Chapter 14

87 45 0
                                    

HINDI malaman ni Nicole ang dapat gawin habang nakaupo at sabo-sabunot ang buhok. She can't find the chip, she didn't even know what it looks like. Ilang araw na ba siyang nandoon? 4 days? 5, no it's been week. It's been week and she can't still find it.

Isang linggo na rin siyang walang tulog. Umiidlip siya minsan pero nag-uumpisa na yun kapag 4 na ng umaga dahil may mga guards na nakatuka para maglibot- libot. At matatapos ang idlip niya ng 10-30 minutes lang.

Halata na sa mata niya ang itim nito. Peste, kasi yung binabatayan niya. Kung saan saan pumupunta kapag gabi. Hindi niya naman pwedeng iwan dahil nakabantay parin ang lalaking gustong kumuha ng chip.

Kapag naman malapit niya na itong makorner ay may sasagabal talaga sa mangyayari paghuli. Hindi niya alam kung masyado bang maswerte ang lalaki o kulang lang ang effort na nilalagay niya. Wala na siyang maisip ngayon na dapat gawin. Wala rin maitutulong sa kanya si Cadiz dahil wala itong alam sa actual combat at finding gamit. Sa computer at reporting lang yata alam niyon. Baka nga dahil lang doon at nakapasa siya.

Tumawag rin kanina ang superior niya at katulad ng mga nauna niyang cases ay parang mga atat. Sila kaya gumawa ng gusto nila. Kung hindi lang nila ipinagbawal ang pagsabi ng totoo sa binata ay sana madali niya ng nakuha ang chip. Madali lang naman sabihin na NASAAN. ANG. CHIP. IBIGAY MO NA. So simple!

"Oy, ate may problema ka ba at para ka ng papatay ng tao dyan?"

Nakabalik lang siya sa tamang wisyo ng magsalita ang nakababata niyang kapatid na si Cristine or Tine for short. "Wala ba silang fries?"

"It's a coffee shop, ate. Not a street shop"mataray naman na sagot nito sa kanya. Nicole rolled her eye's for that. She remembered that her sister is more bitcher than her. Hindi man ito suwail katulad niya, mas masama naman ang ugali nito sa iba.

Nandito sila ngayon sa Bubble Coffee shop kung saan tambayan nila noong mga bata sila kapag tumatakas sila sa bodyguards nila. Ganun pa rin naman ang itsura ng shop at wala itong ipinagbago maliban nalang sa mga kostumer na hindi na nila kilala at mga stuff.

"Why did you call me, anyway?"

"E' sino yung kasama mong lalaki noong nakaraan? I saw you at the bar last time."

"Wala ka ng paki doon"

"That's rude"

"Mas rude kung wala ka naman palang sasabihin sa akin at pinapunta mo ako dito. I have a job and your wasting my time"aniya na may halong inis sa boses. Bakit ba naman kasi siya nakipagkita dito pwede naman tumawag.

Tine sipped another cup of her cappuccino then a small envelope lay in the round table. Nicole raised her left eyebrow with what she saw.

"And thats for?"

"Money"

Ipinagkrus niya ang kanyang kamay sa dibdib. "And why your giving that thing to me?"

"Don't look at me like that. Mama told me your not using your monthly allowance at your bank account. Hindi mo yun ginagamit pero nadadagdagan naman at mas malaki pa sa normal na sweldo ng working student"

"Alam niya naman palang nadadagdagan ang pera ko sa account, bakit niya pa ako bibigyan ng pera? Sinasabi niya bang galing sa nakaw ang pera ng nilalagay ko doon?"aniya habang pinaninigkitan niya ng tingin si Tine. Tine rolled her eye's and sighed.

"E' saan mo nakukuha ang pera mo? Hindi mo ba alam na nagpadala na si Papa ng magpapaimbestiga sayo? Just tell us, kung saan mo kinukuha ang pera. We all know that your still studying at nursing, right"

She can't help to smirked with her sister. Alam nila nag-aaral pa rin siya ng nursing dahil 6 years ang ipinasa niya sa unibersidad, but it's just a trash paper. Sinabihan niya ang Lola nila na gusto niya lang kunin ay apat na taon pero dapat hindi iyon alam ng kaniyang Papa. Hindi naman naging mahirap yun kasi kaibigan ng Lola nila ang Dean.

"I won't take that, I won't tell anything to you, Tine. Kung saan ko nakukuha ang pera wala na sila doon. Wala ng paki si Papa doon. Nakalimutan niya bang naglayas ako. Pwede pakipaalala sa kanya"pabalang niyang sagot sa kapatid.

"He's still our father"

"No, he's no longer My Father"diin niya sa huling salita. Wala siyang magagawa ngayon lalo na at walang alam ang mga kapatid niya tungkol sa totoong nangyari. Ang alam lang nila ay siya ang masama at ang Papa nila ang tama.

"Bakit ba ayaw mong makinig, Ate. You always act like that. Ayaw mong pinapakailaman ka pero hindi mo iniisip ang taong nag-aalala sayo. Papa told me that your not staying at hacienda, not even in your condo. Umasta ka naman na matured, Ate"

Padabog niyang hinampas ang lamesa at nakuha niyon ang atensyon ng lahat. Kita naman sa mata ng kanyang kapatid ang gulat sa ginawa niya. Hindi niya na alam kung anong dapat pang sabihin kaya umalis nalang siya ng Coffee shop at iniwan doon ang kapatid niyang umiiyak.

Ganyan naman sila lagi. They always see the wrong with her. They always find the hole so they can judge and criticized her.

Napahinto siya sa paglalakad ng makita niya si Lynn na tila aligaga sa paglalakad. Palingon- lingon rin itong tumitingin sa daan. Nang mawala sa kanyang paningin si Lynn. Isang lalaking nakaitim naman ang lumabas sa kung saan nanggaling si Lynn. Agad siyang naghinala kaya hindi na siya nagdalawang isip na sundan yun.

Patago niyang sinusundan ang dalawa at maski ang lalaki ay napapatingin rin sa likod. Nang pumasok si Lynn sa isang eskinita na wala masyadong tao ay doon inilabas ng lalaki ang kanyang kutsilyo na nagmula sa bulsa ng jacket.

Patakbong pinuntahan niya si Lynn at sinipa ang nakaitim na lalaki upang makalayo sa kanyang kapitbahay.

"Miss, wag kang mangielam dito"asik ng lalaki sa kanya habang nanlilisik ang mga mata nito at medyo namumula rin ito.

"Nicole, bakit ka nandito?"tanong sa kanya ni Lynn na nanginginig na sa takot. Nakahawak rin ito sa kanyang braso kaya damang dama niya talaga ang panginginig nito.

"E' ikaw. Bakit ka naman dumadaan sa ganitong lugar. Alam mong sinusundan ka tapos dito ka pa talaga dumaan. Hindi ka ba nag-iisip"naiinis niyang sabi sa dalaga pero imbis na makatulong iyon ay tuluyan ng naiyak ang dalaga sa kanya.

Susugod na sana ang lalaki ng isang malakas na sipa sa dibdib ang ibinigay niya sa lalaki. Agad naman nakakuha ulit ng lakas ang lalaki kaya muli itong sumugod sa kanya. Iniwasan niya ang bawat pagsaksak nito sa kaniya at mukhang hindi naman ito napapagod sa ilang beses niyang pag-atake doon. Hindi nagtagal ay naglalaway na ito.

Doon niya lang napagtanto na nakadroga ang lalaki kaya wala itong alam sa kanyang ginagawa. Binalingan niya ng tingin si Lynn at sinigawan. "Tumawag ka ng puli at ambulansiya, bilis"

Muli na naman umatake ang lalaki sa kanya kaya hinawakan niya ito sa leeg habang nasa likod siya at buong pwersa na tinapik ang vital nerves nito sa batok upang mawalan ng malay sandali. Lumapit siya kay Lynn at hinawakan sa kamay.

"Hindi ka ba nasaktan? Hindi ka ba niya sinaktan?"natataranta niyang tanong.

Namangha naman si Lynn sa pinakitang katapangan ng dalagang gustong gusto niyang maging kaibigan mula pa noon. At mas lalo niya pang gustong maging kaibigan pa ito dahil sa nangyari ngayon. Alam niyang sobrang sungit at taray ni Nicole pero hindi niya aakalain na ganun pala siya mag-alala sa tao. Kahit na naging makulit at matigas ang ulo niya rito.

Dumating ang ambulansya at mga pulis doon. Hindi naman nakaiwas si Nicole sa mga pulis dahil isang lalaki naman ang nagpahanap sa kanya roon. Ang hindi niya inaasahan ay si Sir Drick ang nagpatawag sa kaniya.

@naokoalliv

Eyes On You Varine Series #2 under EditingWhere stories live. Discover now