Chapter 13

89 47 0
                                    

"Akala ko ba wala ka ng magulang?"nagtatakang tanong ni Rein sa kaniya.

Ang alam kasi nito ay patay na ang magulang niya pero part iyon ng disguise kaso medyo pumalpak siya sa paggawa ng rason.

"I don't have family and it's true. Ang tinuturing kong pamilya ay ang namayapa at hindi ang nabubuhay kaya tumahimik ka na"pagdadahilan niya.

Gusto pa sanang makausap ni Nicole si Sir Drick ngunit umalis rin ito dahil inalam lang pala nito kung anong nangyari nung gabing yun. Hindi daw siya magtatagal dahil may business pa siyang aasikasuhin sa Russia. He just visit Rein.

Napabuga nalang ng hangin si Nicole habang nilalaro ang tubig sa kanyang paa. Nasa swimming pool siya ngayon at medyo cloudy kaya masarap tumambay doon.

Para rin palang perpektong pamilya ang mga De Luna. Kahit na sobrang yaman nila, kahit mga bilyonaryo ito walang makakapantay sa pag-aalala nila kapag anak o kapamilya na ang pinag-uusapan. Yun palang ang nangyayari pero halos liparin na ng kanyang ama ang Russia pabalik ng pinas para pagalitan lang ang nag-iisang anak. At kung buhay rin ang ina ni Rein ito na yata ang magiging pinakamasayang pamilya na makikita niya. Rein have all thing's that he needed, sobra sobra pa nga. May pagkaseryoso man ang ama ni Rein pero ang pag-aalala ng isang ama ay damang dama niya sa kanila.

Nakakainggit!

Bago ito umalis kanina, he told something on her. Natawa nalang siya dahil akala nito ay anak mayaman siya which is true naman pero hindi siya nito nakilala. Wala naman talagang makakakilala sa kanya dahil hindi naman siya katulad ng mga kapatid niya na kilalang kilala lalo na at puro sila mga achiever. Ganun rin naman siya pinagkaiba lang ay walang paparrazi ang nakapaligid sa kanya.

Kung pagbabasihan ang kayamanan sa kayamanan masasabi niyang mas mayaman sila kaysa sa mga De Luna. Mas mayaman pa siya sa mga nakakasalumaha niya maski ang mga nasa gobyerno.

Varine family is the one of the most richest family in asia. May daan- daang lupa ang pag-aari ng mga Varine, maski private planes, hotels, company and even islands that assigned in different countries. At ang humahawak lang niyon ay ang kanyang Ama at nag-iisang kapatid ng kanyang ama. Kung tutuusin isa silang royalties pero hindi iyon ipinaalam ng kanilang ama noon pero nag-iba iyon dahil lang sa nangyaring yun.

Kung hindi lang siya siguro kasing hina ng pagong noon, siguro ibang iba siya ngayon. Ibang iba siya sa Nicole ngayon at noon. Maybe she's still sleeping in a queen size bed with a golden spoon on her mouth and luxury thing in her room.

"May inis ka ba sa pool namin at parang gusto mo ng alisin ang tubig dito?"biglang sabi ni Rein sa kung saan lang nanggaling.

"Umalis ka nga, wala akong ganang makisabay sayo"

"Weh? At kanino ka naman may ganang makisabay? Pero yung kanina totoo ba yung sinabi mo? Na naglayas ka?"

Napatingala si Nicole. "Ano ba ang nasa tingin mo ay totoo?"

"Mas iniisip kong naglayas ka talaga at nakitira ka sa pamilyang sinabi mong namayapa."

Napangisi naman siya dahil sa sagot nito. Nakalimutan niya wala palang nakakaalam kung sino ba talaga siya. Sino nga ba talaga si Avril Nicole Varine? Ang prinsesa ng pamilyang Varine o ang itinakwil ng pamilyang iyon?

"Edi yan ang paniwalaan mo"

Kinuha ni Rein kanyang cellphone sa bulsa at kinulikot iyon ng kamay niya sabay pakita ng isang picture kay Nicole na halos ikinasalubong ng mata niya. Akmang kukunin niya na ang cellphone ng binata ng itaas nito iyon.

"Walanghiya ka talaga, Rein. Kailan mo yan nakuha? Bastos ka pumasok ka sa kwarto ko?"nanlilisik na tanong niya sa binata habang nakapamewang ito na sobrang ikinainis niya. Hindi pa nga siya tapos magmoment dadagdagan pa ulit ng picture na yun. Isa lang naman yung picture na nakahiga sa kama habang tulo ang laway niyang natutulog sa kuha. She can't even remember when she sleep like that but it's rude when you stole a shot from a sleeping people.

"Ayoko nga, baka mabasa ito tapos hindi ko na magamit kung ibibigay ko sayo ito"natatawang sabi nito

Napangisi naman si Nicole sa sinabi ng binata. "Yeah, right and that's a good idea"

"What do you mean by that?"

"I'm not just a girl, De Luna. Marunong ka ba lumangoy?"ngising tanong niya. Napamaang naman si Rein dahil natanong niya yun sa kanya.

"If not, then I'll teach you"

NAPAATRAS si Rein ng mabasa niya ang nasa isip ng dalaga kaya patakbo niyang tatahakin sana ang papasok ng Mansion. Hindi na yun natuloy ng sunggaban siya ni Maria ng malakas na sipa sa likod na ikinasubsob niya sa rock tile sa gilid ng pool. Buti nalang ay hindi niya nabitawan ang cellphone.

Papaharap na sana siya kay Maria para patigilin ito ngunit isa namang sipa ang natanggap niya na naiwasana naman. Pagulong gulong niyang iniwasan ang bawat tapak ni Maria at ng makuntento ito ay tumayo na siya pero laking gulat niya nalang ng yakapin siya ni Maria sa harap kasabay ng pagtalon nilang dalawa.

Halos hindi siya agad nakagalaw sa impak ng pagkakatalon nila pero ng makabawi ng lakas ay iniahon niya agad ang kanyang ulo sa tubig. Habol hininga niyang iniahon ang sarili sa pool at sabay punas sa mukha. He can't believe that Maria was that strong. Para lang siyang manika na itinapon sa pool ng tumalon sila.

Bigla siyang natauhan at kinapa kapa ang sarili. Nang mapagtanto na wala doon ang cellphone niya ay agad siyang napatingin sa pool habang ngiting-ngiti siyang tinititigan ni Maria sa kabilang side ng pool.

Basang basa rin ito katulad niya pero hindi niya naiiwas ang kanyang tingin sa mukha nito. Kahit nasa malayo ang dalaga ay kitang kita niya ang ganda ng ngiti  nito.

He stole that picture from her when it sleep that night. After the accident. Hindi niya naman balak kumuha ng litrato kaso hindi niya napigilan ang kanyang sarili.

Noong una naiinis talaga ito sa dalaga sa katotohanan na baka gamitin lang siya nito para makaahon sa buhay. But day by day na nakakasama niya ito napapansin niya ang pagkakaiba ng isang mahirap sa tulad niya.

Maganda ang balat nito, may magandang mata rin, mahahaba ang pilik mata, ang buhok masyadong malambot, ang labi parang iniingatan at ang kilos minsan pino, minsan hindi. May alam rin ito sa mga alta-sosyalidad na ikinataka niya. Alam niyang sikat ang mga taong katulad niya pero imposibleng magkaroon ng accent si Maria sa ibat- ibang language.

Nang nagsasalita ang Prof nila into spanish accent, panay ang bulong ni Maria na mali iyon. Namali ang pagbigkas at pagkakalarawan ng mga yun. Halos sinabayan rin iyon ni Maria na halos marinig niya sa sobrang lakas. May alam rin siya sa hangul, kanji, french, and british.

Masyadong kataka taka yun sa isang mahirap pero hindi niya kilala ang dalaga at masyado talaga itong misteryoso.

"Sino ka ba talaga, Maria Manish"bulong niya sa sarili.

@naokoalliv

Eyes On You Varine Series #2 under EditingWhere stories live. Discover now