Chapter 25

36 8 0
                                    

Napahimas ng sentido si Kristof ng marinig niya ang bawat iyak ng kanyang anak sa bisig ng ina. Bubuksan niya palang sana ang pinto upang kausapin ang anak ngunit ng marinig niyang nag-uusap ang mag-ina ay hindi niya na sinubukan pang buksan ito. Nakinig nalang siya ginawang pagpapaliwanag ng kanyang asawa na umiiyak na dahil sa tinig nitong pahinto-hinto.

Naririnig niya kung paano humingi ng tawad ang kanyang asawa sa anak nilang nawalay sa kanila ng halos sampung taon. Halos sampung taon niya rin hinayaan ang anak na mawalay sa kanila dahil sa katotohanang makasarili siya. Iniisip niya lang ang kanyang sarili ng mga oras na yun. Iniisip niya lang magiging anh kahihiyan na kakaharapin ng kanilang pamilya sa oras na lumabas ang nangyari.

Tama lang naman ang ginawa niya dahil patuloy na pinagbabantaan ni Jonathan si Nicole at hanggat nalalaman nitong pwede niyang magamit ang kanyang anak upang sirain ang kanilang pamilya ay doon na siya gumalaw. Alam ni Fe ang tungkol sa pagbabanta tungkol sa kanilang anak nasi Nicole ngunit ayaw nilang ipabatid iyon.

Masyado pang bata si Nicole ng mangyari iyon at maraming posiblidad na pwedeng mangyari sakaling nandoon pa rin siya sa poder nila.

Alam niya sa sarili na lumalakas lang ang loob ni Jonathan dahil kaya nitong bilugin si Nicole gamit ang mga mahal nito. Hindi niya naman hinangad na maging ganun ang kapalaran ng kanyang anak ngunit kung kinakailangan niyang maging isang kontrabida sa harap ni Nicole ay gagawin niya.

Pagkababa niya sa itaas ay bumungad sa kanya si Bunnie, ang kanyang daughter-in law na pinakasalan ng kanyang panganay na hindi na niya pa tinutulan. Sa mga anak niya ay si Carlos ang unang lumagay sa tahimik at mukha namang mas maayos na ang buhay nito kaysa sa gusto niyang mangyari noon.

Minsan niya ng ipinagkasundo ang kanyang panganay sa isa sa mga kasosyo niya ngunit sa hindi inaasahan ay iniligtas ng babaeng nasa harap niya ngayon ang kanyang anak sa kanyang desisyon. Isang maling desisyon.

Simula ng pakasalan ng kanyang panganay ang babaeng ito ay walang araw na hindi niya nakitang malungkot ang anak. Nakikita niya lagi sa mata ng kaniyang panganay kung gaano ito kasaya sa piling ng kanyang babaeng mahal. Ganun rin naman siya noong pinakasalan niya ang kanyang asawa at walang araw din na hindi siya nagpasalamat dahil nakilala niya ang babaeng bumuo sa kaniyang pangarap na pamilya. Ngunit sa nangyayari ngayon ay parang hindi na niya tamang sabihin na naging isa siyang tunay na ama sa kanila.

Bunnie smiled and approach him. "Hello po, Papa"bati sa kanya nito sabay mano.

Napakabait at mapagmahal na asawa ang napangasawa ng kaniyang panganay at ganun rin ang gusto niya para kay Nicole. Gusto niya rin na mapalagay na rin sa tahimik ang ikalawang anak niya ngunit paano ba. Ano ba ang dapat niyang gawin para maging masaya na ulit ang anak niya.

"Kailangan ko na bang pauwiin ang aking anak galing Europa upang magka-apo, Ija?"pagbibiro niya.

Namula naman si Bunnie sa sinabi sa kanya nito ngunit hindi nila mapagkakaila na gusto gusto na rin nilang magkaroon ng maliit na supling sa kanilang tahanan. Nag-aaral pa rin kasi ang kanyang panganay sa Europe at sa susunod na taon pa uuwi para manalagi sa pinas. Pero sa kanyang nakikita ay makakapaghintay pa rin ang dalaga sa kanyang panganay.

"Wag niyo po iyon gagawin, Papa."kinikilig na turan niya. "Siguradong magmamadali iyon. Kaya ko pa naman pong maghintay atsaka po 25 palang ako. Nangako na ako na dapat kong ipasa ang boarding exam ko para sa nurse license."

Tumango naman siya at napangiti. "Mahal na mahal mo talaga ang aking anak."malumanay niyang sabi

Nagtataka namang napatingin sa kanya si Bunnie at hinawakan siya nito sa braso. "Papa, may masakit po ba sa inyo? Gusto niyo po bang dalhin ko kayo sa ospital?"nagaalalang tanong ni Bunnie sa kanya.

Umiling naman siya. "Wag kang mag- alala sa akin. You should take care of yourself than thinking of mine."

"Hala, paano ko po iyon gagawin kung ikaw ang tatay ng lalaking mahal ko. Yieeh! Kinilig yan."panunukso nito sa kanya.

Hindi niya naman maiwasan na hindi mapangiti sa sinasabi ng dalaga sa kanya. Simula ng tumira si Bunnie sa kanilang tahanan ay bumalik kaunti ang sigla ng mansion nila. Laging wala ang mga anak niya dahil marami na itong pinagkakaabalahan. Napakabilis ng mga araw na halos hindi niya na rin napansin na napapalayo na ang kanyang loob sa mga ito. Gusto niya man ibalik ang dating kasiyahan sa mansion nila ay wala na siyang maibabalik pa.

"Magpahinga kana, Ija. Siguradong napagod ka sa kakaasikaso ng mga pasyente."aniya

Bigla nalang siyang hindi nakaimik ng yakapin siya ng mahigpit ni Bunnie. Hindi niya alam kung gumaan ba ang kanyang loob dahil sa ginawa nito o mas lalong bumigat ba.

"Sabi ni Carlos, yakapin daw kita para sa kanya."bulong ni Bunnie sa pagitan ng kanilang yakapan. "Hindi pa po ako nagpapasalamat sa ginawa niyo po para sa amin ni Carlos. Maraming salamat po. Ikaw po ang pinakada-best na Papa na meron siya. Kaya wag na po kayong malungkot."

Matapis sabihin iyon ni Bunnie sa kanya ay tuluyan na itong umakyat sa kwarto nito. Habang siya naman ay naiwang nakatayo habang dinadama ang yakap na gusto niya rin na maramdaman. Yakap na galing sa kanyang mga anak. Sa kanyang Avril Nicole na nawalay sa kanila ng sampung taon.

Napalingon siya sa kanyang likod ng makita niya si Fe na nag-aalala rin na nakatingin sa kanya. Kitang kita niya sa mata ng kanyang asawa ang pighati at kalungkutan na siguro ay dahil sa ginawa nilang pagkakamali sa kanilang anak.

Hindi ba siya naging patas sa magkakapatid kaya nangyayari sa kanila iyon?...

"Hon"

"Pakawalan nalang natin siya."makahulugang sabi ng kanyang asawa.

Simple ngunit napakalalim ng gustong hingin ng kanyang asawa. Kaya niya bang pakawalan ang pinakamamahal niyang anak sa muling pagkakataon?

"Hon..."

Lumuhod ang kanyang asawa sa kanyang harap na hindi niya naman inaasahan. Kahit kailan ay hindi lumuhod ang kanyang asawa sa kanya upang humingi ng pabor.

Nakita niyang nagsituluan muli ang luha sa mata ng kanyang asawa na mas lalong pumiga sa kanyang puso. Parang sinasaksak ang kanyang dibdib habang nagmamakaawa ito sa kalayaan ng kanilang anak. Ganun na ba siya kahangal para lumuhod sa kanyang asawa sa harap niya.

"Nagmamakaawa ako, Kris. Tama na ang pagtatago sa kanya. Tama na ang pagpapalayo sa ating anak. Nang wala tayo sa tabi niya ay kailanman hindi niya hiningi ang ating tulong para umunlad siya. Katulad ngayon."namamaos nitong pagmamakaawa. "Stop being a cold man to your own daughter.  Stop being coward and let our daughter do what is right."

Kung nagiging matigas ang kanyang puso sa kanyang anak. Yun ay dahil sa gusto niyang hindi ito mapahamak. "I won't"mariin niyang sabi. "Stand up, Fe. Hindi mo pwedeng ipakita na mahina ka sa harap ng iyong-"

Hindi niya na natapos ang kanyang sasabihin ng biglang tumayo ang kanyang asawa mula sa pagkakaluhod at bigla nalang siyang sinampal ng malakas sa pisngin. Puno iyon ng hinanakit at pandidiri.

"Ikaw ang tumigil, Kris. Naniwala ako sayong makakabuti sa ating anak na ilayo siya sa atin. Naniwala ako sayong mas mabubuti iyon sa ating lahat."sigaw nito sa kanya. "Ngunit anong naging bunga ng iyong pagiging matigas na tao. Mayaman nga tayo ngunit malayo naman sa atin loob ng ating mga anak. Wala nga tayo sa peligro at kahihiyan ngunit ang sarili mong anak ang nagdudusa."

"Hindi mo naiintindihan, Fe"

"Anong hindi ko naiintindihan, Kris? Ano? Sabihin mo. Buong buhay ng anak natin ay wala tayo doon. Wala tayo sa piling niya ng mga oras na gustong gusto niyang naroon dapat tayo. Nakita mo ba ang sarili mong anak na umaakyat sa stage habang kinukuha ang kanyang diploma? Hindi diba. Kaya kung anong meron sa buhay niya ngayon ay dapat mo na siyang hayaan!"

"Ginagawa ko lang naman ito para sa ikabubuti niya, Fe. Bakit hindi mo iyon maintindihan"pagtatanggol niya rin sa kanyang sarili.

"Hindi mo ito ginagawa para sa ikabubuti niya, Kris. Ginagawa mo lang panapik butas ang ating anak sa pagkamali mo noon."

Bumuntong hininga si Fe sa kanyang asawa na hindi makaimik. "Kung hindi ka makikinig sa akin, Kris. Aalis nalang ako  at hindi mo ako mapipigilan. Kung hindi ka pa sawa sa pagtatago sa sarili mong anino. Ako sawang sawa na. Sawang sawa na nakikita kong sinasaktan mo ang sarili nating anak. Hindi ka na patas, Kris. Nagiging makasarili kana!"

@naokoalliv

Eyes On You Varine Series #2 under EditingWhere stories live. Discover now