Chapter 16

92 39 0
                                    

MATAPOS niyon ay walang salita na lumabas sa bibig ng ama ni Rein. Gusto man nito tumutol sa planong paggamit nila sa kanyang anak upang mahuli ang mga sindikatong yun, he have no choice but to agree and make the best thing to do as his Dad.

Nag-iisang anak lang si Rein at siguradong hindi niya kakayanin na malawa ang nag-iisang anak nito. Mayaman sila ngunit bilang ama ay mas mahalaga sa kanya ang kaligtasan ng anak at bilang ama ay wala siyang magagawa kundi ipagkatiwala ang kaligtasan nito kay Nicole.

"Nagdadalawang isip po ba kayo? Pwede tayong bumalik doon at ipaalam kay General Corpuz na iba nalang ang magbabantay sa inyong anak"

Malakas na napabuga ng hangin si Mr. De Luna sa naging turan nito sa kanya. Hindi niya kilala si Nicole pero alam niyang may kaakibat na kapalit iyon sakaling ito naman ang malagay sa panganib. Malakas ang pamilyang kinabibilangan ng dalaga at kung sakaling malaman ng pamilya nito ang nangyari sa kanyang pagprotekta sa kanyang anak. Isang malaking gulo ang magaganap sa dalawang pamilya.

"Alam ba ito ng ama mo? Alam ba ng pamilya mo ang trabahong ito?"tanong niya

Bumaling naman si Nicole sa labas ng bintana ng kotse. "Hindi. At kailanman ay hindi"

"Sakaling manganib ang buhay ng anak ko kaya mo pa rin ba siyang iligtas kahit na mas mataas ka sa kanya?"tanong niya

"Tulad po ng sinabi ko wala sa pangalan ko ang pagligtas sa anak niyo. Nasa kakayahan ko iyon at wala sa kung sino at ano ako. Alam kong nag-aalangan kayo dahil isa akong anak ng nakatataas na tao pero wala sa akin ang pagiging katulad ng pamilya ko. Nabuhay akong wala sila, nabuhay akong hindi nila alam. Sakali man na malaman nila at malagay kayo sa panganib sa gagawing hakbang ng aking ama. Sinisigurado ko sa inyo, ako ang makakalaban ng sarili kong ama"matapang na sabi ni Nicole. Totoong kaya niya gawin iyon sakaling makielam ang kanyang ama.

Simula ng maglayas siya o kung pinalayas siya, kahit ano pa ang dinahilan ng kanyang ama sa pamilya wala na siya roon dahil hindi niya na hawak ang kanyang buhay.

"Ganyan din ba ang sinasabi mo sa mga taong binabantayan mo?"

Napangiti si Nicole dahil natanong nito iyon. "Hindi naman dahil ikaw ang unang tao na agad na nakaalam sa tunay kong pagkatao kahit sobra ko na iyon tinago. Kahit naman mangyari sa iba ang ganitong bagay, yung pagkakaalam mo sa kung sino ako ay magugulat talaga sila. But I'm Agent 17 and my job is to bring criminals to jail also to protect those person who in needed. Like innocent people"

"Napakaswerte pala ng iyong ama na meron kang tulad niya. Sa pagkakaalam ko ay puro kayo matatalino at ang panganay sa inyo ay isa ng ganap na doctor sa Europe. Ikaw ba, maliban sa pagiging agent. Naging ano ka?"

"Interview ba ito?"natatawa niyang tanong na ikinatawa naman ni Mr. De Luna.

"Maaari ba?"

"Kumuha ako ng nursing when I was in college, natapos ko naman at nakapagtrabaho ng ilang buwan lang. Isa rin akong ex-military surgeon. I used what I learned in college and that's how I enter the military. Nakilala ko si Captain at General kaya matapos niyon ay kinuha nila ako bilang agent"

"That's cool. I wish Rein achieve like those too"dismayado nitong sabi

"It's in the environment, Sir"

"My Rein is a stubborn child. Kaya mo ba siyang matagalan?"

"It's base. I'm a short temper person, wala akong inuurungan pero kung hihilingin mong wag ko siyang saktan o di kaya ay pangaralan. Buong galak kong susundin ang utos mo"

"Nah! You can do what ever you want. I just need my child safe"aniya

Binalingan niya ng tingin si Mr. De Luna at nginitian. "Rein is lucky. He have a great dad"

"You know what, I meet your Dad everytime we go at a business trip. Lagi niyang kasama ang iyong ina at bunso niyo. You have a lovely mom and sister. Maraming nagtatanong kung sino ang magmamana ng lahat ng meron kayo at tulad ko ay mahalaga sa akin ang tagapagmana. Alam mo ba ang sinabi niya ng tanungin ko siya kung sino ang mas pipiliin niya sa inyong magkakapatid"

Nicole started to get curious with that. Lima sila at alam niyang tapos na termo ng kanyang Kuya dahil naging isa na itong mahusay na doktor na may asawa at magiging tagatingin ng kalusugan ng bawat miyembro ng pamilya. Meron na itong responbilidad kaya sa kanilang lima ay tatlo nalang ang naiiwan bilang tagapagmana. Hindi naman siya interesado sa pamana. Wala naman siyang hinangad na ganun kalaki.

"He told me that, if he want a heir, marami siya nun. Mahalaga sa kanya ang kasiyahan ng bawat anak niya. Wala na siyang paki kung walang aako ng responsibilidad bilang kanyang tagapagmana dahil kasiyahan niyo ang kayamanan niya. You know what I mean, right"seryoso nitong sabi

Hindi naman mawala ang pagngisi ni Nicole dahil sa sinabi nito sa kanya. She know her dad more than anyone. Naranasan niya ng pahirapan ng kanyang ama at isang kasinungalingan ang kasiyahan na tinutukoy sa kanya. Maiintindihan niya kung sa mga kapatid niya iyon sasabihin dahil sa kanilang lima siya lang ang hindi nito itinuring na anak. Kung dadating man siya sa kanilang tahanan iyon ay tungkol sa kompanya o iba pa nitong kompanya na nasa ibang lugar. Okasyon o di kaya ay tulad ng pagpapakilala nito kung gaano sila kayaman. She knew that it was just a lie, dahil kung kasiyahan ang kayamanan nito. Hindi niya ilalagay sa alanganin ang kanyang Kuya na pakikipag-isang dibdib sa kasosyo. Hindi nito siya papalayasin sa isang pagkakamali.

"Then he lied to you"turan niya naman.

Idineretso ni Mr. De Luna ang kanyang tingin sa daan. Nasa backseat sila kaya ang driver ang nagmamaneho. "I'm also a father, Nicole. And every father wants the best for their child. Kung ano man ang naging kasalanan ng ama mo sayo. Sigurado na may malalim siyang dahilan."

"And my dad is different. It's true, na sinabi mong pareho kayong ama pero hindi kayo nagkapareho sa pagpapalaki sa anak"mas malalim niyang sabi. Sa bawat salita ay nilalagyan niya iyon ng napakalalim na dahilan na hindi niya kayang sabihin.

"Hindi naman ako naging perpektong ama katulad ng ama mo. Lagi kong naiiwan si Rein sa mansion kasama ang mga katulong at mga bantay minsan iniisip ko ay sana normal na buhay nalang ang meron kami upang mabantayan ko siya but I failed for being there with him. Alam kong gusto niya akong makasama sa bawat araw na hindi ko napupuna ang pagiging ama. Alam mo ba kung anong ginagawa ko para hindi magtampo ang batang yun?"

Napagkrus ng kamay si Nicole habang nag-iisip. "Umuuwi ka at kinakausap ito, like what you do last time and this time?"

"No, pumunta lang naman ako dito dahil may oras ako. Ang ginagawa ko ay palagi ko siyang pinapagalitan doon ko kasi nasasabi kung gaano ako nag-aalala sa tuwing wala ako. At katulad ko ay may ibang paraan ang ama mo para maparamdam ang pag-aalala sayo. Hindi mo man madama pero nag-aalala rin siya. Mahina ang mga tatay sa tuwing nakikita ang anak nilang umiiyak"

Doon lang napagtanto ni Nicole kung gaano talaga kaswerte si Rein sa pagkakaroon ng ganitong ama. Kanina niya pa ito pinupuri at mas lalo niya pa itong pinupuri dahil sa gitna ng pagiging busy sa trabaho napaparamdam pa rin nito ang pag-aalala sa anak. May dapat pa ba siyang sabihin maliban sa dakila ito at mapagmahal. Seryoso ngunit may puwang sa kanyang puso ang pag-aalala sa anak. Ano kaya ang pakiramdam na magkaroon ng ganun. Katulad ng pag-aalalang nakikita niya sa taong ito.

BUMABA sila sa mansion nito at nagsabi naman si Mr. De Luna na may hahabulin pa siyang flight papuntang Italy upang ayusin ang mga bagay bagay doon. Nangako naman si Nicole na aalagaan at poprotekhan niya ng buong puso ang anak nito. Wala siyang pagbabasihan na kahit ano dahil nararapat lang sa tulad niyang tao ang maging masaya at si Rein ang kasiyahan nito. Hindi niya man nakasama ng matagal ang taong iyon alam niyang walang makakapantay sa pagmamahal nito kay Rein.

@naokoalliv

Eyes On You Varine Series #2 under EditingNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ