Chapter 18

69 31 0
                                    

Warning!

-mahina ako sa ganitong scene pero kakayanin 😂

😚💋

KINAGABIHAN ay may kahina hinala na namang tao ang nagmamasid sa mansion. Hindi niya batid kung saan basta dama niya iyon sa bawat paligid ng mansion. Hindi niya rin maiwasan na hindi mainis dahil dinagdagan ng mga opisyal ang mga taong nakapaligid sa mansion ng mga De Luna. Pinalitan ang mga lumang tagabantay at pinalitan ng mga agent in disguise.

Dahan dahan niyang tinahak ang kusina at tiningnan ang sitwasyon sa bawat nakabantay sa mansion. Hindi sa wala siyang tiwala pero mas mahihirapan silang mahuli ang lalaki kung alam nitong iba ang mukha ng mga taong nakapaligid sa binata.

Kahit magreklamo naman siya at maghinain sa ginawa nila. Hindi niya pwedeng suwayin iyon dahil ito na ang huling pagkakataon niya upang mapasama sa mission. She maybe a hardheaded and a bitch sometimes but her priority is to put that man in jail. At ang tanging makakatulong sa kanya ay ang binata. Ito lang at wala ng iba.

"Hindi ka pa ba inaantok, Maria?"tanong ni Rein sa kanya ng makita siya nitong sa kusina. Hindi naman naramdaman ni Nicole ang pagdating ng binata kaya tumango lang ito bilang sagot.

Tumingin naman siya sa binata at tinaasan ng kilay."Ikaw?"

"Hindi rin. Gusto ko sana pumunta ng Bar ngayon at-"

"Lumandi? Yeah! You always do that. Tatakas ka ba sa security ng dad mo?"tanong niya

Napangisi naman si Rein. "Sama ka?"

"No thanks. I need my goodnight sleep"

"Goodnight sleep tapos nandito ka? That's weird"anito

Nagtitigan naman sila at parang walang gustong mag-alis niyon kaya naisipan ni Nicole na lumapit sa binata at tingnan ng mabuti ang binata. Hindi naman agad nakaimik si Rein sa ginawa ni Nicole sa kanya pero halos mawala ang kaluluwa niya ng pitikin siya nito basta basta.

"Hey, what's that for?"asik ni Rein

Sinungitan naman siya ng dalaga dahil sa inasta nito sa kanya. "Anong what what? E' lasing ka. Matulog ka na nga baka masapak kita ng dis-oras e"

Magsasalita pa sana si Nicole ng ikulong siya ni Rein sa magkabilang bisig. Nasa likod niya ang kitchen table kaya madali siyang nakorner ng binata. Hindi naman niya alam kung saan dadaan dahil sobrang lapit ng katawan ng binata sa kanya.

"Kaya mo ba?"paghahamon nito sa kanya.

He's drunk, Nicole. You should push him. Pheodipile ang pagpatol sa bata at wag kang mag-iisip ng kung ano.

Sigaw ng isip niya. Pigil hininga niya naman kinatitigan ang binata dahil sa sobrang lapit na rin ng mukha nito sa kanya. Wala na siyang ibang magawa, natataranta ang isip niya kung anong gagawin. Usually, kapag ganito ang nangyayari sinasapak niya na ang tao pero iba ngayon. Ibang iba.

Rein leaned more closer his head to Nicole. "Who are you, Maria? Why you always act like that. That your a saint but when your with me, you totally change. Totoo ba ang pinapakita mo sa akin? Totoo bang ganyan ka? Lagi akong napapaisip kung ano ba talaga ang totoo mong ugali, yun ba ay ang medyo bitchy o yung tahimik ka lang at parang walang pakielam sa mundo. Sino ka ba sa dalawang yun?"

Biglang may kung anong bagay ang kumirot sa puso ni Nicole ng tanungin iyon ng binata. Gusto niyang mainis pero gusto niya rin magpaliwanag. Ngunit bakit niya yun gagawin? Her mission is to protect this man, not to tell him the truth and it really makes her confused. He's just drunk!

Iniiwas ni Nicole ang kanyang mukha sa binata at sumagot. "Ganun lang talaga ako atsaka mas komportable akong gumalaw ng ganun kapag ikaw ang kasama ko"

"Is that true?"

"Uhm...-"

"Look at me. Tell me that your true. That your not someone that will lie on me. Tell me that its you"Aniya

Hinawakan ni Rein ang kanyang baba at itinaas iyon upang magkasalubong ang kanilang mukha. Nicole stunned as she saw his blue eyes dazzling through the light outside. Nasa tapat kasi sila ng binta ng kusina at tumatagos doon ang liwanag ng kalangitan. She can see through his eyes the stars, the calm waves of the ocean and every clouds. Nakakahumaling ang ganda niyon at kahit hindi niya aminin ay unti- unting nahuhulog ang puso niya sa lalaking ito.

"You should sleep"iiwas niya na sana ang mukha niya pero halos mawala ang kaluluwa niya ng sumunod na ginawa ni Rein.

Her mind suddenly blocked. Her nerves didn't work anymore. Her heart suddenly pumped like it's about to exploded. And that's because of Rein.

Rein just kissed her gently, pero parang lahat ng lakas niya ay nawala. What happened? What just happened?

Unang pumasok sa isip niya ay dapat niya itong itulak pero masyadong malakas ang binata para maitulak lang iyon basta. Mas matanda siya kay Rein at maling gawin ito. Maling mali! Kahit nangangalay ang kanyang katawan sa sobrang pagkamanhid ay nakayanan niya parin na masuntok ang binata kasabay ng pagtulo ng mga sa kanyang mata at sabay takbo pabalik sa kwarto.

Isinara niya iyon at pinahid ang kanyang mga luha. Dahil sa ginawa ng binata ngayon niya lang napagtanto na naguumpisa na siyang malito sa mga kilos niya. Kilos na dapat gawan agad ng solusyon. Tumayo siya sa may veranda at doon niya napansin ang dahan dahang paglalakad ng isang lalaki na nakasuot ng itim na damit.

Walang pag-aalinlangan niyang inabot ang lubid sa gilid ng veranda kung saan ginagamit niya sa tuwing romurunda siya sa paligid ng mansion na hindi dumadaan sa pintuan. Sinundan niya lang ito hanggang sa may inilabas itong bote at posporo, kung hindi siya nagkakamali ay may susunugin ito kaya bago pa magawa iyon ng lalaki ay sinunggaban niya na ito ng malakas na suntok pero agad naman nakaiwas ang kalaban.

Nagtataka siyang napatingin sa lalaki dahil iba ito sa lalaking gusto niyang mahuli. May iba pa bang kalaban ang mga De Luna maliban sa sindikato? Anong gusto ng lalaking ito? Paano siya nakapasok sa mansion? Inside job?

"Sino ka?"tanong niya pero inihagis lang ng lalaki ang hawak niyang bote at posporo sabay takbo pero hindi pumayag si Nicole na makatakas ito kaya hinila nito ang kanyang damit at akmang susuntok ulit ngunit laking gulat niya ng hindi ito lumaban imbis ay mabilis nitong hinubad ang damit at tumakbo papalayo.

Gusto niya man itong habulin ngunit may isang bagay ang kanyang ipinagtataka. Bakit hindi ito lumaban gayun na mas malaki ang katawan nito sa kanya.

"Kailangan kong makausap si Sir Drick"

@naokoalliv

Eyes On You Varine Series #2 under EditingOnde as histórias ganham vida. Descobre agora