Chapter 9

100 53 10
                                    

Napabalikwas nalang ang dalaga sa pagkakaupo sa rocking chair ng isang taong naglagay sa leeg niya ng yelo. Patalon- talon niyang kinapa kapa ang likod hanggang sa hindi niya na ito naabot kaya agad niyang hinubad ang t-shirt na suot at inihagis kay Rein na ngayon ay pulang- pula na dahil sa ginawa niya.

"Mag-suot ka nga ng damit, Maria. Para kang hindi babae"nahihiyang sabi ni Rein na halos hindi na makatingin sa kanya.

Inihagis naman ni Nicole ang kanyang tsinelas sa binata. "Are you kidding me? Ikaw pumasok dito tapos sisigawan mo akong magsuot ng t-shirt. Wag ka ngang bakla nakasando ako"naiinis naman na tugon ni Nicole sa binata.

Padabog naman nilisan ni Rein ang kwarto ni Nicole at halos kumulo naman ang dugo ng dalaga sa inis. Doon na nga siya sa rocking chair natulog para mabantayan ang labas ng mansion ito pa ang may ganang manggising sa kanya ng dis oras. At para pang bakla kung umalis ng kwarto.

Naiirita niyang tinungo ang banyo at nagligo kasabay ng pagbibihis. When she finished that, she called Charley and Cadiz. Charley is obeying her while Cadiz is still on his beauty sleep. Kung iisipin mas nagagawa ng partner niya ang mga gusto nito. Nakaupo lang naman yun at nagbabantay sa monitor.

Pagkalabas na pagkalabas niya ng kwarto ay nakasalubong niya si Rein na mukhang pababa na rin. Magkatabi lang ang kwarto nila kaya mas mapapadali ang trabaho.

"Kailan ka aalis ng mansion ko?"tanong ni Rein. Tinaasan naman siya ng kilay ni Nicole dahil sa tinanong niya.

Ano na naman kaya problema nito?

"Kapag namatay na ang demonyo"sarkasmo naman niyang tugon.

"Ako ba ang tinutukoy mo ha? Ikaw na nga ang nakikitira"naiirita naman na sabi ng binata. Natawa naman si Nicole sa reaksyon ng binata at halos umusok ang ilong nito.

"Chill! Wag ka ngang O.A para kang hindi bata sa pagkaseryoso mo. Okay, bro hindi ikaw yun at aalis ako kung kailan ko gusto"natatawa niya ani.

Rein grinned. "Bahala ka dyan sa buhay mo"anito sabay tayo at alis sa kanyang harapan. Hindi naman mawala ang ngisi sa mukha niya habang inaalala ang inis sa mukha ng binata.

Para siyang bumabalik sa pagkabata dahil sa pang-iinis biya rito. Masyado kasing seryoso ang binata kaya hindi madala sa birong usapan. May dalawa yata araw araw yun.

NAIINIS naman na tinahak ni Rein ang loob ng classroom nila at sumalubong naman agad sa kanya ang mga chismoso niyang mga kaibigan.

Lumapit ang mga ito at ngiting ngiti na nakatingin sa kanya. Sinamaan niya naman ang mga ito ng tingin dahil hindi niya nagugustuhan ang nasa mga isip nito.

"Morning bro, what's up? Mukha kang may dalaw ah"natatawang bati ni Jack kay Rein.

Umupo naman si Rein sa kanyang upuan malapit sa bintana at nagmiddle finger sa mga kaibigan.

"It's not funny!"aniya

"Oy, kanina may pumunta ditong lalaki hinahanap ka. Mukhang naghahamon"sabi ni Jack na hindi ikinainterisado ni Rein.

"Yung nasa architecture department?"usisang tanong ni Jin

"Yupp "tango naman ni Jack

"Diba siya yung naghamon rin sa atin na makipagracing noong nakaraan? May mga dumating pa ngang mga pulis niyon e"ani naman ni Fin.

Nabuhay bigla ang dugo ni Rein sa narinig niya. Totoong iyon ang lalaking nag-aya sa kanila noong nakaraan at sigurado siyang may kinalaman rin yun sa chip. He need to find out something. Nung mga nakaraang gabi kasi ay sinubukan niya itong ikabit sa computer niya pero may password na kailangan at wala siyang maintindihan sa mga nakasulat na naroon. Tila isang sinaunang mga sulat pero hindi niya matukoy kung anong lenggwahe.

Wala naman siyang mapagkatiwalaan sa mga kaibigan niya lalo na at baka mapahamak ang mga ito. Kaya wala pa rin siyang pinagsasabihan tungkol doon, maski ang mga aksidenteng muntik ng makapatay sa kanya at ilang death threat na natatanggap sa anonymous caller.

Natapos lang ang kanyang pag-iisip ng dumating na ang taong kinaiinisan niya. As always she wear a big weird tshirt printed with 'FIGHTING' and a long brown skirt. Nakataas naman ang pagkakatali ng kanyang buhok. Meron pa bang mas magweweird sa babaeng ito?

Minsan umaarte siya na parang walang alam pero kadalasan ay sobrang talino nito. Mainitin rin ngunit mamaya ay magbabago ang modo. It's weird for a girl to that.

NICOLE entered their room as the deadly gaze meet her. Nangunot na naman ang kilay nito ng makita niya ang mapanglait na tingin ng binata.

Should I puked his eyes? Kung nakakamatay lang ang tingin napatay ko na yan ng wala sa oras.

She waved her hand and greeted her so called 'friend'

"Maria, morning"bungad sa kanya ni Fin. Binati rin siya ng dalawa maliban doon sa lalaking may asul na mata.

Kung hindi lang talaga siya nahuhumaling sa mata ng binata baka nasapok niya na iyon sa mata.

"Anong meron? Ano pinag-uusapan niyo?"tanong niya sa kanila. Bago niya kasi mapansin yung tingin ni Rein ay pansin niya na may pinag-uusapan ang magkakaibigan bago siya dumating.

"Ah, pinaguusapan kasi namin ang tungkol sa hamon ng architecture department kay Rein"sagot ni Jack, napansin niya naman ang pagtingin ng sobrang sama ni Rein sa kaibigan. "Rein, what? Dapat dba i-share ko kay Maria pinaguusapan natin diba? Atsaka tropa na natin siya"

He gritted his teeth and look to Nicole with a deadly glare. "But it doesn't mean she need to know about it. She should mind her own business"

"Ang init talaga ng ulo mo. Maria, sasama ka ba?"hindi na pinansin ni Jack ang sinabi ni Rein dahil nagtanong na siya sa dalaga.

Nicole nodded as a reply then sat on her own sit. Nicole keeps wondering if she should come or should watch only. Maraming bumabagabag sa kanya ng mga oras na yun pero mas uunahin niya muna ang mission niya. Pagtapos niyon ay ang problema niya naman.

MATAPOS ang buong klase at magdadapit hapon na ng makaalis sila ng kanilang classroom. Inaya nila si Nicole na sumabay doon pero hindi pumayag si Rein sa gusto ng mga kaibigan. Kaya tiim baga lang si Nicole na nakaupo sa loob ng kotse ni Rein. Nasa backsit ito dahil may bitch na babae sa harapan niya.

Kanina niya pa napapansin ang kamay ng binata sa hita ng babaeng nasa harap niya at sobra na siyang naiirita sa nakikita. But she keeps reminding her self that she should control her temper, she should watch her move and she should think that she's Maria not Nicole. Plan should be a plan.

She sighed heavily when the car stop in a wide space place. Una siyang bumaba ng kotse at bumulong sa kabilang linya kung saan nakikinig si Cadiz. She told him that she should check the perimeter.

Nang makalabas na si Rein ay umalis na ang dalaga kasama niya kaya lumapit si Nicole dito at pinitik sa noo.

Rein groaned in pain. "Why did you do that?"

"What would you expect from me. Who watching how pervert you are in the back?"asik niya sa binata. She just couldn't beleive that he do that infront of her. Hindi man lang iniisip na naroon siya.

"Paki mo ba? Kotse ko yun at gagawin ko ang gusto ko. Wag ka ngang pakilamera"wika ni Rein kay Nicole.

Kunot noo naman tinitigan ni Nicole ang binata dahil sa inasta nito. Noong nakaraan may kasama itong babae at kahalikan pa talaga. Then in their room he also flirt there. Ilang babae na ba ang nakita niya minu-minuto na kasama nito. She can't even count. Should she really need to protect a guy like him? Mukhang salot naman ito sa lipunan.

Patalikod niyang inalis ang tingin sa binata at nagsalita. "If you can't respect a woman, no one will respect you too"

@naokoalliv

Eyes On You Varine Series #2 under EditingWhere stories live. Discover now