Chapter 37 - Gabriel's POV

7.3K 53 37
                                    

Gabriel's Present POV

Minsan sa buhay mo, mapapa-P*TANG*NA ka na lang eh. Lalo kapag napunta ka sa sitwasyon na hindi mo alam kung saan ilulugar ang sarili mo. Yung hindi mo alam kung ano ang paiiralin mo.

Damdamin mo ba..

Prinsipyo mo ba..

o ang patuloy na pagpapakabulag sa halaga ng pera at kayamanan sa mundong mayroon tayo ngayon.

Paano kung lahat yan kailangan mo? paano ka pipili? P*ta! mahirap eh! sa kagwapuhan ko pa lang nahihirapan na ako eh. dumagdag pa 'to!

Hindi ko minsan inisip na maiipit ako sa sitwasyong ganito. Parang kailan lang, pumayag ako sa kontrata na ibinibigay sa akin ni Briton, siya yung sinasabi kong gagong boss ko na malakas magtae ng pera sa mga empleyado niya. Sa kanya galing lahat ng kung anung meron ako kapalit ng pagpapakagago kong pagsunod sa kung anu-anong thrilling na ipinag-uutos niya.

Siya yung anghel kung magbigay ng trabaho at pera, pero demonyo kapag nasagad mo ang pasensya at tinuligsa mo ang pinag-uutos niya.

Binigyan niya ako ng trabaho na may kasamang kontrata.

       - - -  C     O     N     T    R     A     C     T - - -  

 

                                * * * * * * *

Ako, si Gabriel Joshua Perez, nangangakong gawin ang lahat ng utos sa akin ng amo kong si Briton Anthony Layosa na maging isang personal bodyguard ng isang babaeng nagngangalang Dennise Angela Pangilinan at nangangako rin na paiibigin ko siya hanggang sa masaktan siya pero hinding hindi ako mahuhulog o magseseryoso ng nararamdaman para sa kanya. Gagawin ko ang trabaho ko ng buong dangal at hindi ko kailanman sisirain ang tiwala na ipinagkaloob sa akin ni boss Brit dahil alam ko ang kahihinatnan ko kapag nangyari yun. Kapalit ng trabahong ito ay ang isang malaking halaga ng pera, bahay at lupa, at isang luxury car.

Hindi ko kailanman ipagsasabi kahit kanino ang lahat ng nakasaad sa kasunduang ito.

 

 

Signed by:

Gabriel Joshua Perez

 

Witnessed by:

Briton Anthony Layosa

 

 

*****

Noong unang beses kong nakita yung kontratang ito, halos wala lang sa akin yung mga nakasaad dahil tiwala ako sa sarili ko na magagawa ko naman at masusunod ko lahat ng inuutos niya. Pumirma ako agad dahil ganun naman ako palagi, ganun ako kakumpyansa sa sarili ko na kaya ko mga ipapagawa niya sa akin dahil kung hindi ko kaya, hinding hindi niya yun ibibigay o iooffer sa akin.

 Nakokornihan pa nga ako kasi kailangan ganun talaga yung nakasulat sa kontrata? P*ta puro kabaklaan eh. Sabi nga nila, walang forever! Kung magmahal man ako, Wala talagang forever! Nagmahal ako minsan, at yun ay kay Iska at napakaimposible na magmahal akong muli kung purong trabaho lang ang intensyon ko para magkaron ng pera, malaking bahay at lupa at sasakyan para sa nanay ko.

My Personal "BODY" Guard by spunchbobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon