Chapter 12

84 46 3
                                    

NICOLE woke up with pain in her shoulder. Nagamot na iyon ni Rein ngunit nagsinungaling siyang mababaw lang ang tama niyon. Mukha naman walang alam ang binata sa sugat kaya mas mabuting wala siyang alam kaysa naman maghinala pa ito.

Pababa na siya ng kusina ng isang malakas na boses ng lalaki ang sumira ng katahimikan ng mansion. It's manly but scary voice. Mukhang nasa 50's palang ito at parang may pinapagalitan. Nang makababa na siya agad niyang nakita si Rein na nakatakip ang dalawang kamay sa tenga.

And that man, wearing a suit that standing infront of Rein is his Dad. Akala nito ay sa susunod na linggo pa ito babalik ngunit tila na paaga.

"How many times do I need to tell you that you should behave yourself? Rein. Your already nineteen yet you act like a kid"nagagalit na sabi nito kay Rein kaya naman matamang natawa naman ang dalaga sa likod ng pader.

She didn't know that Rein act like a 10 year old child while having his discipline speech from his Dad. Nakatakip lang talaga ang kamay nito sa tenga niya at parang walang planong alisin.

"Wala naman kasi akong kasalanan doon, Dad" pagtatangol ni Rein sa sarili.

Nicole took her phone from her pocket and make a shot for the most memorable day of her life. Pinindot niya ang recorder video at patakip na natatawa habang vinivideohan si Rein.

"Aba, sinasagot mo na ako ngayon? Sinong nagturo ng ganyan sayo?"

"Dad, naman e'. Ako na yung muntik mapatay doon, and Sy did that. Hinamon niya lang naman ako at hindi ako tumanggi. Sabi mo dapat may paninindigan ang mga De Luna, you told that"pangangatwiran pa nito.

Napailing nalang si Nicole sa tabi habang pinakikinggan ang kayabangan ng lalaking iyon.

"Then what's with this bullying? Si Sy rin ba ang may gawa niyon?"

Napaiwas naman ng tingin si Rein sa Daddy niya at tila nag-iisip ng dahilan. "Bully rin naman siya atsaka hindi ako pumapatol sa babae"

Hindi talaga mauubusan ng dahilan ang loko-loko' hindi makapaniwalang sabi ni Nicole sa sarili habang nakikinig pa din sa usapan ng mag-ama.

She suddenly feel pain from her heart while seeing it. He's Dad really cares for him. Siguro kaya umuwi ng maaga ang kanyang ama ay dahil sa nangyari noong nakaraang gabi. He's Dad has time for him and they are like more than a father and son. She can see a strong bond between them. Like a sibling? Bestfriend? Dude's? She really can't tell.

Nagpatuloy lang ang pagbabangayan ng dalawa kaya naisipan niya nalang na umalis doon pero halos mapatayo siya ng tuwid ng biglang may tumawag sa kanya.

"Ija, give me some water. Parang mauunahan ko si Papa na mamatay dahil sayo, Rein"anito sabay hilot sa noo habang nakaupo na sa single sofa.

Hindi naman nakaimik si Nicole sa pag-utos nito. Parang kusa na gumalaw ang katawan niya at ayun nga nandoon na siya ng kusina habang pinagkukuha ng tubig ang ama ni Rein. May mga katulong rin ang nagtaka pero sinabihan niya nalang ito na makisama nalang. Baka kasi hindi pa nasasabi ni Rein ang tungkol sa pagtira niya dito kaya habang hindi pa nakakapagpaliwanag si Rein ay hindi niya ito pangungunahan.

Nang maibigay niya ang tubig sa ama ni Rein ay isang nakakalokong ngiti ang sumalubong sa kanya. Iyon ang pinaka-iinisan niyang tingin na nakita niya sa binata. Malamang nagpi-pyesta ang utak nito sa katatawa dahil napagkamalan siyang katulong sa mansion nila. Pasalamat lang talaga ang binata at naroon ang ama niya dahil kung magkakaroon siya ng pagkakataon ay may isang malakas na sapak na siyang natanggap sa dalaga.

"Ija, bago ka ba dito?"tanong ng Ama ni Rein. Hindi agad siya nakasagot dahil pinagmasdan niya muna ang perpekto nitong mukha. Tila isang binata parin ito sa mata niya. Walang puting buhok at kulubot sa mukha, para lang itong nasa 30 or 40.

Eyes On You Varine Series #2 under EditingWhere stories live. Discover now