagpaparamdam sa kanya ng kakaiba.

"Maria- I mean Agent 17"tawag ni Rein kay Nicole.

Huminto naman sa paglalakad si Nicole at hindi muna tumingin sa binata. Pero alam niyang madami itong katungan tungkol sa kanyang katauhan.

"Diba, ikaw si Maria at hindi isang Varine. Pwede mo bang sagutin yun? Nalilito na kasi ako"ani ni Rein.

Humarap si Nicole at napangiti ng pilit. "Isang patay na pagkatao lang ang Maria kaya hindi mo na kailangan pang malito"tipid niya lang na sagot.

Gusto man na magtanong ni Rein ng matino ngunit tila gagamitin ng dalaga ang pabalang na salita kaya nainis siya. Imposibleng maging isang agent ang anak ng isa sa pinakamalakas na tao sa mundo kaya sigurado siyang may plano pa itong iba tungkol sa kanila.

"Isa kang Varine."aniya sabay buga ng hangin. "Matagal mo na ba akong niloloko, Maria. Ay hindi, Avril? Nicole? Ano ba ang dapat na itawag ko sayo? Isa ka bang spy na ipinadala ng iyong ama? Kaya ka ba nandito hindi dahil sa may kinalaman ako sa sindikato, kundi dahil sa gusto niyong pagbagsakin kami? Umamin ka-"

Hindi na ni Nicole pinatapos si Rein sa pagsasalita imbis at nagtangis panga siya at kinatitigan ang binata sa kanyang harap. "Isa akong Varine. Ako si Avril Nicole Varine. Anak ng isa sa mga pinakamayamang tao sa bansa at lumayas ako sa poder niya. But I'm Varine without Fame. A Varine without elite group moving for me. I'm Avril  Nicole Varine not as elite but a secret agent. Moving and working because of orders from the top."taas noo niyang pagpapaliwanag. "At hindi ako nandito para nagtatrabaho dahil sa gusto ng aking ama. He's against it either. And maybe minute or a day. He will visit here and don't expect something that can catch your lovey dovey fathers love."

"Kung ganun ay bakit ka pa rin nandito sa harap ko. Bakit ka pa rin nagtatrabaho kung hindi ito naayun sa kagustuhan ng iyong ama."asik ni Rein. Hindi niya ibig na saktan ang propesyon ng dalaga ngunit ang isipin na isa siyang anak ng malakas na tao ang mas nagbibigay suspetsa sa kanya na baka pinadala ito. Posible yun dahil baka alam na talaga ng ama nito na may kinalaman siya sa sindikato kaya iprinesinta niya ang kanyang anak bilang espiya sa kanila.

"Yun ay dahil sa nangako ako sa taong may karapat dapat ng tungkulin ko."

@naokoalliv

Eyes On You Varine Series #2 under EditingWhere stories live. Discover now