Chapter 37 B

2.5K 28 7
                                    

Chapter 37 B

Gabriel's POV

Pagkatapos ng gabing iyon, yung gabi kung kailan muntik ng may mangyari sa aming dalawa, sinurpresa at pinaganda ko ang umaga ni Deniella sa pamamagitan ng paghahanda ng breakfast in bed sa kanya.

Never ko pa itong nagawa sa buhay ko at syempre ginawa ko yun para makuha pa lalo yung loob niya.

kahit na alam kong bagong gising pa lang siya at hindi pa nagtutoothbrush, hinalikan ko siya para tumigil na siya sa kakasalita at para din kainin na niya yung hinanda kong pagkain para sa kanya. Kitang kita ko naman sa mga mata niya na masaya siya sa surpresa ko.

At kahit marami siyang arte sa katawan, bahala na. sige, tiis tiis lang. Tumalikod raw ako dahil hindi siya sanay na pinapanuod habang kumakain. ABA NAMAN TALAGA OO!

Pero nainis ako dahil paglingon ko sa kanya nakita kong may tirang pancake sa plato niya. Ay anong trip? Niluto ko yun ng may kasamang pagmamahal tapos ano? Ititira niya lang? ang dami-daming taong hindi nakakakain ng pancake at hindi marunong magluto ng pancake tapos ititira niya lang ng ganun ganun na lang? HUSTISYA NAMAN!


Pero syempre, para sa 'kin pala yung tinira niya. Sinubuan niya ako ng pancake. Mejo nawala naman yung inis ko sa ginawa niya. Akala ko kasi hindi niya nagustuhan e.

nadagdagan pa yung saya niya noong binigyan ko siya ng cellphone na kahalintulad nung unit ng sa akin dahilan para babain niya ako sa kusina at sunggaban ng mahigpit na yakap at todo pasasalamat siya sa pagpapasaya ko ng umaga niya.

Masaya ako sa tuwing nakikipagsagutan at barahan ako sa kanya, siguro kasi hindi siya nagpapatalo at ang bilis bilis niyang maasar. ang sarap sarap asarin ng mga babaeng napakabilis maasar 'no?

Pagkatapos nun niyaya ko siyang umalis para mag-date kami. Habang nag-aantay ako kay Deniella sa may garahe, tumawag sa akin si Boss.


"Oh ano Gab, kamusta yung alaga mo?"

"Ayun, asang asa ang p*ta." Totoo naman, halatang galak na galak si Deniella sa mga ginagawa ko sa kanya..

"aba mabuti yan! sabi ko na nga ba mapagkakatiwalaan ka talaga."

"Oo naman. T*ngina, gwapo ko eh!"

"Gago, wag na wag mong hahayaang mabuko ka niyan! At wag na wag mong kakalimutan yung usapan natin"

"Oo akong bahala. Oo na, putres. paulit-ulit? hindi ko nakakalimutan yung pinag-usapan natin" nakangisi kong sinasabi habang kausap ko siya sa cellphone ko. Naiimagine ko yung bahay at lupa na maibibigay ko kay nanay pag nagkataon..


Napatingin ako sa gilid ko at napansin ko na nasa likuran ko na pala si Deniella. Agad agad akong nagpaalam kay Boss Brit dahil baka marinig pa ni Deniella yung mga usapan namin.

Wala naman siguro siyang narinig noh? Tang*na nakakabaklang magpanic pero siguro nga wala naman siyang narinig.

Agad ko siyang tinanong kung kanina pa siya nakalabas ng pintuan ng bahay, sabi niya hindi naman daw. Kaya agad kong iniba yung usapan at niyaya na siyang umalis..

pero..

NAG-INARTE SIYA. Ay mali..


NAG-INARTE NA NAMAN SIYA.

Ayaw niyang sumakay kay Tory. Kesyo never pa daw siyang nakasakay sa motor. Amputa. nagtalo kami hanggang sa hindi ko napigil yung sarili ko na magmura. Hindi ko sinasadya. Hindi talaga.

My Personal "BODY" Guard by spunchbobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon