Chapter 28

30 5 0
                                    


UNTI- UNTING binuksan ni Rein ang kanyang mata habang habol hininga niyang inaayos ang sarili dahil sa malamig na tubig na dumampo sa kanyang katawan. Bigla namang kumabog ang kanyang puso ng malaman ang kanyang sitwasyon ngayon. Nakaupo siya sa isang lumang upuan habang nakatali ang pareho niyang kamay sa likod nito pati na rin ang kanyang mga paa. Halos takpan naman ng tali ang kanyang katawan dahil sa dami ng pumulupot sa kanya na tila ba ay naniniguradong aabutin ng maraming minuto ang magtatangkang alisin yun.

Nagtataka niyang itinaas ang kanyang ulo kasabay niyon ang muling pagsaboy sa kanya ng isang baldeng tubig muli sa mukha. Paulit-ulit siyang napaubo dahil sa gulat ng gawin iyon sa kanya ng lalaki.

"Boss, gising na po siya." sabi ng lalaki sa kanyang likod.

Muling itinaas ni Rein ang kanyang ulo at galit na tinitigan ang lalaking lumabas mula sa dilim. Kahit na nasa loob pa sila ng isang madilim na lugar kung saan kakarampot lang ang ilaw ay hindi niya makakalimutan ang mukha ng taong humahabol sa kanya. Marami na siyang nakaaway noon pero sa lalaking nasa harap niya lang siya ganun nagalit ng katindi.

"Good morning, De Luna. How's sleeping? Hindi ka naman pihikan sa lugar diba?"bati ni Jonathan sa kanya. "How's my look? Do I look like an angel sent from above?" pabiro nitong tanong.

Nakasuot ngayon si Jonathan ng puting t-shirt at puti rin na pants na pinarisan din ng puting sapatos na parang isang anghel na nagmula sa ibabaw at pinadala sa baba. Ngunit para sa binata ay kahit ano pa ang suot nito hindi niyon matatakpan lahat ng ginawa nitong masama sa kanya pati na rin sa ibang tao.

"Anong kailangan mo sa akin? Kung iniisip mong nasa akin pa rin ang chip ay nagkakamali ka. Ibinigay ko na iyon sa mga pulis."matapang na sabi ni Rein kasabay ng pagtulo ng tubig mula sa kanyang buhok.

Natawa naman si Jonathan sa itinanong sa kanya ni Rein. "Kailan sayo? Nagkakamali ka yata binata. Sayo wala pero sa Varine, Oo."pamisteryoso nitong sabi.

Nawala naman sa mukha ni Rein ang ngisi sa inaakala na siya ang kailangan nito upang makuha ang chip. "Anong kailangan mo sa kanila? Akala ko ba kailangan mo ang chip. Nasa mga pulis na yun." sigaw niya kay Jonathan.

"Aanhin ko ang pipitsuging bagay na yun kung pwede namang i-self delete yun."

"Anong ibig mong sabihin?"gulong gulo na tanong ni Rein. Dahil wala na talaga siyang maintindihan pa sa mga pinagsasabi ni Jonathan sa kanya. Sigurado siyang may laman yun dahil bago niya iyun maibigay sa pulis o malaman ng mga pulis na nasa kanya iyon ay nakita na niya ang mga lamang files nito. At sobrang impossible ng sinabi nitong pwede itong mag-self delete.

"Kung iniisip mong mali ako ay wag ka ng mag-aksaya ng oras. Alam kong paparating na ang dalagang gustong gusto ko na talagang kitilin ang buhay maliban sa kanyang ama."

"Si Nicole? Anong gagawin niyo sa kanya?"nangangambang tanong ni Rein. Kung hindi ang chip ang pakay nila bakit nan nitong hahangadin na paslangin ang tulad ni Nicole, ang ama nito. Mas lalo siyang naguguluhan sa nangyayari at gusto niya itong sagutin ng lalaki ngunit bago niya pa maibuka muli ang kanyang bibig ay tinakpan na iyon ng panyo.

Pilit naman siyang nagpupumiglas ng ilagay iyon sa kanya. Hindi rin siya huminto sa paggalaw upang maalis ang tali sa kanyang katawan dahil gusto niyang balaan ang mahal niya. Na dapat itong hindi dumating dahil wala naman palang pakay ang mga ito sa kanya. Dahil ginagawa lang pala siyang pa-in upang magpunta ang dalaga sa kanilang kinaruruunan.

Pikit mata nalang siyang napasigaw ng tuluyan niya ng hindi nakita ang lalaki na nakausap niya at mas lalo pang nilukob ang kanyang dibdib ng kaba dahil sa maaaring mangyari kay Nicole. Hindi niya man maunawaan ang nangyayari, sa kung bakit gusto ni Jonathan patayin ang dalaga ay mas gugustuhin niya pang ialay ang kanyang buhay sa babaeng alam niyang hindi dapat mamatay para sa kanya.

Eyes On You Varine Series #2 under EditingWhere stories live. Discover now